Chapter 9

11.4K 156 43
                                    


Nasa mga kamay na ni Graham ang lahat ng medical records niya. Habang hinihintay nila kanina na mai-fax iyon ni Harvey, wala silang kibuan. It's as if they're both afraid to speak. Magkaharap sila sa pagkakaupo sa mesa sa komedor. Pakiramdam niya ay nililitis na siya.

Tinitigan ng lalaki ang bawat salitang nakasulat doon. Animo kinakabisado nito ang mga nakatala roon.

"Lymph node biopsy done here in the Philippines," basag nito sa katahimikang namamagitan sa kanila.

"Yes, that was done here. It was before I left the country," sagot niya.

"Ano ang ibig sabihin nito?" He's asking for an in-depth meaning of that procedure.

"May tumubo na kulani sa leeg ko. Painless naman. Pero kailangan nilang tanggalin at ibiopsy para maconfirm kung may cancer nga ako. And the result confirmed it." Unti-unti nang gumagaralgal ang boses niya. It's difficult. Para siyang bumabalik sa eksaktong araw na pinagdaanan niya ang lahat ng ito.

"Magaling kang magtago. Hindi ko napansin kahit minsan na may bandage ka man lang sa leeg or sign ng operasyon. Was I too busy in my review that I neglect to notice?" He sounds frustrated.

"You did notice. Pinuna mo pa nga na lagi akong naka-turtle neck na damit samantalang ang init-init ng panahon."

"Yeah, I remember now. I was just stupid to ignore that sign." He sighed.

Hindi siya nagkomento sa sinabi nito. Hindi niya na alam kung ano ang dapat niya pang sabihin.

He then again looked at the papers. "Stem cell and bone marrow transplant."

Hindi na nito kailangang magtanong para sumagot siya. Alam niyang explanation lang ang nais nito, wala ng iba. "Stem cell and bone marrow were harvested from Harvey. It was a good thing that I have my brother. I have no doubts whatsoever that we're siblings. Everything matched."

"Was it really painful?"

"Yes. I mean, the whole treatment process."

Naisabunot nito ang kamay sa buhok nito. Kitang-kita niya iyon.

"I noticed two consistent things written here. Doxorubicin and Bleomycin. Were they your best friends back then?" he continued.

"Yes and no. Yes because they're the drugs used in my chemotherapy. No because their side effects are horrible."

"Ano ang mga naranasan mong side effects?" Tiningnan siya nito sa mata.

"Nawalan ako ng buhok. Nawala ang mga kuko ko. Hindi makakain. Hindi makakilos ng maayos. Maraming bawal. Bawal ang mga paborito kong pusa, lahat ng animals. Bawal din ang fresh fruits. Lahat ng pwedeng carrier ng infection, bawal. Almost isolated." She felt a lump forming on her throat.

Napansin niyang gumalaw ang kamay ni Graham na nasa ibabaw ng mesa patungo sa kamay niyang nakapatong din doon. Sa hindi niya malamang dahilan, hindi nito tinuloy ang paghawak sa kanya. Muli nitong ipinatong ang mga kamay sa ibabaw ng mga papel. Hindi niya alam kung ano na ang iniisip nito.

"Why do you have to leave us? Mas ginusto mo pang labanan ng mag-isa ang sakit mo." May himig ng pang-uusig ang tinig nito.

"Marami akong dahilan. Unang-una, I want to spare you and the children from pain. Ayokong maranasan mo ulit ang lahat ng naranasan mo nang magkasakit at mamatay ang Mommy mo."

IF LEAVING YOU IS EASY (Unedited Version) Published Under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon