Tatlong araw ng binabagabag si Oscar ng matinding pag-iisip sa kalagayan ng dating nobya. Naniniwala na siya na hindi nagsisinungaling ang babae sa pagsasabing may partial amnesia ito. Kumonsulta na siya sa isang doktor at nabatid niyang may mga ganoon ngang cases.
Bukod doon, naramdaman niya ang sincerity sa babae. He also sensed the helplessness in her voice. Pakiramdam niya, ito na ulit ang Nicka na nakilala niya noon at naging kasintahan niya - his sweet and naïve Nicka.
Kaya lang, hindi rin naman madaling kalimutan ang kasalanan nito sa kanya. Natapakan nito ng todo ang ego niya. Siya na pinapantasya ng mga kababaihan ay ipinagpalit ng nobya niya sa isang DOM.
Sa dami ng babae sa paligid niya, ito ang pinag-alayan niya ng panahon. Mula sa pagiging simpleng empleyado niya, napromote ito. Nagkaroon ito ng mataas na posisyon - sa loob ng puso niya.
Lahat naman ay binigay niya sa babae. Naging almost perfect ang relasyon nila. Naging faithful din siya. Kaya hindi malinaw sa kanya ang dahilan kung bakit siya tinalikuran nito.
Napailing siya.
Mukhang napapaemote na naman siya. Marahil ay epekto iyon ng panahon ng tag-ulan kaya nakakaramdam siya ng kahungkagan, ng pag-iisa sa gitna ng malamig na panahon.
Sa loob kasi ng tatlong araw na hindi niya nakikita si Nicka, parang nakikisimpatiya sa kanya ang panahon. Pasulput-sulpot ang pagbuhos ng ulan.
Nagtataka nga siya kung bakit hindi na bumalik ang babae para kulitin siya. Kahit paano ay hinahanap niya ang presensya nito.
Nasa ganoong pagmumuni-muni siya nang marinig niya ang tunog ng doorbell na umagaw sa katahimikan ng bahay niya. Sa tingin niya ay tulog na ang maid niya kaya siya na ang nagkusang lumabas para buksan ang gate.
Ang babaeng laman ng isipan niya ang naabutan niya sa labas. Nangingikig ito at basang-basa ng ulan.
Nilakihan niya ang pagkakabukas ng gate at agad itong iginiya papasok sa loob ng bahay.
"Bakit ka nagpapaulan? Gusto mo bang magkasakit?" natatarantang hinatak niya ang isa sa mga twalyang nakasalansan sa lamesita. Agad niya iyong ibinalabal sa babae.
"Minamatyagan ko kasi ang bahay mo. Hindi ko naman akalaing uulan pala," nanginginig ang boses na paliwanag nito.
Umupo siya sa harap nito. "Nagmamatyag ka? What for? How long have you been staying outside?"
"For several hours, I think."
"For several hours? Bakit ngayon mo lang naisipang magdoorbell?" Hindi niya namamalayan na nagmumukha siyang concerned at worried.
"Natatakot ako na itaboy mo ako kapag nalaman mong narito ako. Kaya lang masyado ng malakas ang ulan ngayon." Napayuko ito.
"Why would I do that? Kilala mo ako. Alam mong kahit galit ako, makatarungan ako pagdating sa mga obvious na nangangailangan ng tulong."
Napapahiyang napatango ito. Sapul ito sa sinabi niya. "Gusto ko lang namang matuklasan kung sino si Odess. Gusto kong makita kung masaya ka ba sa piling niya. Kapag napatunayan ko na maayos kayo, hindi na ako manggugulo. Hindi ko na isisiksik ang sarili ko sa iyo."
"Iyan ang dahilan mo kaya pinagtiyagaan mong maging stalker ko?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Oo."
"Baka matawa ka na lang kapag natuklasan mo kung sino si Odess," makahulugang pahayag niya. "Sa ngayon, ang sarili mo muna ang intindihin mo. Go to my room. Magpalit ka ng suot mo. Naroon pa ang mga damit mo."
BINABASA MO ANG
ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)
General FictionCatch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan lang ako nakahawak ngayon - dahil dito, abot-kamay kita." Teaser Nagkaroon si Nicka ng partial memory loss. Sa dinami-rami ng pwedeng mabura s...