Chapter Five (A Whole New World)

108 4 2
                                    

***SeHun's POV*** 

Natapos na rin ang pagtugtog niya, at natapos na rin ang pag iyak niya, siguro oras na para pasukin ko siya... Ito na ang pagkakataon ko... 

Pumasok na ako sa loob at nakita ko siya...

...

..

...

..

...

Pinupunasan ang luha niya tapos nagpulbos pa! Aba't may gana pa talaga itong magpulbos ahh?! At aaminin ko na, nakakatakot dito sa loob! Medyo madilim tapos ang daming instruments, siguro school of music ito?! (Bobo ka SeHun, Angel's Intruments nga at musique school! Haaay *facepalm*) Sorry naman miss author, nalilito lang... xD

Tumingin siya sa akin tapos biglang... NGUMITI! Confirmed! Sira-ulo nga itong babaeng ito, pero kahit ganun, mahal ko pa rin siya, bakit kaya!? Haaay.. Opposites attract.. 

"Ano'ng ginagawa mo dito hippocampus?" -Rhianne

Ano daw sabi niya!? Ano ang hippocampus!? Walanjo naman itong babaeng ito oh, alienese ang ginagamit na salita... Di ba niya alam na English pa lang ang sumasakit na ang ulo ko!?

"Hoy-Hoy! Anong hippocampus ang pinagsasabi mo d'yan, dapat nga pasalamatan mo ako dahil sinundan kita dito.." -SeHun

Natawa naman siya sa sinabi ko... Baliw nga..

"SeHun, boggart ka ba?!" -Rhianne

Nagawa pang mag pick-up line ng babaeng ito, wow! Di ako kinikilig! Anong akala niyo!? Kikiligin ako sa babaeng nasa harap ko ngayon!? Di ako bakla mga pre!

"At nagawa mo pa talagang mag pick-up line ahh!? Oh sige, pagbibigyan kita... Bakit?!" -SeHun

Tumawa naman siya.. 'yung tawang genuine talaga, ano yun diamond?! Pero di nga, tawa nga talaga 'yun.. Hindi fake na tawa.

"Kasi you look RIDIKKULUS!" -Rhianne

Ano daw?! Ano naman ang connection dun!? Bluetooth... Searching Device... Pending Request.... Failed to sent the message to the brain...

"Huh?! Ano ang connection ng boggart at ridikkulus na pinagsasabi mo?! Weirdo ka talaga!" -SeHun

Tumawa naman siya tapos lumapit sa akin, kinuha ang kamay ko pagkatapos eh nilapit ako sa piano...

"Sa Harry Potter 'yun, spell para ma overcome mo ang fear mo... Alam kong takot ka sa dilim, alam ko rin na marunong kang tumugtog ng piano. Pwede mo ba akong tugtugan?" -Rhianne

Shet, nababakla ako mga pre, hinawakan ang kamay... este hindi ako kinikilig! Oo tama siya! Pero bakit niya alam na takot ako sa dilim!? Stalker ko siguro ito! 

"Paano mo nalaman ang mga bagay na 'yan tungkol sa akin!?" -SeHun

Ngumiti naman siya at tumingin sa akin... Siguro pwede na akong matunaw, haay kung pwede lang kitang angkinin, ginawa ko na..

"'Di mo talaga natatandaan? Classmates kaya tayo since pre-school tapos one time sa room, tayo lang naiwan eh biglang nag blackout tapos niyakap mo ako ng mahigpit halos hindi na ako makahinga... Tapos 'yung piano, well.. ano kasi 'yun" -Rhianne

Naaalala niya 'yun!? Akala ko hindi niya 'yun naaalala. Kasi naman ehh, masyado akong pessimist, hindi ko alam na naaalala niya ang sandaling 'yun, kung saan nagsimulang magustuhan ko siya...

"Oh ano? Kasi?.." -SeHun

Nag smirk pa ako tapos tumingin siya sa akin, nagblush siya, wait... namula nga ang mga pisngi niya tapos bahagyang iniwas ang mukha niya sa akin... Abnormal talaga, nakita na nga, itatago pa...

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon