Prologue

3 0 0
                                    

Tumayo na ako sa aking upuan at naghanda ng umalis. Naglalakad ako patungong hallway ng school habang nilagay ko ang aking tumbler sa bag. Monday ngayon. First day of class. Nasa last semester na ako at sa wakas makakagraduate na ako from college. Sinubukan kong isara ang zipper sa bag pero parang nastock siya kaya todo akong abot nito ng hindi ko namalayang nabangga na pala ako.

Ng dahil sa lakas ng impak ay napaupo ako. Naku naman, ang tanga mo talaga Apro. Mukhang pader pa yatang nabangga ko dahil sa tigas. Dali naman akong tumayo at pinagpagan ang aking mga damit. Napatingala nalang ako at nagulat sa nakita ko. Hindi pala pader ang nabangga ko. Lalaki pala. Lalaking adonis. Sh*t! I didn't know may nakatira pa palang ganito kagwapo sa mundong ito. Pero mukhang hindi taga dito. Sayang hahaha! Ang landi.

"What the fvck! Bakit ang tanga tanga mo? Hindi mo ba nakita na may tao sa daanan? " hindi ko maproseso ang mga sinasabi niya. Natulala parin ako sa kanyang kagwapohan. Naramdaman ko ang malakas na pintig ng aking puso.

That's the time i started chasing him. Chasing the wrong man who made the Aphrodite Cry.

------

Tears of the AphroditeWhere stories live. Discover now