Kinabukasan din ay pinuntahan ni Nicka ang piitan kung saan nakakulong ang ama niya. Naunang makipag-usap ang ate niya sa Daddy nila para ipaliwanag ang sitwasyon niya, nang sa gayon ay hindi na ito mabigla.
Nagpaalam agad ang ate niya na mauuna na itong umalis dahil may aasikasuhin pang trabaho. Kaya mag-isa niya na lang tinalunton ang daan papasok sa loob.
Marahan siyang pumasok sa visiting area ng mga preso. Mabigat ang pakiramdam niya. Nakaupo na roon ang isang matandang lalaki. She could tell that it's her Daddy. Kahit nakatalikod ito sa kanya, may bahagi ng puso niya na nagkukumpirmang ito ang ama na matagal niya nang pinananabikang makita at makasama.
Marahil ay naramdaman nito ang pagtitig niya sa likod nito kaya lumingon ito. Nagsalubong ang mga mata nila. Parang may sariling isip ang mga paa niya na tumakbo palapit dito.
She threw herself on his arms. Parang tulad noong bata pa siya, tuwing nagpapakarga siya rito. Hilam na hilam ng luha ang mga mata niya. Her cry became more audible. Nakita niya pa sa sulok ng mga mata niya na nakamasid sa kanila ang jail warden but she doesn't mind.
"Anak." Iyon lang ang tanging nasabi ng Daddy niya habang yakap niya ito.
"It's so unfair. It's so unfair," paulit-ulit na sabi niya.
Right at that moment, she realized something. Masakit pala ang magkaroon ng amnesia. Why did she have to go through all of these things again? Pinagdaanan niya na ito noon. The pain. The heartbreak. The depression.
Sigurado siyang nangyari na ang lahat ng ito. Tiyak na umiyak na rin siya ng walang patid noong unang beses niya itong makita sa ganoong kalagayan. Bakit kailangang maulit ang sakit? It really is unfair.
"Sinabi na sa akin ni Nancy ang lahat ng nangyari sa iyo. Are you okay? May maitutulong ba ako sa iyo?" he asked.
Lalo siyang napaiyak sa sinabi nito. Bakit siya pa ang inaalala nito? Ito ang nakaranas ng matitinding pagsubok. Ito ang binawian ng kalayaan. Ito ang nakulong para sa kasalanang hindi naman nito ginawa. She should be the one asking him those questions.
"I-Im okay," napapasigok na sagot niya.
Pinagmasdan niya ang lalaking siyang dahilan kung bakit siya nasa mundong ibabaw. Payat na payat ito. Maputla. Walang buhay ang mga mata. Puting-puti na ang mga buhok. His hands seemed lifeless. Parang napipilitan na lang itong mabuhay. Wala na ang dating matikas na anyo nito.
"Nicka, anak, hindi mo dapat ginawa ang ginawa mo kay Ernesto," malumanay na sabi nito.
She can't believe she's hearing those words from him. "But why? Masamang tao siya. He deserved to be treated that way."
"Kaya ko lang naman sinabi sa iyo ang totoo na matagal naming tinago ng ate mo ay para maunawaan mo na hindi ko kayo iniwan. Na hindi ako naging masamang ama. Iyon lang, wala ng iba."
"Pero paano ang nangyari kay Mommy? Paano ang nangyari sa inyo? Higit sa lahat, you are my only concern. Mom cheated on you. You suffered a lot."
Parang maluluha ang mga mata nito nang ipaalala niya ang mga pinagdaanan nito. "Pareho kami ng ate mo ng pananaw. Naniniwala kami sa karma. I heard that Ernesto is suffering from a terminal illness. Sapat na iyong kaparusahan sa kanya."
"But Dad -" protesta niya.
"My princess..." Iyon ang tawag nito sa kanya noong bata pa siya. "Don't worry about me. Nasanay na ako rito. You have a good life ahead of you. Intindihin mo ang sarili mo. Bata ka pa. May anak ka pa na naghihintay sa iyo."
BINABASA MO ANG
ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)
Fiksi UmumCatch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan lang ako nakahawak ngayon - dahil dito, abot-kamay kita." Teaser Nagkaroon si Nicka ng partial memory loss. Sa dinami-rami ng pwedeng mabura s...