Nicka realized that it is the proper time to talk to Oscar. Things are now falling into place kaya nararapat lang na sa sariling kaligayahan naman siya magfocus ngayon.
Gaya nga ng sabi ni Ernesto sa sulat, ito ang may pakana ng nangyari sa party. That means na nagkamali siya sa pambibintang kay Oscar. Pinahirapan niya ito at tiniis sa kasalanang hindi naman nito ginawa.
Gusto niyang kastiguhin ang sarili niya. She hated the fact that her father was judged wrongly. Pero ngayon, heto siya at ginawa niya rin ang nakakaasar na bagay na iyon. Kay Oscar.
Now, she's very much willing to win Oscar back. Siya na ang kusang pupunta sa bahay nito para makipag-usap.
Kasalukuyan siyang nag-aabang ng jeep na masasakyan papunta sa bahay ng lalaki nang biglang may humintong kotse sa harap niya. Bumaba ang sakay niyon. Si Oscar.
"Mamamalengke ka?" bungad nito sa kanya. Halatang naiilang pa ito na kausapin siya. Natatakot siguro ito na itaboy niya.
"Hindi. Can we talk?" Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Sumulpot na rin naman sa harap niya ang taong pakay niya, lulubus-lubusin niya na. Nakatipid pa siya sa pamasahe at sa effort.
"Sure. Saan mo gustong mag-usap?"
Itinuro niya rito ang park sa harap nila. Agad siyang lumakad patungo roon. Naramdaman niyang sinundan siya nito.
Umupo siya sa bench na naroon. Ginaya ng lalaki ang ginawa niya. Tumabi ito sa kanya. For a couple of minutes, tahimik lang sila. Nagpapakiramdaman. Walang gustong magsimula ng usapan. Nakatingin lang sila sa mga bata na naglalaro sa padulasan at see-saw doon.
Si Oscar ang unang nagsalita. "I'm sorry kung this time ay ako ang nagmumukhang stalker mo. Halos araw-araw na akong tumatambay dito sa area ninyo at literal na sinusundan kita."
"Talaga?" Napatingin siya rito. Hindi niya alam na ginagawa nito iyon. Ang aware lang siya na ginagawa nito ay ang araw-araw na pagpapadala ng bulaklak.
Tumango ito. "Kahit itanong mo pa sa mga tanod dito, pati sa mga tindera ng fish ball at gulaman. Ka-close ko na halos sila dahil lagi akong nasa paligid lang."
"Paano ang trabaho mo kung nagbababad ka rito?"
"I'm on leave. Ang Papa muna ang nag-aasikaso sa business. Sinabihan nila ako ng Mama na gawin ang lahat to have you back."
"Ibig mong sabihin, hindi na sila galit sa akin?" That's a relief for her kung totoo man ang sinasabi nito.
"Nauunawaan ka na nila, believe me. Pinaliwanag ko sa kanila ang lahat. Nagkamali ako sa panghuhusga sa iyo. Nagkamali kami. And I'm sorry for that."
"Ako ang dapat mag-sorry. Dapat ay hindi ako nagpadaig sa galit ko kay Ernesto. Dapat ay hindi ako naging mapaghiganti." Nakagat niya ang ibabang labi niya nang maalala niya ang rudeness na pinakita niya sa lalaki noon, pati ang paninikis niya sa mag-ama niya pagkapanganak niya.
Umusod si Oscar palapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa hita niya. "Hindi kita sisisihin dahil nangyari na iyon. Gusto ko lang malaman mo na kapag nagkaroon ka ulit ng problema, you can count on me, no matter how big or small the problem is. Ang problema mo ay problema ko na rin."
"Nagkamali talaga ako. I even sacrificed you and Odess. Hanggang ngayon, natatanong ko pa rin ang sarili ko. Where was my heart?"
"You have your flaws. Lahat tayo. Pero hindi ibig sabihin noon na wala kang puso," malumanay na paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)
General FictionCatch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan lang ako nakahawak ngayon - dahil dito, abot-kamay kita." Teaser Nagkaroon si Nicka ng partial memory loss. Sa dinami-rami ng pwedeng mabura s...