Chapter 8 (Forever and Always)

114 2 2
                                    

[A/N: Annyeong people! Eto na po ang Chapter 8, haaaish! Ang daming kumukulit sa akin eh, dapat daw may chapter 8 na kasi nabibitin sila sa updates ko, excited na daw kasi sila sa flow ng stories ko, hello! Mahirap mag-isip ng scenarios! well anyway, may POV na si Denisse! Wushu! Mahiya tayo sa panga niya! xD]

Denisse Reigh Cadayona's POV

Hayyy nako, pasukan nanaman, hanggang ngayon, hindi pa rin nagsha-share si Rain kung ano ang pinag-usapan nila ni SeHun! Oo, super misteryosa talaga ang babaeng ito! Haaay...

Eto namang si Vella, ang landi, masyadong nilalandi 'yung KyungSoo, bakit? Alam niyo bang pinilit niya ang labindalawang lalaking kakakilala pa lang namin na sa villa na matulog? Masyado atang malandi ang atmosphere ngayon..

"Hoy Vella, itigil mo na nga 'yang kaharutan mo! Tingnan mo nga ang mukha ni KyungSoo, diring-diri na sa'yo!" -Ritchelle

Natawa naman kami lalo na ako, siyempre, kanina ko pa kaya napapansin ang reaksyon ni KyungSoo, at kanina ko pa rin napapansin ang kalandian ni Ritchelle at ni ChanYeol, oo nakikita ko, hindi ako bulag eh!

"Nagsalita ang hindi lumalandi, maypa holding-hands pa ngang nalalaman eh! Sus!" -Chelle

Natawa naman kaming lahat 'dun, namula ng husto si Ritchelle tapos si ChanYeol naman eh parang lumayo ng kaunti sa amin.

Ok, para hindi kayo malito, andito na kaming lahat sa campus ngayon, naglalakad kami papunta sa room namin, bago kami makarating doon, nadaanan namin ang mga kuya ni Rhianne, haaay... Tiningnan ko naman si Parishan, at ayon ang bruha, pumorma ng heart ang mga mata, bakit? Dahil crush na crush niya ang kuya Jonathan ni Rhianne, 'di ko naman masisisi eh, gandang lahi eh! Eh di sila na!

"Baby! How are you? We were so worried! Di ka man lang nagtext kung saan ka kahapon! But honestly sis, bakit ka ba nag walk-out? Dahil sa pangit na 'yun? Eh mas gwapo naman ata itong kasama mo ngayon eh, kahit medyo weirdo ang buhok!" -Jonathan Christoff

Ang haba naman ng pangalan ng kuya niya Ms. Author! [[A/N: Sige, ikaw magsulat, ako magbabasa, eh sa gusto ko eh! Para hindi malito ang readers!]] Hindi naman po. Sige na nga.. Well anyway ayun, si Parishan, akala mo eh siya ang sinabihan ng baby, assuming dreee!

"Worried daw, mas worried pa nga kayo sa GG niyo eh! Tsss.." -Janeth

Natawa naman kami sa naging reaksyon ng mga mukha ng kuya ni Rhianne! Ang epic lang kasi eh! Di ko ma explain eh! Abstract ito eh! Dejklg naman, ah basta, nakakatawa talaga, para silang nagulat na parang ewan! Hahaha! Tinatamad ako mag-explain eh! Bakit ba?! Lewls.

"Ahh ganun ba?" -Rhianne

Natawa naman kami lalo dahil nagsitinginan na ang mga kuya ni Rhianne tapos tumingin sa relo nila, ang epic lang ng mukha ni Kuya Anthony, wala naman kasi siyang relo sa wrist niya pero tiningnan niya pa rin! Hahaha! Abnormal talaga!

"Nako tingnan mo nga naman ang oras oh! Namiss ka namin sis! But unfortunately, we have to go, may klase pa kami eh, you know, for our future, au revoir mademoiselle" -Drace

Ang cute talaga ng iba't-ibang accent ng Victorino Siblings eh! Ewan ko bakit ang gagaling nila sa mga d'yan, well anyway, mas maganda naman ako sa kanila eh xD Face of the group kaya ako ng Charmed! Ibig sabihin, ako ang gusto ng karamihan sa kalalakihan! Mga babae eh nalelesbian sa akin eh, can't blame them, I'm irresistable xD

Naglakad na ang mga kuya ni Rain pero si Parishan eh nakatingin pa rin sa kanila eh! Yan talaga yan eh! Ang mata eh parang CCTV cam eh! Kahit malayo na nakatingin pa rin!

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon