CHAPTER 4: Never, okay? NEVER.

38 1 2
                                    

"Alam mo bes, wala namang masama kung gugustuhin mo si Roy. Gusto palang naman eh! Nakakaloka to. Hindi pa naman kayo. Ewan ko ba sayo, napaka-OA mo."

"Bes, hindi mo naman ako kailangang advice-san ng ganyan kasi hindi ko nga gusto si Roy. Hanggang kelan ko ba ipapaintindi sa inyo na hindi ko nga siya gusto at magugustuhan? Never, okay? Never. Period." medyo inis kong sagot. Bat ba kasi nila ko pinagpipilitan kay Roy? Tsaka ano bang malay ko kung seryoso talaga yung alien na yun sa sinasabi niya. Baka pinagtitripan lang niya ko or something  like that.

"Ewan ko sayo bes. Pagka talaga isang araw nagkagusto ka jan at hindi ka na niya type, wag kang iiyak saken ha?! Nako! Sinasabi ko sayo!"

"Bahala ka nga bes. Sinabi ko na yung part ko. It's up to you kung maniniwala ka o hindi. Aba, malay ko ba kung pinagtitripan niya lang naman ako? Malay ko ba kung gusto niya lang talaga akong asarin? Nukaba. Basta never talaga. N-E-V-E-R. As in."

"Wag magsalita ng tapos bes! Sooner or later, baka kainin mo lang yan. Just warning you."

Then I felt the same feeling nung sinabi ni bes yung same line way back nung nagpunta kaming Mcdo. Ewan ko pero pag sinasabi niya yang line na yan, it just gives me shivers. Nakakainis. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong gusto or kahit anong nararamdaman for that alien except for that flying-specie sensation on my stomach pag nagbibitaw siya ng mga corny lines niya. Idunno. It's really weird. Nakakaloka. Nandito ako ngayon sa bahay ni bes. Date namen. Hahaha. Tas napilitan kong ikinwento sa kanya kasi pinipilit niya kong ikwento yung nangyare samin nung iniwan nila kami sa Mcdo. Kinwento ko naman pero hindi yung part na hinatid ako ni Roy. Lalo pa kong intrigahin nitong magaling kong bestfriend. Psssssh.

"Okay fine! Whatever 'ya say."

"Yun lang ba talaga bes? Wala nang ibang nangyari?" whoooot. Nakaramdam ata si bes. Lumipas ang ilang segundo bago ko nasagot yung nakakaimbyerna niyang tanong.

"Wala."

"Weee? Dinga? Psssssh. Ba'yan. Bitin naman!"

Hindi ko na sinagot yung tanong niya at baka madulas pa ko. Hindi na kakayanin ng ganda ko kung iintrigahin pa ko nitong si Jane. 

"Ikaw nga eh, di mo pa sinasabi sakin yung emergency na nangyare. Paasa ka! Hindi mo man lang ako tinext kung kamusta ka na, or kailangan mo ba ng tulong or comfort. Jusko! Mapapraning ako sayo bes. Hindi kinaya ng ganda ko yang pinaggagagawa mo."

"Praning raw, if I know hindi nga ako sumagi sa isip mo dahil enjoy na enjoy kang kasama si Roy mo."

"May 'mo' talaga? At haler! Ikaw pa ba ang hindi ko maiisip?" liar. Hahahaahha. Actually hindi ko talaga siya naisip nun kasi nalilibang ako sa mga pinaggagawa namin ni Roy that day. Sorry bes :P

"Suus! Kilala kita. Pag sinabi kong may emergency samin, hindi mo ko tatantanan ng missed calls at texts hanggat hindi ko nasasabi sayo kung ano yung nangyari. Ba'yan! Huling huli ka bes. Galingan mo naman!" at natahimik ako for a moment dahil totoo ang sinabi niya. Pag kasi may emergency sa kanila nababaliw ako sa kakaisip kung ano bang nangyare. Mehehe. Sensya na! Ayoko lang talaga magpahuli dito. XD

"Ganon?! Hindi ba pwedeng nalowbatt ako kaya hindi kita natext?" strike two ka na Tin XD

"Pwede ka naman sigurong makitext kay Roy. Alam mo bes, kung napapraning ka na talaga sa pag aalala saken, gagawa at gagawa ka ng paraan para malaman yung sitwasyon ko. And hello, who are you fooling? Quit playing, bestfriend here."

"Whatever." ayoko ng magsalita. Baka mas lalo pa kong mahuli. Hahaha XD

Its been a week simula nung gala namin. Ngayon ko nalang ulit nakita si bes dahil busy sila sa pag aalaga sa papa niya. Inatake kasi yung papa niya at yun yung emergency na nangyare. Si Jam naman, busy magtraining ng basketball kasi varsity player siya. May parating silang liga so hindi muna namin siya makakasama for the mean time. Si Roy? Aba malay ko! Wag niyo sakin itanong kung kamusta na siya ngayon dahil wala akong contact at pakialam sa kanya. Hindi ko alam kung humihinga pa siya o nilamon na siya ng buhay ng mga mahaharot at mukhang clown niyang fans. I really don't care. Ako naman, eto patambay tambay lang. Laging busy si mommy sa work. Wala naman akong kapatid at tatay. In short, nganga ako. Nganga.

Is This It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon