Chapter 7

4.9K 116 2
                                    


Ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik sa ala-ala ni Nicka ang parte ng nakaraan niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat sa panaginip na iyon.

Totoo nga ang sabi-sabi na ang panaginip ay representasyon ng unresolved conflicts.

Her memories were coming back in random. Kung pwede nga lang, hindi na siya pipikit. Hindi na siya matutulog. Sa tuwina ay nasa oras siya ng pagtulog tuwing dinadalaw siya ng anino ng nakaraan. Duwag yata ang lost memory niya dahil umaatake ito tuwing wala siyang kalaban-laban, kung kailan wala siyang control dahil watcher lang siya sa panaginip niya.

She sighed.

Siguro, all or nothing na lang ang pipiliin niyang laban ngayon. Kung makakaalala siya, sana ay lahat na. As in, buong detalye. Para kasi siyang isang pulubi na nilimusan ng tinapay na may kagat na. Nakaalala nga siya, kulang-kulang naman. Maraming detalye ang nawawala. Maraming tanong ang hindi pa nasasagot.

Paano, saan at kailan niya nakilala si Ernesto? Bakit siya nagkainteres sa kayamanan nito gayung hindi naman siya materialistic na tao? Bakit nakikita niya ang pigura ng sariling ama niya gayung teen-ager pa siya nang lisanin nito ng walang paalam ang buhay nila ng Ate Nancy niya?

O kung hindi naman siya makakaalala, okay na rin. Basta, forever na sana siyang walang maalala sa mga nalimutan niya. Mas madali pa sigurong magsimula na lang ulit. Sa totoo lang, mas nadadalian pa nga siyang mag-adjust ngayon sa set up nila ni Oscar. Mas nagiging considerate ito sa kanya dahil sa amnesia niya.

Hindi niya sinabi sa lalaki na nakakaalala na siya ng mga bagay na may kinalaman sa panganganak niya at sa hayagang pagtataboy niya rito at kay Odess. Wala siyang lakas ng loob para i-spoil ang magandang samahan nila ngayon.

Ang tanging nasasabihan niya ng improvement sa memory niya ay si Dr. Reyes. Regular niya na itong pinupuntahan para sa checkup niya.

Aalamin niya muna siguro ang buong katotohanan bago siya tuluyang maglumuhod sa harapan ni Oscar at hingin ang kapatawaran nito.

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang sumulpot si Oscar sa harap niya. Kumurap-kurap pa siya dahil akala niya ay isang prinsipe ito sa kakisigan nito. Nakasuot ito ng black wool blazer with white poloshirt underneath at single-pleat black pants.

"Mukhang malalim ang iniisip mo," puna nito sa kanya.

"H-Hindi naman," natatarantang sagot niya. "Aalis ka ba? Sunday ngayon, wala kang pasok di ba? At pagabi na."

Pinisil nito ang pisngi niya na tila naaaliw sa kanya. "Sobra na ang pagkamakakalimutin mo. Ngayon ang twenty-fifth anniversary ng company. May party akong hinanda to welcome another fruitful year. Naaalala mo na?"

"Ngayon na ba iyon? Hindi ko alam. Medyo disoriented yata ako." Nawaglit talaga sa isip niya ang tungkol sa party samantalang ilang araw ng paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Oscar ang mga detalye tungkol doon.

In fact, noong isang araw pa nakahanda ang evening dress na binili ni Oscar para isuot niya.

Big event iyon. Kitang-kita niya sa mukha ng lalaki ang hindi matatawarang kasiyahan at excitement dahil sa loob ng twenty-five years ay nanatiling matatag ang oil company at furniture business na pinaghirapang itayo ng mga magulang nito.

"Magbihis ka na at samahan mo na ang gwapong escort mo." He flashed a boyish smile.

"Opo na, mag-aayos na ako." Nginitian niya rin ito kahit na may bumabagabag pang mga alalahanin sa dibdib niya.

ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon