Chapter 8

10.4K 169 0
                                    


She tried to open her eyes. Ang dextrose agad sa itaas niya ang agad niyang nakita. Oh no, not again.

Alam niyang nasa loob na naman siya ng ospital. Could it be that she had a relapse of her Lymphoma after being cancer-free for a short period of time? Would she undergo again the same painful experiences she had with her previous treatments?

"God, thanks you're alive, Harlene."

Nilakihan niya ang pagkakabukas ng mata niya para malaman kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. There she saw Graham, standing on the edge of the bed. Nanlalalin ang paligid ng mata nito. Halatang puyat na puyat ito.

"Why am I here?" Mahina ang boses niya. Halos ayaw kumawala roon ng mga katagang iyon. Hinang-hina pa ang pakiramdam niya sa hindi malamang kadahilanan. Noon niya lang napansin na may cannula na nakalagay sa ilong niya. Doon dumadaan ang hangin galing sa oxygen tank, patungo sa kanya.

Lumapit ito sa kanya. "I'm sorry. Kung nahuli pa ako ng konti, baka wala ka na ngayon."

"Ha?" Hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin. Hindi niya malaman kung epekto ng mga gamot na dumaan sa katawan niya ang pagiging slow niya.

"Kung hindi ako nakapunta agad sa swimming pool, baka hindi ka na umabot ng buhay dito."

Noon lang nag-sink in sa kanya ang tinutukoy nito. Noon niya lang din naalala ang nangyaring insidente sa pool. Siguro ay nagkaroon siya ng temporary selective amnesia kaya hindi niya iyon naalala kanina. Bahagya na siyang narerelieve na hindi pala dahil sa cancer kaya siya nasa ospital. But still, she'd been in a life threatening situation once again.

"Salamat. Ikaw pala ang sumagip sa akin." Iyon ang namutawi sa labi niya kahit na ang totoo ay dito niya gustong isisi partly ang nangyari sa kanya.

Alam naman nito na may mga bata sa bahay nito pero nagpalagay pa ito ng pool na may lalim na seven feet. Kahit pa ang kalahating bahagi lang ng pool ang malalim, delikado pa rin. Hindi niya na lang muna isina-tinig iyon.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Haydi at bigla niyang ginawa iyon sa iyo. I can swear that she's not that bad. She's a brat sometimes but this - This one is far beyond her personality. Ako na muna ang humihingi ng paumanhin sa ginawa niya."

"Hayaan na natin iyon. Kalimutan na lang natin. Ang mahalaga, buhay ako."

"Hindi pwedeng basta na lang nating kalimutan iyon. She'll learn her lesson once we get home. I'll deal with her later." She can sense the anger on his tone.

"Graham, sa tingin ko ay ayaw niya lang talaga sa akin. Siguro ay aalis na lang ako sa bahay ninyo. Tahimik naman kayo noong wala ako. Ngayon ay biglang naging komplikado dahil sa akin. Ayoko namang masira ang samahan ninyo ng dahil sa akin."

"That's absurd. Hindi ikaw ang problema ngayon. This time, si Haydi ang may kasalanan. But don't worry, hindi ko siya papaluin o sasaktan. Kailangan ko lang siyang kausapin at disiplinahin sa ibang paraan," pag-aassure nito. "Now, you can go back to your sleep." Inilapat nito ang palad sa mga mata niya.

Tumango siya bago tuluyang pumikit. She's too weak to protest. Narinig niya pa ang huling sinabi nito. "Just don't fall asleep for so long again. I might go crazy."

Umibis si Harlene sa kotse ng asawa nang makarating na sila sa bahay. Ngayon ang araw ng pag-uwi niya at hindi niya pa rin alam kung paano niya haharapin si Haydi. Kung dapat niya ba itong pagalitan, iwasan o kausapin. She doesn't know how to really deal with her.

Dalawang araw lang siyang nagpahinga sa ospital para masiguradong maayos na siya.

Sa loob ng dalawang araw na iyon ay binantayan siya ng asawa. Ito rin ang nagbibitbit sa dextrose bottle niya kapag naglalakad siya papuntang rest room. Alagang-alaga siya nito. And she's thankful for that.

IF LEAVING YOU IS EASY (Unedited Version) Published Under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon