Cristel
I do owe him a lot for helping me that day. I guess supporting him in a game would be enough bilang kabayaran
Pumunta kami sa field at umupo sa bleachers sa may harapan
Nagsimula ng mapuno ang bleachers ng mga tao
"Naks naman, supportive girlfriend naman po pala this gurl" pang-aasar ni Ivan
"Girlfriend mo to. Manahimik ka nga dyan!"
Narinig ko na naman ang mga bulungan nila tungkol sa'kin
"Girlfriend? As if naman papatulan sya eh mas mukha pa nga syang lalaki kaysa sa mga players"
"True"
"Sino ba dyan yung boyfriend nya?"
"Seriously? Naniniwala kang may jowa yan dyan?"
At patuloy pa rin ang mga bulungan, ngayon kasama na si Prince sa usapan namin
Kung pwede lang sigawan sila and tell them to fvck off ay ginawa ko na kanina pa. Nakakabwisit sila, ang dadaldal
Nang mag-step-in na ang mga players ay naghiyawan na ang mga tao na kala mo nakakita ng sikat na artista
He looked around the audience and his gaze landed on me. He had this great big grin on his face that made me feel weird inside
What the hell is happening?
Hanggang sa sinasabi na ng coach ang strategy ay panay pa rin ang sulyap nya sa'kin
I've heard that he's the captain of the soccer team
Habang naglalaro sila ay ang focus nya sa game at nakikita ko talaga ang teamwork sa team nila dahil sa kanya
Maya-maya ay inagaw ng kalaban ang bola through dirty tactic
Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Allen
"Save your breath, walang makikinig sa'yo" kumunot ang noo ko sa sinabi nya
"They always play dirty, pero wala tayong magagawa" dagdag ni Christopher
Nanood nalang ako at umupo ng maayos
They're right madaya nga ang mga kalaban. Is this how they play soccer? Thankful nalang ako kasi kahit madaya ang kalaban ay malinis pa rin maglaro ang mga players namin
Lamang sila sa'min ng dalawang puntos. Grabe kung maghiyawan ang mga schoolmate ng kabilang team
Pft. Madaya lang naman ang team nyo kaya nanalo
Naiwan si Prince sa bench na nakayuko habang nagsimula ng umalis ang mga tao. Nagpaalam na ko kina Ivan at lumapit sa kanya
"Hey" tumingala sya at biglang tumayo
"Hi" he smiled shyly
"Wag mo ng pagluksain yung pagkalamang nila ng dalawang puntos, madaya naman sila tsaka mas magaling ka naman dun eh" nakita kong namula ang leeg at mukha nya
Teka... nag-blush ba sya sa sinabi ko?
"Uhm... thanks"
"Yeah..."
Nagkaroon ng awkward silent bago ako nagsalita
"Sige, aalis na ko"
"Wait!" bago pa ko nakalingon ay hinawakan nya na ang kamay ko at naramdaman ko na naman ang kuryente at pagtaas ng balahibo ko
Lagi ba talaga akong ma-ga-ground kapag hinahawakan nya?
"Do you want to join me for a late lunch or an early dinner?"
Napahawak ako sa baba ko with my free hand "Hmm... I do love free food"
"So that's a yes?"
I shrug "Maybe" he grins
"I'll take that as a yes" I roll my eyes
Hinila nya na ako papunta sa kotse nya
Prince
Alam nyo yung feeling na natalo ang team nyo pero pinuri ka pa rin
Nasa Mang Inasal kami ngayon kumakain
She wasn't kidding nang sabihin nya na gutom sya
Naka dalawang round na sya habang paubos ko palang yung isang round ko
"Ang takaw mo talaga" I chuckle as she roll her eyes
Nang matapos sya ay dumighay sya ng malakas kaya napalingon sa'min ang ibang customer
Natawa ako at napailing nalang sa ginawa nya
"I can't believe you just did that"
"So?" tumayo sya at isinukbit ang bag nya
Tumayo na rin ako at sabay kaming umalis
Pumunta kami sa arcade at naglaro ng House of the Dead
I admit, I suck at video games. Ilang token na ang nawala dahil sa pagkaubos ng lives ko
"Noob!" sigaw nya
"Ano?"
"Weak!"
"I am not"
"Pft. Yeah right"
Next naming nilaro ay basketball kung saan naka-high score pa ako
"Impressive..." natuwa na ko sa compliment nya kaso dinagdagan pa eh "...pero weak ka pa rin sa arcade game" I frown and rolled my eyes habang tumawa lang sya
Hinila ko sya sa kung saan-saang store habang nakahawak ako sa kamay nya, I even intertwine it pero mukhang hindi naman sya nabahala sa ginagawa ko

BINABASA MO ANG
Blinded By Love
RomanceHis name is Prince Benjamin Gonzales, isang mayaman na binata na mahilig sa mga challenges. Lahat ng bagay na gusto nya ay pinaghihirapan nya, ayaw na ayaw nya ang paghati sa isang bagay dahil bata palang sila ng kapatid nyang si Louie Andrew Gonzal...