TWO

7 1 0
                                    

Prince

I still kept on pestering her non-stop. It was fun, aakbayan ko sya, biglaang hahalikan, at tuwing ginagawa ko yun sinasapak nya ko o kaya hinahabol. She's such an amazing girl

"Baby ko" sabi ko nang makita sya

"Pwede ba, lumayo ka nga sa'kin at hindi ako 'baby ko' mo, wag kang feelingero" singhal nya

Kinuha ko ang gitara at bag nya

"Ako nang magbubuhat"

"Akin na yan" hindi ko sya hinayaan na makuha ang gamit nya

"Kiss ko muna"

Inirapan nya lang ako at kinuha ang earphone at cellphone nya

Nagpatugtog sya at hindi na ko pinansin

Kinuha ko yung isang earpiece at nilagay sa isa kong tenga. Thankfully hindi naman sya nag-reklamo

Napahinto sya at huminto din ako. Nakatulala lang sya at sinundan ko ang tingin nya, nakatitig sya sa ex nya

Inakbayan ko na lang sya at mas lalong niyuko ang ulo nya at nagpatuloy sa paglalakad

"Huy ano bang trip mo?!"

"Wala, ang cute mo" sabay kiss ko sa pisngi nya

Nang makalayo na kami sa kanila ay binitawan ko na ang ulo nya

"Ano bang trip mo?" kinuha nya ang bag at gitara nya

"Wala man lang thank you?" reklamo ko at sinundan sya

"Para saan? Sa ginawa mo kanina? May sinabi ba akong gawin mo yun?"

"Thank you lang, pinagdadamot mo pa"

"Pag nag-thank you ba ako lalayas ka na sa harapan ko?"

"Okay na rin na wag nalang basta hindi ako lalayas" kinindatan ko sya at inirapan lang ako

Cristel

Hindi ko talaga alam kung ano ba ang tinira nitong mongoloid na'to

Lagi nya nalang akong hinahatid sa room ko kahit pinapalayas ko na sya

Simula ng "ligawan" nya ako ay pinagtinginan na ako ng mga babae. Gusto ko sana nun kaso lang hindi tingin na kinikilig, yung tingin na pinapatay na ako gamit mata nila. Hindi ko na rin sya makausap o maayos man lang ang relasyon namin, peste kasi yung lalaking yun

Kumakain kami ngayon ng bandmates ko ng umupo sya sa tabi ko

"Hi baby ko" sabi nya

"Go away" sabi ko ng sabay kain ng sandwich ko

"Nagda-diet ka ba? Ba't ganyan lang kakonti ang binili mo?" tumayo sya at bumili sa counter

"Ang lakas talaga ng tama sa'yo ni Prince noh?" sabi ni Christopher

"Baka naman, nahuhulog ka na rin sa patibong nya" sabi ni Ivan habang nakataas ang isa nyang kilay

"Hoy bakla ka! Huwag ako" 

Umupo na rin sya sa tabi ko at nilapagan ako ng kung ano-anong pagkain

"Kumain ka, para may energy ka mamaya"

Kinuha ko yung doughnut at kinagat ito

Tiningnan ko ng masama si Ivan nang makita ko kung gaano kalapad ang ngiti nya

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Habang kumakanin ako ay ramdam ko ang mata nya na nakatitig sa'kin

"Kumain ka dyan at huwag mo akong titigan" sabi ko

"Kumakain naman ako ah. Tsaka I'm just admiring the view" lumingon ako sa kanya at nakita ko syang titig na titig sa'kin habang ngumunguya ng tinapay. Pagkalunok nya ay napalunok din ako

"Are you staring at me?" tanong nya

"No, I'm just looking" umiwas na ako ng tingin

"Right, you're just looking" sabi nya na hindi pa rin kumbinsi

Napansin kong wala na pala ang dalawa kong kaibigan

Tinapos ko na ang doughnut at tumayo. Aalis na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko para pigilan

"Saan ka pupunta?"

"Kung nasaan ang mga kaibigan ko"

"You can't just leave me here"

"At bakit naman hindi pwede?"

"Kasi sayang ang pagkain"

"Ako ba ang bumili ng ganyan karaming pagkain?"

"Para sa'yo naman kasi talaga ang pagkain eh. Marami ngang bata dyan ang bihira lang kumain tapos ikaw tong binibigyan at tinatanggihan mo lang ang grasya"

"Oo na" umupo ako at sinabayan sya

Andami pang sinabi pero nakakagulat na nanghihinayang toh sa pagkain. Ang pagkaka-alam ko kasi ay isang mayaman na binatilyo tong si Benjamin, hindi naman sa nanghuhusga ako pero karamihan kasi sa mga mayayaman ay yung maaksaya sa pera at kung ano-ano pa

Nang matapos kami ay tumunog na rin ang bell 

Hinatid nya na naman ako sa room ko

"Alam mo, hindi mo naman ako kailangan pang ihatid"

"Gusto ko eh" I rolled my eyes

Hinintay nya pa talaga akong umupo bago sya pumunta sa classroom nya

May narinig akong bulungan tungkol sa'kin

"Sa tingin nyo ba seryoso sya sa kanya?"

"Siguro, mukha naman malakas ang tama ni Fafa Prince sa kanya"

"Ano kayang ginawa ng tibo na yan sa Fafa Prince natin?"

Aba! wala akong kinalaman sa kung ano man ang trip ng mongoloid na yun. Ba't nila sa'kin sinisisi yun?


Blinded By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon