CHAPTER 5.1: Kulit/Kilig

34 2 0
                                    

Two weeks have passed at nakaka-isang linggo na kami ng klase. Sa class ko, normal naman ang mga tao. Specifically speaking, wala namang special samin or whatever. Kung anong ineexpect mo sa isang normal na teenager, yun ang makikita mo. Elected na ang class officers namin and luckily, I'm not one of them. I consider myself lucky dahil ayoko sa mga responsibilities etc. ng mga class officers. And oh, wala pala kaming CAT dahil ang katwiran ng school namin kami na raw ang last batch ng old curriculum so hindi na kailangan nun. I explain like I care. Pfffft.

Yung classroom namin maganda naman, airconditioned at white board ang gamit namin instead of a green one. The decorations were good, simple yet classy and sophisticated(oh diba?). Ang adviser namin ay si Ms. Rosita Flores. Tanda ng name no? Kabaligtaran yun ng age niya. She's 23, stunning, hot and pretty. Perfect combination! She wants us to call her Ms. Sia kasi siya mismo, natatandaan sa pangalan niya. May kaartihan rin ng very very light yung adviser namin. Hehehe :P

We have 2 new classmates. Yung isa si Roy. Yung isa di pa namin kilala kasi hindi pa siya pumapasok but sabi ni Ms. Sia girl daw yun. Not a big deal for me.

Monday ngayon so maaga ako pumasok. Hindi kami sabay ng mga bff's ko pumasok kasi si Jane my service, si Jam naman for some reasons ay laging late. Ako naman, lakad lang. Malapit lang naman eh. Oh diba? Napaka-accessible ng bahay namin sa kahit saan? Well.

On my way to school, nakakita ako ng mga students na sa SouthU rin nag aaral. Wala akong kakilala sa kanila dahil hindi naman ako ganon ka-sociable. Actually, si Jam at Jane lang ang lagi kong kausap pag may pasok.

Pagdating ko sa school grounds, ayan na naman ang mga chismisan ng mga schoolmates kong mukhang clown.

"Giiiiiiirl! Ano ba yung chika mo?! Parang hindi naman totoo!"

"Ano ka ba? Ako pa ba magkakamali pagdating kay Drake? Mygosh girl! You know how much I love Drake."

"Eh pano ba naman kasi, isang linggo na ang lumililipas hindi pa rin dumarating si Prince Charming ko." sabi nung haliparot na clown sabay pout. Eeew! Kala mo naman bagay. Yuck.

"Let me correct you. MY Prince Charming. Akin sya. Btw, hayaan mo nalang. Let's just wait at papasok rin yan."

At hanggang dun lang ang nasagap ng tenga ko. Ano bang pakialam nila kung hindi pa pumapasok si Roy? Nakakaimbyerna ha! At kung makasabi ng Prince Charming kala mo boyfriend nila si Roy. Sus! Di nga sila kilala nung alien na yun. Teka nga, ano rin bang pakialam ko sa alien na yun at sa mga fanclowns niya? Aiiisssshhh. Eto na naman tong strange feeling na to -.-

Natapos ang flag ceremony at ang first two subjects namin, walang Roy na dumadating. Bahala siya sa buhay niya. It's now Ms. Sia's subject. Tapos na rin yung lesson.

"Okay class, since may 20mins pa tayong vacant, let's take this time to know each other. But first, let me check if everyone's here."

Malapit ng matapos ang pagchecheck ni Miss ng attendance nang biglang lumagabog ang pintuan.

*Blaaag*

"Please count me in Miss!" medyo pasigaw na hingal na hingal na sabi ni Roy habang nakahawak sa main door namin. Wait, what? Sino? Si Roy pumasok na? My gosh, bat ba ko ganto makareact? OA Tin ha? -.-

"Oh. Napadalaw ka ata Mr. Bustamante?" sabi ni Miss with a grin. Syempre, tumawa ang buong klase. Aba't may pagkaloka-loka rin pala ng very very light tong teacher namin.

"Sorry miss. May inaasikaso lang po yung family namin about our business" .pweee. Palusot na naman nito.

"I'll consider that. But can you swear in front of the class that you'll never be absent for 2weeks straight again?"

"Definitely miss. I won't be away for that long again kasi mamimiss ko," at naghiyawan ang mga classmate kong taga-Makati. Excited?! Di pa tapos yung sasabihin niya diba? Akala niyo naman kayo yung mamimiss niya -.- He paused for a moment at saka lang siya nagsalita nung tahimik na buong klase. Pasuspense pa eh. Damingalam.

"yung lessons natin. So, let's proceed?" tapos sabay-sabay na nag 'Awww' yung mga kaklase ko. Whatevah.

"Actually, tapos na kami maglesson. We'll just do an activity. And do you mind finding a seat Mr. Bustamante?" buti nga.

"Yes miss."

At nag-umpisa na siyang maghanap ng uupuan. Kamalas-malasan naman ng malas, ako nalang ang walang katabi sa buong room. No choice. Makakatabi ko siya for the whole first quarter.

Hindi nagtagal, nakita niya ko at yung vacant seat sa tabi ko. Kulang nalang mapunit yung labi niya sa lawak ng ngiti niya. Haaaaaay. May binabalak na naman tong alien na to -.-

"Hi there ;)"

"Hi your face -.-"

"Sungit naman nito. Kapapasok ko lang eh."

" Alam ko. Like I care."

At biglang nagsalita si Ms. Sia.

"For the whole quarter, jan ka uupo Mr. Bustamante. Hindi kayo pwedeng magpalipat-lipat ng upuan."

"Sure miss. No problemo." sabay lingon sakin ng nakangiwi. Aiiish. Kailangan sanayin ko na sarili ko dahil araw-araw ko nang makikita yang mga nakakairita niyang ngiwi. Haaaaaay.

--

PLEASE READ

A/N: Hello dear readers! Sorry for keeping you waiting. Nawalan kami ng net last month and ngayon lang naibalik kaya ngayon lang ako nakapag-update. Eto naaaa! Hahaha pero 5.1 palang to. Yung 5.2 will be posted if this chapter gains 20 reads. Yun lang. Demanding ba? Haha. Just please help me gain reads sa story na to. Honestly, sobra pong nakakainspire ang maraming reads (and comments). I'll do my very best to make the story interesting. So yeah, PLEASE READ, SHARE AND SUPPORT ITI. Thankyouu! xoxo~♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Is This It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon