002
What the hell
Mabilis akong kumilos para bago pa dumating dito si Yeongue ay tapos na ako. Ayaw pa naman no'n na pinaghihintay siya since medyo mabagal ako kumilos. Well, can he blame me? I'm a girl. Normal lang naman sa babae na mabagal kumilos.
After ko makalabas sa cr ng kwarto ko ay kaagad kung kinuha 'yung liptint na nasa gilid lamang ng salamin. I put some liptint on my lips. Unti lang naman 'yun para hindi maputla 'yung labi ko. Medyo maputla kasi ako ngayon dahil kakatapos lang ng mens ko. At bwisit. 7 days ako nagkaroon! Sobrang nakaka-bwisit! Literal na nawawalan na ako ng dugo.
Napatingin ako sa pintuan nang aking kwarto nang kumatok iyon. Kaagad kung tinignan ang sarili ko sa salamin at nang makita kung maayos na 'yung mukha ko, pumunta na ako doon sa pintuan at binuksan iyon.
Yeongue is smiling as I opened the door and his image greeted my sight. Kaagad naman akong napangiti at kaagad na yumakap sa kanya. Niyakap din naman niya ako pabalik.
"Bakla, missed you!" I said as I tightened the hug. Sanay na sanay na si Yeongue sa pagiging clingy ko sa kanya. Sanay na din siya sa mga skinships na ginagawa namin. Wala naman iyon sa amin. We're just friends. Best of friends.
Tsaka isa pa, may pagka-bakla din 'tong si Yeongue.
Like ew, 'di kami talo.
"Ulol! Kahapon nagkita tayo! Huwag ka ngang OA dyan, bakla!" Natatawa niyang wika niya atsaka mahinang binatukan ako. Ginulungan ko lamang siya nang mata.
"Whatever. Halika na nga, punta na tayo sa perya." Yaya ko sa kanya at sinirado ko na 'yung pintuan nang kwarto ko.
"Wait lang, bakla. Sabi kasi ni Yoonbin-hyung, sasabay daw sila sa atin papunta sa perya." Pigil niya sa akin nang simulan kung hilahin siya.
Napakunot naman ang aking noo. "Huh? Wala naman sinabi sa akin si Kuya, ah? Tsaka sinong sila?" I asked him.
"Huwag ka magugulat, ah?" He said. Lalo namang kumunot 'yung noo ko dahil doon.
"Bakit?" I asked him.
"Pupunta din si Yoonbin-hyung sa perya." Sabi niya sa akin.
Tumango ako. "Oo nga. Kakasabi mo lang kanina sa akin, 'di ba?"
"Pero kasama si Junghwan..."
My jaw dropped after I heard his name. What the... hell?!