Chapter 1

14.9K 190 8
                                    


Pakiramdam ni Nicka ay isa siyang alien at nasa loob siya ng isang spaceship. Mag-isa siyang naglalakbay palabas sa daigdig ng mga tao. Patungo siya sa ibang dimensyon ng buhay.

First time niyang makapasok sa machine na iyon. She was inside a large cylinder-shaped tube. Nakahiga siya sa moveable examination table. May mga strap na nakakabit sa kanya para ma-maintain niya ang tamang posisyon at para hindi siya lumikot sa gitna ng procedure.

"Are you okay there, Ms. Esteban?" Iyon ang narinig niyang tanong sa kanya ng isang boses-lalaki. "Nasa loob ka ng Magnetic Resonance Imaging machine."

She looked around to find the owner of the voice. Wala siyang ibang makita sa paligid niya kundi ang circular magnet na nakapalibot sa kanya.

"Kayo ba iyan, doc? Nasaan kayo?" naguguluhang sambit niya.

Narinig niya muli ang tinig ng lalaki na nagmumula sa kung saan. "Yes, I'm your doctor. Please stay still. Narito lang ako sa labas ng room at minomonitor ko sa screen ang brain scan mo. You're hearing me via two-way intercom."

"Nakakatakot pala rito sa loob," wala sa loob na nabanggit niya.

"Nilagyan ka namin ng earplugs para ma-minimize ang noises na maririnig mo during the procedure." The doctor tried to lessen her anxiety.

Pagkatapos siya nitong kausapin at siguruhin na wala siyang suot na kahit na anong metal sa katawan tulad ng alahas, sinimulan na agad nito ang imaging procedure.

Nagulat siya nang makarinig siya ng thumping and humming noises. Kahit nagbigay ng warning ang doktor at kahit may earplug siya, kakaiba pa rin ang dating ng tunog na iyon sa tenga niya. It made her feel uncomfortable and more confused.

After few minutes that seemed like eternity, inilabas na siya sa MRI machine. Dinala siya sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya.

Isang private room iyon ng ospital.

Hinintay niyang sundan siya ng doktor. Marami siyang gustong itanong dito. Paanong nangyari na na-admit siya sa ospital at ginawan ng ganoong procedure samantalang wala naman siyang matandaan na problema sa utak niya? Wala rin siyang natatandaan na naaksidente man lang siya. Pagmulat niya na lang ng nanlalabong mga mata niya ay nasa ospital na siya - sa MRI room to be exact.

Ano ang gustong iimply ng doktor? Na may malubha siyang sakit? A tumor perhaps? That made her shiver with fear. Huwag naman sana, tahimik niyang naidalangin.

Narinig niya ang marahang pagkatok sa pinto pagkatapos ng matagal na paghihintay.

Pumasok ang isang lalaking nakaputing coat. Nakangiti ito. Based on his expression, she could tell that it might be a good news. Ngunit hindi pa rin siya sigurado roon hanggang hindi niya naririnig ang nais nitong sabihin.

"I'm Dr. Reyes. Ako ang kasama mo kanina sa MRI room. I think, hindi mo ako matandaan dahil medyo groggy ka pa kanina at slightly confused," panimula ng lalaki.

Tumango siya. "Ano ang resulta ng test ko, doc?"

"Everything is clear. No signs of bleeding, swelling or serious injury. We have ruled out a brain injury." Nakangiti pa rin ito habang nagpapaliwanag.

Nicka felt somehow relieved. "Salamat, doc." Ngunit isinatinig niya ang pagtataka niya sa sitwasyon niya. "Naguguluhan lang ako kung sino ang nagdala sa akin dito sa ospital."

Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo ng kausap.

"Ikaw ang nagpunta rito. Alone. Kaya lang, naaksidente ka dito mismo sa loob ng ospital. Kaya ginawa namin ang obligasyon namin. Sinuri ka namin."

ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon