Chapter 2

11K 176 7
                                    


Nang makaalis na si Harvey sa kwarto niya, nagpalit lang siya ng damit at lumabas na rin ng hotel. Hindi niya pa talaga balak magpahinga kagaya nang sinabi niya sa lalaki. Sinadya niya lang na itaboy ito nang maaga. Balak niya kasing bumalik sa bahay ng mag-aama niya para muling masulyapan ang mga anak niya. Malapit lang ang bahay ng mga ito sa tinutuluyan niyang hotel.

Katulad ng ginawa niya kanina, para siyang magnanakaw na nagmamanman sa paligid ng bahay ng mga ito nang makarating siya roon. Kung may makakakita sa kanya, sasabihin na mukha siyang sira dahil gabing-gabi ay naka-shades siya. Hindi niya na dinala ang shawl na pangtakip niya sa mukha niya.

Nandoon lang siya sa likod ng isang puno roon. Iyon ang nagsisilbing taguan niya. Taimtim siyang dumadalangin na sana naman ay lumabas man lang o sumilip ang mga anak niya para muli niyang masilayan ang mga ito. Nang sa gayon ay hindi naman masayang ang effort at pagod niya sa pagpunta roon.

Nakakangawit pa naman ang pagtayo roon at malamok pa sa pwesto niya. Tiyak niyang dengue ang aabutin niya kapag nagtagal pa siya ng isang minuto pa roon. Ang dami niya nang napapatay na lamok na dumadapo sa balat niya.

Halos isang oras na siyang nakatayo roon nang mahagip ng tingin niya ang paglabas ng isang lalaki sa balkonahe. Naka-boxer shorts lang ito at walang damit na pang-itaas. Nahigit niya ang hininga nang mapagmasdan ang asawa niya. Yes, it's Graham. Ang lalaking matagal niya nang pinananabikan ay nakita niya na rin, finally.

Bigla ay nakalimutan niyang makati ang kagat ng mga lamok sa kanya. She stopped scratching her sore skin. Nakatingin lang siya sa mala-Adonis na kagwapuhan sa harap niya.

Lalo itong gumwapo sa paningin niya, iyon ang sigurado niya. Hinubad niya ang shades niya para mas makita ito. Nag-mature ang mukha nito. Ang dating ragged look nito ay napalitan ng kapormalan. Clean cut na ngayon ang dating hanggang balikat na buhok nito. Mas lumaki rin ang katawan nito. Perfectly toned iyon. Halatang alaga sa work out.

Bakit kaya dumidisplay siya sa balkonahe ng naka-boxers lang? Baka may ibang makakita sa kanya, pagnasaan pa ang katawan niya. Akin lang dapat iyan. Gusto niya itong pagsabihan na pumasok na pero alam niya namang hindi niya pwedeng gawin iyon.

"Baka gusto mong itry mag-doorbell para naman makapasok ka rito sa bahay?" ani Graham.

Napukaw ang pag-iisip niya nang makarating sa pandinig niya ang boses nito. Napakunot ang noo niya. Nakadungaw pa rin ito sa balkonahe.

Hindi niya alam kung sino ang kausap nito. Malakas ang boses nito kaya umabot nang malinaw sa pandinig niya ang sinabi nito.

Luminga siya sa paligid para malaman kung sino ang sinasabihan nito na mag-doorbell. Wala siyang nakitang ibang tao roon. Could it be that she's having an auditory hallucination?

"Wag ka nang lumingon dahil ikaw ang kinakausap ko." Mas lumakas pa ang boses nito.

Nang tingalain niya itong muli, nakita niyang sa kanya ito nakatingin. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya. Now, she's wondering if she's also having a visual hallucination.

Sigurado siyang nagkulay suka siya. Hindi niya akalaing makikita siya nito sa pinagkukublihan niya.

"Ako?" Tinuro niya pa ang sarili para masiguradong hindi siya dinaraya ng paningin at pandinig niya.

Hindi na nito sinagot ang tanong niya. "Pumasok ka sa gate. Iniwan kong bukas iyan dahil alam kong darating ka. Umakyat ka rito sa itaas. Second floor, first door. That's my room. Isarado mo ang gate pagkapasok mo." He sounded cold, as expected.

IF LEAVING YOU IS EASY (Unedited Version) Published Under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon