THREE

7 2 0
                                    

Cristel

Nagja-jamming kami nang umupo sya sa tabi ko

"Anong ginagawa mo dito?" pagalit kong tanong sa kanya 

"Nakaupo malamang" narinig kong nagpipigil ng tawa yung dalawa

Sinamaan ko sya ng tingin at nginitian lang ako

"Pwede ako pahiram, baby ko?" tanong nya

"Marunong ka ba?"

"Sus, ako pa" kinuha nya ang gitara ko kahit hindi pa ako umo-oo

"Sa family ko marunong kaming mag-gitara o mag-piano---- sometimes both"

"Walang nagtatanong"

"Share ko lang" nag-strum na sya

Kinanta nya ang Stay ni Daryl Ong habang nakatitig sa mga mata ko

Aaminin ko, ang ganda ng mata nya, yung tipong ang hirap umiwas ng tingin 

"Why are you staring?" umiwas ako ng tingin

"I wasn't staring"

"Psh, yeah right" humarap ako sa dalawa

Si Ivan todo na ang kapit sa braso ni Christopher at si topher naman ay ngumiti lang at tumango-tango

"Tumigil nga kayo!" singhal ko sa dalawa kong tropa

"Bakit, wala naman kaming ginagawa ah"

Kinuha ko na ang gitara ko at iniwan sila

Naririnig ko ang footstep nya at ang pagtawag nya ng pangalan ko

"What?!" singhal ko

"You left your phone" sabi nya na halos pabulong

Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimula ng maglakad palayo

"Wait, baby ko" sinundan nya ko

"Ano na naman ang kailangan mo?"

"I'll give you a ride home"

"I have two legs, kaya kong maglakad"

Naramdaman ko na ang pagpatak ng ulan

Peste! Bakit ngayon pa umulan?

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papunta sa parking lot. Binuksan nya ang lock ng kotse at pumasok kami sa loob ng blue subaru nya. Binuksan nya ang heater

Tinanggal ko yung cap at bag ko saka nilagay sa likod

Binatuhan nya ko ng jacket nya

"Ano ba?!" pagkalingon ko ay nakita ko syang shirtless, napalunok ako ng makita ang mga pandesal, broad shoulders at muscular biceps nya

Umiwas ako ng tingin "M-magdamit ka nga"

"Ayos lang na pagnasaan mo ako" humarap uli ako sa kanya, pinigilan ko ang sarili na hindi tumingin sa matipuno nyang katawan

"Ano?"

"Ang sabi ko---" nilapit nya mukha nya sa'kin "----ayos lang na pagnasaan mo ko" he smirk

Binato ko sa kanya ang jacket nya

"Ang kapal ng tinga mo!" Tumawa lang sya

"Suotin mo na toh" sabi nya at binigay sa'kin ang jacket

"Ayoko"

"Susuotin mo o ako ang magsusuot sa'yo?" Hindi ko sya sinagot

Hinatak nya ko ang braso ko at pinilit nyang suotin ang jacket nya

"Ba't di mo nalang suotin? Ikaw naman tong walang damit ah" sabi ko ng maisuot nya sa'kin ang jacket

"Gusto mo naman na wala akong damit diba? Ayos lang na maging honest paminsan-minsan" pinag-krus ko ang braso ko at humarap nalang sa bintana

Maya-maya ay narinig ko na ang pag-andar nya ng sasakyan at umalis na kami ng parking lot

Prince

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko

"Wala"

Nag-isip ako ng pwede namin pag-usapan

"What do you think about the car?" I mentally slap myself

"Its my dream car"

I turn to her, surprise at what she confessed

"Really?" She nodded

"You can have it" nanlaki ang mata nya

"Ano?!"

"Ang bingi mo talaga ngayong araw"

"Siraulo ka ba? Sa'yo toh, ba't mo ibibigay sa'kin?"

"You're right. I should buy you a new one instead of lending mine" hinampas nya ko

"Idiot, sabi ko dream car ko toh, wala akong sinabi na bilhan mo ko" I chuckled

"You really are different"

"Psh"

Tahimik kami hanggang sa maihatid ko sya sa kanila

"Salamat" sabi nya bago sya lumabas at tumakbo papasok ng bahay nya

Pinagmasdan ko ang bahay nya. Isang simpleng two-storey house, medyo luma na dahil sa kupas na pintura ng bahay

Maya-maya pa ay nagbyahe na ako papunta sa bahay ko

Pagpasok ko ng kotse sa garahe ay dumiretso na ko sa kwarto at humiga

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung kanina

The way she looked at me....

Fvck!

Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko ay baka may nangyari na sa 'min

I sigh

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sya

"Hello, sino ka?"

"Hello? Hello? Aba loko ka, wala akong panahon para sa mga prank calls---"

"Hi baby ko"

"Prince? Paano mo nakuha number ko? Binigay ba sa'yo yun nina Ivan?" 

"No, you left it, remember?"

"Anong kailangan mo?"

"Nothing, just you, your voice..."

"Kung wala kang kailangan sa'kin ibababa ko na toh"

"No, please don't, I'll miss you"

"Magkasama lang tayo kanina sa kotse miss mo na kaagad ako? Wag kang OA, ha?"

"Pero ma-mi-miss nga kita"

"Psh. Marami pa 'kong ginagawa, istorbo ka"

"Sorry. Sige pagpatuloy mo na yan. Bye" binabaan nya na ako ng tawag

Wala man lang goodbye o kaya kiss manlang via phone. Hmph!

Blinded By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon