CHAPTER 3: You'll Be Mine

54 1 2
                                    

"Uy Tin! Anobayan? Lamog na lamog na yang nuggets mo. Kung ako sayo, kakainin ko nalang yan."

"Wala kayong pakialam! Pera ko pinambili ko dito kaya pwede kong gawin lahat ng gusto kong gawin dito!"

"Okay fine! Chill ka lang kasi."

"Onga bes. Kala ko ba gutom ka?"

"Psssssshh."

Andito kami ngayon sa Mcdonalds. Ewan ko pero favorite ko naman tong nuggets ng Mcdo. Hindi ko lang magawang kainin kasi kanina pa ko asar ng bonggang bongga dito sa kasama naming alien. Kung bakit kasi kailangan pang isama nung dalawa tong si Roy. Sino ba namang hindi maasar eh kanina pa ko tinititigan at nginingitian nitong mokong na to. Hindi ko alam kung pinagttripan niya lang ako o ano eh. Ang alam ko lang bukod sa maganda ako, bwisit ako sa kanya -.-

"Ano bang tinitingin-tingin mo?" sabi ko sabay irap.

"Hmmm, wala naman. Let's just say, I find you attractive ;)" tapos nginitian niya ko ng nakakaloko.

"Yun oh! Ikaw tol ah, gumaganyan ka na naman! HAHAHAHAH!" hiyaw ni Jam.

"Ewan ko sa inyo! Pwede ba? Kung wala kayong magawa, wag niyo ko pagtripan at wag nating sayangin ang panahon ng isa't isa. Nakakaurat lang."

"Wag ka na nga pa-demure jan bes! Isang Drake Royce Bustamante na nga ang nagagandahan at dumadamoves sayo nag iinarte ka pa! You are one of the lucky girls na ginanyan ni Roy!"

"Bes, hindi ako nag-iinarte o nagpapa-demure. Hindi ko lang talaga type yang Roy na yan. Never. N-E-V-E-R. Isa pa, wala akong pakialam kung sino pa siya. Like I care. Duh."

"Talagang with emphasis yung 'never'? Haha! Ano ka ba Tin, kahit ganto tong tropa ko, mabait naman yan. Chick magnet nga lang."

"Nakikinig ba kayo? Sabi ko I don't care. Kahit santo pa yang Roy na yan, wala akong pake. WALA."

"Nako bes! Be careful with your words! Baka sooner or later, kainin mo lahat yan." biglang nagwala yung dibdib ko. Parang gustong lumabas ng puso ko. Woah. I felt nervous sa warning ni bes. Eh? Bat may ganun?

"Don't worry Tin. If ever naman na magkakagusto ka sakin, I'll make sure na hindi ka iiyak ;)" at kinilig naman ako. Hihihihihi :"> WAIT. Anong sinabi ko? ERASE ERASE.

"Talaga namang! Hahaha! Nakakailan ka na tol ah! Sige nga, palambutin mo yang puso ni Tin. Binabasbasan ka namin ni Jane. Okay na okay samin kung magiging kayo."

"Korek!" sabay thumbs up ni bes.

"Tse! Wag niyo nga ako ipagtulakan sa taong hindi ko gusto at never kong magugustuhan! Tsaka Roy, don't worry. Hindi tayo aabot jan and I'll make sure na hindi kita magugustuhan." I faked a smile.

"Talaga lang bes ha? Pakipot pa eh."

"Onga Tin. Wag ka na mag-inarte. Di bagay."

"Heh! Ewan ko sa inyo!"

At habang pinagttripan ako ng magagaling kong mga kaibigan, si Roy tawa lang ng tawa sa kalokohang inumpisahan niya. Nako talaga! Nakakarami na sakin tong lalaking to eh!

"Roy, can you do us a favor?"

"Sure! Why not? Ano ba yun?"

"Iiwan muna namin si bes sayo. May bibilin  lang kami ni Jam saglit. Babalik rin kami agad."

"Sure Jane. Ako na bahala kay Tin." at talagang natuwa ang loko dahil iiwan nila ko sa kanya. Psssssh. Teka? Anong iiwan?

"Teka nga! Anong iiwan? Akala ko ba gala to? Bat niyo ko iiwan? Bakit kay Roy pa? Hindi ba talaga ako pwedeng sumama? Hindi ako papayag!"

Is This It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon