Chapter 10

20.2K 367 127
                                    


"Harlene, kumain ka muna. Nakakagutom ang ginagawa mong pag-iyak." Si Mariz iyon, ang napakabait na maybahay ni Harvey.

Napaka-maunawain nito at very nice sa kanya. Hindi ito katulad ng ibang in-laws na nagdadamot ng tulong.

Dahil wala siyang ibang mapupuntahan, doon muna siya sa bahay ng mga ito nagtungo. Pakiramdam niya kasi ay nakakasikip na siya sa bahay ni Graham. Hindi niya na hinintay na paalisin siya nito.

Sumisinghot na nilingon niya ang hipag. "Wala akong gana."

"Gusto mo bang may kasabay kumain para ganahan ka?" Hinaplos nito ang likod niya.

"Hindi naman. Ayoko lang talaga munang kumain." Ang pagkain ang huling nasa isip niya sa mga oras na iyon. Wala siyang ibang inisip kundi ang mga anak niya at si Graham.

"Akala ko kasi ay makakakain ka na kapag sinabi ko sa iyong may gustong sumabay sa iyo."

Takang napatingin siya rito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Hindi niya malaman kung pinipilit ba siyang pasayahin nito sa pamamagitan ng pagbibiro o talagang gusto lang nitong sabayan siyang kumain.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan. Hindi ang sarili ko ang tinutukoy ko na gustong sumabay sa iyo," halatang nabasa nito ang tinatakbo ng isip niya. "Nariyan ang mga anak mo sa labas."

"Mariz, seryoso?" She felt her chest inflate due to excitement.

Hindi niya na hinayaang makasagot ito. Tumatakbong nagtungo siya sa labas para makita ng sarili niyang mga mata ang sinasabi nito. Bigla ay para siyang nagkagulong sa paa sa bilis ng pagtakbo niya.

Napabuka ang bibig niya pero hindi siya nakapagsalita nang makita niya sina Haydi at Glen na nakasakay sa swing na nasa garden nina Harvey. Nandoon din si Graham at matiyaga nitong tinutulak ang mga swing. Nakatalikod ito sa kanya.

For a second, tila gusto niyang tumayo na lang doon at panoorin ang magandang tanawin na iyon. It seems peaceful. It seems to be a perfect family. Wala nga lang siya sa picture, iyon ang kulang.

"I know that you hate me now," anito habang nakatalikod pa rin sa kanya.

"Ha?" Nagtataka siya kung siya na ba ang kausap nito.

Humarap ito sa kanya. Ang dalawang bata ay hindi pa rin umaalis sa swing. Marahil ay sinabihan ito ni Graham na mag-enjoy muna sa pagsakay doon.

"Nabasa ko na ang sulat mo. That made me realize many things. I'm a fool. I'm stupid. I'm heartless," he said while looking at her eyes.

"Ha?" She looked back at his chocolate eyes.

"I understand the pain you've been through. I'm sorry na dinagdagan ko pa iyon. Walang kapatawaran ang ginawa ko. Hindi dapat kita ginawang yaya ng mga anak natin. Hindi ko dapat hinayaang magmukha kang kawawa."

"Ha?"

"I'm really sorry. I really do. Sana naman ay may puwang pa sa puso mo ang kapatawaran para sa tulad kong gago."

"Ha?"

"Wala ka bang ibang sasabihin maliban sa 'Ha'? Wala ka bang ibang reaksyon man lang habang halos maglumuhod na ako sa pag-amin ng pagkakamali ko?" Nahalata nitong hindi siya nagkokomento sa mga sinasabi nito. Paano naman kasi ay hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito.

IF LEAVING YOU IS EASY (Unedited Version) Published Under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon