Prince
Una ko kaagad syang hinanap sa school pero hindi ko sya nakita kaya nagtanong na 'ko sa mga kaibigan nya
"Hindi din namin sya napansin. Siguro nasa hospital na naman sya inatake----"
"May sakit ba sya?! Ba't sya nasa hospital?!"
"Pwede bang wag kang sumigaw?" Ivan rolled his eyes
"Nandun siguro sya dahil sa kapatid nya" nakahinga ako ng malamang hindi pala sya ang may sakit
"Ano bang sakit ng kapatid nya?"
"Prince, that's her business, why don't you go there and ask her" tumango ako
"Anong pangalan ng kapatid nya?"
"Casper Pagdayunan" tumango ako at pumunta na ng hospital
Pagkapunta ko dun ay nagtanong ako sa front desk kung saan ang room ni Casper tsaka sumakay ng elevator
Pagkabukas ng elevator ay nakita ko si Cristel na kausap ang doctor. Hindi ko marinig ang usapan nila kaya nagulat ako ng lumuhod sya sa harapan ng doctor
Lumakad ako papalapit sa kanila
"Doc., please magbabayad po kami ni Kuya, pagalingin nyo lang po ang kapatid namin" Her face looked puffy and tear-stained
Bago pa nakapagsalita ang doctor ay lumapit na ko at nagtanong
"How much?" nagulat sila nang makita ko
"How much?" tanong ko ulit
"Half a million" sagot ng doctor
"Ako na ang magbabayad sa gastusin nila" nanlaki ang mata ni Cristel
Tumango ang doctor at umalis na kasama ako
Matapos kong bayaran ang gastusin nila ay bumalik ako sa kung saan ko sya huling nakita. Nandun pa rin sya at nakaupo sa bench habang tulala sa kawalan
"Hello baby ko" tumingala sya saka tumayo
"I'll pay you, I mean, hindi muna ngayon pero huhulug-hulugan namin ni kuya" umiling ako
"No need---"
"Pero hindi ko pera yun, pera yun na ibinigay sa'yo ng parents mo"
"Actually it's mine, I earned it from playing sports" umiling sya
"Still, hindi pa rin sa'kin yan"
"Cristel..." I sigh "... fine, lets talk about it later" niyakap nya ko ng mahigpit
"Thank you, this means a lot to me and my family" I hugged her back
Maya-maya ay narinig kong tumunog ang tyan nya
I chuckle then pulled back
"Looks like someone is hungry" namula sya
"Hindi ka pa kumain since kaninang umaga?" umiling sya
Kinuha ko ang kamay nya "May Mcdo dyan sa labas, kain lang muna tayo then balik ulit dito" tumango lang sya at bumaba na kami
Nag-order na ko ng marami at baka gutom na gutom na sya. Hindi nga ako nagkamali dahil pag-lapag palang ng pagkain ay kumain na kaagad sya na parang wala ng bukas
"Hinay-hinay lang at baka mabulunan ka" sabi ko at inabot ang inumin
"Sorry, ang sarap kasi" I chuckle
Tinake-out na namin ang mga natira
Paglabas namin ay buhat ko ang mga tinake-out habang kumakain sya ng ice cream
"Masarap ba yang ice cream?" tumango sya
"Penge" isusubo nya na sa'kin ang spoon na may ice cream nang iliko nya at kainin yun
Ngumiti lang sya and I smirk before capturing her lips and tasting the sweet vanilla flavored ice cream
"Masarap nga"
Pumikit-pikit sya at sinuntok ako sa balikad saka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad
Cristel
Mabuti nalang at successful ang operation at kasama ko pa ngayon si Casper
Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa'min si kuya. Lumapit sya kay Casper at niyakap ito
"Thank God, you're alive" hinalikan nya ito sa buhok
Humarap si kuya sa'kin "Kanino ka nakautang ng pera?"
"Sa kaibigan ko"
"Magkano ba?"
"Kalahating milyon" nanlaki ang mata ni kuya at kumunot ang noo
"Hindi naman ganun kayaman sina Ivan o Christoper--- nanghiram ka ba talaga----"
"Opo kuya, pero.... hindi nga lang sa isa sa dalawang yun"
"Kanino?"
"Kay kuya Prince" sagot ni Casper
Tumango nalang si kuya "Pakisabi nalang kay Prince na salamat at babayaran din natin ang nahiram nating pera" tumango ako

BINABASA MO ANG
Blinded By Love
RomanceHis name is Prince Benjamin Gonzales, isang mayaman na binata na mahilig sa mga challenges. Lahat ng bagay na gusto nya ay pinaghihirapan nya, ayaw na ayaw nya ang paghati sa isang bagay dahil bata palang sila ng kapatid nyang si Louie Andrew Gonzal...