Chapter Four
This can't be true! Iyon ang paulit-ulit na hiyaw ng isip ni Nicka. Nangangatog ang mga tuhod niya sa matinding tensyon at shock.
Kaya pala nakaramdam siya ng munting pagsipa sa tiyan niya habang naghahalikan sila ng lalaki kanina, iyon naman pala ay nangyari talaga iyon sa kanya sa totoong buhay. Nagkaroon talaga ng laman ang sinapupunan niya. Isang flashback marahil iyon.
Inalalayan siya ni Oscar para makaupo siya sa tabi nito.
"Nasaan ang bata? Ikaw ba ang ama?" Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin lubusang nagsi-sink in sa kanya ang ibinunyag ng lalaki.
"Ako ang ama niya, sigurado ako roon. Kamukhang-kamukha ko siya. And to make sure, ipina-DNA test ko siya."
"Bakit hindi ko siya nakikita? Narito ba siya?" Luminga-linga siya sa paligid. Tila ba kapag ginawa niya iyon ay biglang lalabas sa harap niya ang isang sanggol.
"Wala talaga akong balak na ipaalam sa iyo ang tungkol sa bata. Kaya lang, tutal ay unti-unti ka nang nagkakaroon ng clue at nakakapagdugtong ng puzzle pieces, napagdesisyunan kong umamin na." Nanatiling blangko ang mukha nito sa kabila ng pangungumpisal nito.
"Unfair ka. Bakit hindi mo sasabihin sa akin ang totoo? I deserve to know the truth." Gumaralgal na ang tinig niya.
"Hindi mo ako masisisi dahil hindi ka naging mabuting ina." Kumuyom ang kamao nito.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"You want to know the painful truth? Well, sige, pagbibigyan kita. Una, hindi mo siya nakarga kahit minsan. You refused to take the baby in your arms. Pangalawa, nanggaling mismo sa bibig mo na isang pagkakamali ang pagdating ng bata dito sa mundo." Huminto ito para bahagyang kalmahin ang sarili. "Ngayon, gusto mo pa bang ipagpatuloy ko ang lahat ng sama ng loob na idinulot mo sa akin at sa bata?"
Naramdaman niyang naglalandas na ang mga luha sa magkabilang pisngi niya. Hindi niya inakala na naging ganito siyang kasamang tao. Ano ang nangyari sa kanya? Nagawa niya iyon sa sarili niyang anak?
Wala namang dahilan para magsinungaling sa kanya ang lalaki.
"Gaano mang kasakit, mas pipiliin kong marinig ang lahat ng ginawa kong kasamaan." Nahihirapan na siyang huminga dahil sa samu't saring emosyon.
"Alam mo ba kung bakit ka biglang nagkaroon ng gatas ngayon?" biglang tanong ni Oscar.
Kahit nagtataka siya sa biglang pag-shift ng usapan nila, pinili niya pa ring sagutin iyon. "Hindi ko alam."
"I bet, you had a warm or hot water over your breasts."
"Yes, I had. I adjusted the water's temperature so I had a warm bath." Hindi niya pa rin makuha ang point nito.
"Kapag malamig na tubig ang nilalagay mo sa ibabaw ng dibdib mo, nahihinto ang pagflow ng gatas mo. It has a constricting effect to the milk ducts. Kapag mainit o maligamgam na tubig naman, kabaliktaran ang epekto. Lumalabas ang gatas."
Nakagat niya ang labi niya nang maunawaan niya ang ibig nitong ipaintindi sa kanya. That lessened her confusion. Ngayon, alam niya na kung ano ang nagtrigger sa paglabas niyon.
"Pero paano mo iyan nalaman? Hindi ka naman doktor."
"Ikaw ang nagsabi sa akin ng impormasyon na iyon. Ayaw mo kasing magpadede ng anak natin noon kaya ang ginawa mo ay naglalagay ka ng cold compress para matigil ang paglabas ng gatas. Later did I realize that you've done that so that you can hide your motherhood from your lover."
BINABASA MO ANG
ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)
General FictionCatch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan lang ako nakahawak ngayon - dahil dito, abot-kamay kita." Teaser Nagkaroon si Nicka ng partial memory loss. Sa dinami-rami ng pwedeng mabura s...