It's been three weeks since Harlene became the official nanny of her own children. Tatlong linggo na rin siyang iniiwasan ni Graham, iyon ang nararamdaman niya. Tuwing lalapit siya rito, lumalayo ito. Hindi niya alam kung anong masamang espiritu ang sumapi rito at naging ganoon ito. Hindi pa naman siya sanay na tahimik ito. Mas gugustuhin niya pa na lagi siyang sinusumbatan at inaaway nito kaysa sa cold treatment nito sa kanya.
Sa pagkakaalam niya naman, medyo maayos naman sila noong gabing pinatulog siya nito sa silid nito. Hindi niya alam kung may nasabi ba siyang masama. Baka nanaginip siya at may nabanggit siyang mga hindi magagandang salita. Madalas pa naman siyang nag-i-sleeptalk.
Pero sa pagkakatanda niya naman, ang scenario lang sa ospital kung kailan nakilala niya si Harvey ang lagi niyang napapanaginipan. Siguro ay dahil fresh pa sa utak niya ang mga pangyayaring iyon kaya napupunta iyon sa subconscious mind niya, which later tuns into dreams.
Kahit naman anong piga niya sa utak niya ay walang nagpa-pop up na sagot. Ano nga ba ang posibleng ikainis sa kanya ni Graham?
For now, she'll just leave that question unanswered. Ang mahalaga ngayon ay ang buhay niya sa piling ng mga anak niya.
Sa paglipas ng mga araw ay lalo siyang napapalapit kay Glen. Madalas nitong irequest na doon siya sa silid nito matulog. Tuwang-tuwa naman siya. Kulang na lang ay magpa-party siya dahil sa sobrang kagalakan. Malugod niyang pinauunlakan ang paanyaya nito. Kaya sobra ang bonding nila. She can still feel his soft body inside her embrace. Parang nababalik siya sa panahon na yakap niya ito noong sanggol pa ito.
Enjoy na enjoy siya sa piling nito. Laking pasalamat niya na lang na hindi siya pinagbabawalan ni Graham na matulog sa tabi ng bunso nila paminsan-minsan. Isa pa sa kinatutuwa niya ay dahil may aircon sa silid nito. Sa bodega kasi na tinutulugan niya ay wala.
Hindi na nga pala maituturing na bodega ang silid niya. Nalinis niya na iyong mabuti at nagmukha ng normal na silid. Nilagyan niya rin ng dekorasyon para naman hindi depressing ang paligid niya. Nailipat niya na rin doon ang lahat ng gamit niya mula sa hotel na tinuluyan niya. Unti-unti namang nagkakaroon ng improvement ang buhay niya. Kahit paano ay nagkakaroon ng liwanag ang landas na tinatahak niya, unlike before na puro trial and error siya.
Si Haydi na lang talaga ang pinoproblema niya. Masama pa rin ang pakitungo nito sa kanya. Hindi pa rin siguro nito matanggap na wala na ang dating yaya nito at siya na ang pumalit. Pagkatapos kasi siyang i-orient ni Aling Melodia hinggil sa mga gawaing-bahay, sa ugali ng mga bata at sa gusto ng mga ito, umuwi na ito sa probinsya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakatanggap mula sa panganay niya ng kahit na isang ngiti man lang. Lagi pa rin itong masungit. At bukod sa lahat, hindi pala nito nakalimutan ang pangako niya rito na susundin niya ang lahat ng iutos nito. Hayun nga at kaliwa't kanan ang mga utos nito.
Minsan ay parang nang-iinis na lang ito dahil kahit abot na abot na nito ang isang bagay, tinatawag pa rin siya para siya ang kumuha niyon kahit pa nakita namang busy siya sa ibang gawaing-bahay. Minsan naman ay nararamdaman niyang sinasadya nitong magkalat para mas dumami ang liligpitin niya.
Ayaw niya sanang manatili itong isang brat kaya lang pinipilit niya pa rin na lawakan ang pang-unawa niya. Alam niyang may emotional problem pa ito dahil walang ina na gumabay sa paglaki nito.
Kapag maganda ang mood ni Graham, idi-discuss niya rito ang tungkol sa behavior ni Haydi. Kailangang may kooperasyon nito ang magiging plano niya.
At ngayon nga ay namamahinga na siya. Malalim na ang gabi. Tulog na ang mga alaga niya. Nanonood na lang siya ng cable sa sala. Nagagawa niya lang iyon kapag wala si Graham para hindi siya nito mapagalitan. Baka sabihin pang nagpapasarap lang siya.
BINABASA MO ANG
IF LEAVING YOU IS EASY (Unedited Version) Published Under PHR
General FictionThis is also a tearjerker. This is my first story in PHR... I know that you won't understand me - maybe not now. Or probably, you won't ever find the silent understanding in your heart. All I want is to express the words I buried deep into my soul f...