ELEVEN

6 0 0
                                    

Cristel

Ilang araw na syang hindi pumapasok, nakaka-miss tuloy yung pangungulit nya sa'kin

"Hoy! Kanina ka pa dyan nakatingin sa phone mo. Kanino bang tawag ang hinihintay mo?" tanong ni Christopher

"Wala"

"Ay sus! Wala daw, si daddy Prince mo lang hinhintay mo eh porkwt ilang araw na syang absent"

"Daddy Prince? Eww... tumigil ka nga"

"Aminin~ na-miss mo sya"

"Oo na! Na-miss ko sya" tumili tong bakla na toh at may pahampas-hampas pa sa jowa nya

"Sabi ko na eh, pumapag-ibig ka na gurl" 

"Tantanan mo nga ko" tinago ko na ang phone ko at kinuha ang gitara ko

Nag-strum ako ng titibo-tibo hanggang sa mapakanta nalang ako

🎶Kahit ako' titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan

At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

Na para bang bulaklak na namumukadkad

Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

Sikat ng araw-araw mong pag-ibig

Sa'king buhay nagpapasarap 🎶

Sobrang nakaka-relate ako dito sa kanta na toh

Napatigil ako sa pag-sa-strum ng marinig ko ang ringtone sa phone ko

Agad ko yun kinuha at chineck ang messages pero hindi pala sa kanya, from unknown 

Binuksan ko yun at tsineck yung messages

Mga pictures yun ni Prince na may akay-akay na babae pero nagulat ako sa huling picture, magkahalikan sila, sa dulo ay may voice message at pinindut ko iyon

"What?! No, pft. Are you crazy?"

"Then why are you so clingy to her?"

"She's just really interesting. Its just a game, a game which I'll surely win"

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako hanggang sa punasan ni Ivan ang mga luha ko

"Gurl, ayos ka lang ba?" tanong ni Ivan

Lahat sila nakatingin sa'kin na may concern

"Allen pwede mo ba akong ihatid papunta kina Prince?"

"Sigurado ka ba?" tumango ako

Pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa kotse nya papunta kina Prince

.....

Habang nasa byahe ay ang tahimik ko, nakatulala sa bintana at maraming iniisip

Bakit nya ba hinalikan yung babaeng yun?

Bawal akong maging sweet sa iba pero sya pwedeng humalik ng kung sino-sino lang?

Isang laro nga lang ba ako?

Pinapaikot mo lang ba ako? Pinaglalaruan?

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay nila nang may yumugyog sa'kin

"Nandito na tayo"

Tumingin ako sa bahay at huminga muna ng malalim bago lumabas

Habang papalapit ako sa bahay nya ay nararamdaman ko na nanginging ang mga kamay ko at ang lamig na nila

Blinded By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon