First week na pala ng May. One month left, hello baon na ulit. Woooh! \m/ Pero bago baon, syempre enroll muna. Andito ako sa garden ngayon. Wala, pahangin lang. 7pm na rin kasi kaya medyo malamig na. After 15minutes, dumating na si mama. Masalubong nga.
"Hi ma!" sabay kiss sa cheeks niya.
"Hello nak. Musta? Kumain ka na?" tapos binaba niya na yung bag niya sa sofa.
"Oo ma. Kakatapos lang. Kamusta ako? Hmmm, eto maganda pa rin." TOTOO YUN. MANIWALA KAYO.
"Dapat pala hindi ko na tinanong. Yan naman lagi mong sinasagot eh. Haha!" Bat ganyan ka ma? Nanay ba talaga kita? Suportahan mo nalang ako please? -.-
Hinandaan ko na siya ng pagkain tapos tumabi sa kanya.
"Uhhmmm ma,"
"Oh?"
"May na."
"Alam ko. June pa birthday mo diba?" awtsupayt. Grabe ka ma </3
"Hindi naman ako manghihingi ng regalo eh. Itatanong ko lang sana kung kelan mo ko balak pag enrollin." -.-
"Ay oo nga pala. Siguro sa Friday na. Wednesday pa sweldo ko eh. Gusto mo ikaw na mag-enroll sa sarili mo? Medyo busy kasi sa office ngayon eh."
"Sure ma. No problemo."
"Okay. I'll give you the money on Thursday. Dadagdagan ko na rin para may extra money ka."
"Yun oh! Thanks ma!" Yeeeees! Moneymoneymoney $_$
"Nabigyan lang ng pera nagkaganyan ka na nak." mama talaga -.-
Tinawagan ko naman agad si Jam.
"Uy Tin! Baket?"
"Kelan ka mag-eenroll?"
"This week daw. Why?"
"Wala naman. Sabay na tayo! Sa Friday."
"Sure."
"Eh si bes daw kelan?"
"This week din daw eh."
"Ayos! Sabay sabay na tayong tatlo. ^_^"
"Sigesige. gala na rin tayo. Hahaha"
"Gala Jam ha? Hindi date. 3 tayo okay? Hindi lang kayong dalawa ang nasa mall. Kasama niyo ko."
"Oo na Tin. Promise! Di ka mao-op sa Friday! Baka mag tampo ka na samin eh. Hahahaha!"
"Good. Mabuti nang malinaw."
"Sungit mo talaga! Whahahahahahahahaha" eh? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nababaliw na ata tong kaibigan ko -.-
"Hanggang sa tawag pinagtitripan mo ko Jam? Galing! Tssss."
"Sorry na. Haha! Basta sa friday Tin ha? I'll hang up na. Magbabasketball pa ko eh. Bye!"
"Uunahin mo pa yan kesa sa bestfriend mo? Aba Jam! Isusumb--"
And the line went dead. Binabaan ako ng magaling kong bestfriend.
Ewan ko ba pero kahit bwisit na bwisit ako sa dalawang yun, mahal na mahal ko pa rin sila. Sobrang importante nila saken. Kahit lagi kami nagbabarahan, marami rin namang happy moments. Ang tagal na kaya namin! Mga 4 years na rin. Simula nung nag-high school kame, dun nag-umpisa ang lahat. Hahaha! Pero may isa pa akong hindi maintindihan at maexplain. Hindi ko maintindihan kung bakit at pano nagkadevelopan yung dalawa. Hindi ba sila nakuntento sa pagiging magbestfriends kaya ipinush na nila to the next level? O sadyang nagmamadali lang silang pumasok sa isang komplikadong relasyon? Hindi ko talaga magets. Sorry naman, wala pa akong experience sa mga ganyan. ^_____^v
BINABASA MO ANG
Is This It?
RomanceTeenage relationships are now in trend. Marami jan, 12 palang may boyfriend/girlfriend na. Luckily, here's Kirsten. Isang regular fourth year high school student without any experience sa mga ganyang bagay. Let's see how she'll handle this complicat...