CHAPTER 1: Love? Nakakain ba yun?

76 1 0
                                    

"Ang ineeeeeet!" sigaw ni Jam.

"Alam namin. Hindi mo kailangang isigaw -.-" patol naman ni Jane.

Nagtatalo na naman tong dalawa. Hindi ko alam kung anong balak nitong dalawa sa buhay nila eh. Kung magtatalo nalang sila forever o ano. Haaaay -.-

Btw, sila pala si James Ford Estanislao at Jane De Mesa. Mga bff ko. Nung una, bestfriends lang talaga kaming tatlo pero eventually nagakadevelopan na yung dalwa at naging sila. Kaso sa nakikita ko, mukhang mas bet nilang magtalo kesa mag-ibigan. Pssssh -.-

"Nagtatalo na naman kayong dalawa?! Ano? Yan nalang ba balak niyong gawin habangbuhay?! Uso magbago. Kaimbyerna!"

"Eto kasing si Jam eh! Sinisigaw pang mainit alam naman natin."

"Hindi ko naman pinapaalam sa inyo eh! Gusto ko lang isigaw. Hmmmp."

"Sige, ituloy niyo lang. Maganda yan. Susmarya!"

Nandito kami sa bahay ngayon. Napagtripan lang nilang tumambay ngayon dito. Nakakaboring naman ngayong summer! Bukod sa wala ka nang magawa at mainit pa ang panahon, aba eh sino ba namang matutuwa kung araw-araw mong naririnig ang bangayan ng mga magagaling mong kaibigan? Saya dibuuuh? -.-

*ding-dooooong*

"Oh, ayan na pala yung pinadeliver nating pizza. Kunin mo na Jam." utos ni Jane sa kanyang beloved boyfie.

"Hoy Jane, makautos ah?! Baka nakakalimutan mo, boyfriend mo ko. Hindi mo ko katulong!"

"Ako na kukuha! Punyatera! Wala na ba kayong ibang alam gawin kundi magtalo?! Pati pagkuha ng delivery pagtatalunan pa. Tssss."

At dahil asar na asar na ko dun sa dalawa to the hundredth power, ako na ang kumuha ng delivery. Peace at last!

"Mam, eto na po yung pizza. Pakisign nalang po dito."

"Okay. Thank you." sabay abot ng bayad.

Habang hinihintay niya yung papel, nagsalita si Mr. Delivery Man.

"Grabe ang init ngayon no?" tanong niya sakin.

"Onga po kuya. Nagtataka nga ako at sa init ng panahon nakuha niyo pang magjacket."

Tinignan niya lang ako ng masama. Hala :o

"Joke lang kuya. Ikaw naman di ka na mabiro ^_^"

Napakamot nalang si kuya sa batok niya tapos umalis na. Woooh! Muntik ko nang mapikon si kuya :P

Pagpasok ko, isang himala ang tumambad sakin.

"WOW! Ang tahimik ah? Nagbago ata ang ihip ng hangin. Narealize niyo na bang nakakarindi makipagtalo?" sabi ko with bonggang bonggang smile. Kinabog pa yung kay Anne Hathaway :D

Walang sumasagot. Okaaaaay. Weird.

"Yuhuuuu! Pwede naman kayo magsalita eh. Wag na kayo mag silent mode jan!"

Iniwan ko na muna yung pizza sa sala at napagdesisyunang hanapin nalang sila. Pumunta akong kitchen, garahe, cr, garden, pati na nga yung mga kwarto sa taas inakyat ko na para lang mahanap sila kaso wala sila dun. Weird. Asan na yung dalawa? Romcom nga ba tong kwentong to o mystery? Kaloka ah.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Jam na nakatalikod at parang may ginagawa. Lumapit nalang ako. Ano na namang trip nitong dalawa? Psssh.

"Andito lang pala kayo, kung sansan pa ko nagpunta para hanapin lang kayo. Haaay. Nga pala, nanja na yung p--"

O__O

"Asan na yung pizza?"

<___<   >___>  O____O  -_____-   >___<

"Ah, hehehe...." tawa ni Jam na parang natatakot na ewan. Aba dapat lang no! Pagkatapos nilang ubusin yung pizza! Nako talagaaaaa! ><

"Kase ano bes eh, hehehe, chill ka lang. Titreat ka nalang namin ni Jam ^_^ :3"

SILENCE.

After 10 seconds,

"Mga walang utang na loob! Waaaah! Pera ko pa ang ginamit kong pambayad jan tapos kayo lang uubos?! Aba! Asan ang hustisya?! Ikaw pasimuno nito Jam eh! Aaaaaaah!" sigaw ko habang hawak ang box ng pizza at tumatakbo para hampasin si Jam. Asar kasi eh -.-

"Bes! Huy!" sigaw ni Jane.

"Titreat ka na nga lang namin ni Jam. Wag ka na magalit. Puhleeeeease? *_*" Eh? May pag beautiful eyes talaga?

"Hmmmp!" sabay irap ko tas cross arms.

Lumapit naman si bes sakin, "Sige na beeeees. Matitiis mo ba ko? *_*" ano bes? Napuwing ka ba? Kanina ka pa pikit ng pikit jan. Pssssh. Pacute eh -.-

Wala na naman akong nagawa. Matitiis ko nga ba to? I just gave in.

"May magagawa pa ba ko? Pssssh."

"Yeheeey!" sabay naman na sigaw ni Jam at Jane. Ano? Kailangan talaga sabay pag lovers? Pauso niyo ah -.-

"Basta yung libre ko ah?! Pagka yun kinalimutan niyo magkalimutan na."

"Oo naman, yes. ^_^" sabi ni bes.

"Psssh. Ganyan na ba nagagawa ng may relasyon? Pinagtatakpan ang kalokohan ng karelasyon nila? Sus!" sabi ko sabay irap.

"Love tawag dun Tin :D" sabi ni Jam sabay akbay kay bes. Aba si bes naman kilig na kilig. Pweee.

"Love? Ano yun? Nakakain ba yun?"

"Bitter mo bes."

"Seriously, love talaga agad? Diba pwedeng infatuation muna? Atsaka pano ako naging bitter? Pakiexplain bes. Hindi matanggap ng utak ko." Punyatera -.-

Seryoso ka talaga bes? Love agad? Jusmiyo. For pete's sake! Katorse anyos palang kame tapos love? Pweee. Atsaka pano ako naging bitter? Pakiexplain nga. Pakisagot din lahat ng tanong ko. Hindi talaga maprocess ng utak ko.

--

A/N: Yaaaay! First chapter done :D Sorry medyo sabaw yung update. Haha :P Pero papabonggahin ko pa po ng very very light yung mga next chapters. Bumebwelo lang :P Thank you po ng bonggang bongga for reading! Please share and support ITI. Thank you po! And oh, I'm open for criticisms. Wag lang po masyadong harsh. Hahaha :P Thank you po ulet! :D

Is This It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon