005

307 19 4
                                    

005

Snatcher

"Shit. Relax, Kihyun." I mumbled to myself. Hinawakan ko ang aking nanlalamig na kamay at pinagsalop iyon upang makahugot man lang ng lakas dahil pakiramdam ko, nanghihina ako dahil sa kaba.

I'm freaking nervous right now! My heart beats so fast as if it's running in a temple run! Medyo nanginginig na din ako dahil sa kaba. Nakaka-bwisit naman kasi si Yeongue! Bakit niya ba naman kasi ako iniwan dito kasama si Junghwan?! Eh, ayoko ngang kasama ito! Sobra akong nahihiya sa kanya! Parang mas gusto ko na lang magpalamon sa lupa kaysa makasama 'tong lalakeng 'to!

Okay, I don't hate him, okay? In fact, I really like that guy pero sobrang hiyang-hiya talaga ako sa mga pinaggagawa ko dati at mga pinagsasabi ko sa kanya sa chats! Ilang taon na kami nito magkakilala at ilang taon ko na din siyang crush but last year lang ako nag-confess.

Tapos, 'di man lang ako crinushback.

What the hell? Asa'n hustisya doon? Dapat kung gusto ko siya, gusto niya din dapat ako! Para fair!

Charot.

"Kihyun, ito na 'yung mga tickets oh." Halos napatalon ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko 'yung malalim na boses ni Junghwan. Shit. I really like his deep voice!

"A-Ah, let's go?" I asked him habang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. Hindi ko siya tinitignan dahil hindi ko talaga kayang tagalan 'yung titig niya. Makasama nga siya, ayoko. Eh, 'yung titigan niya pa kaya ako?

Baka mahimatay na ako no'n.

Charot ulit.

Hindi siya sumagot pero tumango naman siya. Nagsimula na siyang maglakad kaya naman sumunod naman ako sa kanya. We're currently heading to the Vikings. Ito 'yung isa sa mga pinakagusto ko dito sa peryang 'to dahil may Vikings 'to. Kahit na halos mapatay kapag sumakay ka dito ay gustong-gusto pa rin talaga ito.

Ewan ko ba. Basta gusto ko pa rin 'tong sakyan nang paulit-ulit kahit na halos lumuwa na 'yung utak ko.

Gusto din na sumakay dito ni Junghwan kaya naman kaming dalawa 'yung magkasama ngayon. Ito kasing si Yeongue, mas pinili niya 'yung rollercoaster kaysa sumama sa akin! Nakakainis! I know that he also like this ride pero dahil masyado siyang mapang-asar, mas pinili niyang samahan si Yoonbin-Oppa para kaming dalawa ni Junghwan 'yung mag-partner! Nakakainis talaga 'yung baklang 'yun!

As if, gusto niya talaga sa rollercoaster! Gusto niya lang naman yakapin si Yoonbin-Oppa! 'Yung baklang 'yon!

Pumikit na lamang ako at napa-buntong hininga. Okay, Kihyun, please don't embarrass yourself in front of Junghwan, please? Don't do anything stupid.

Pumunta na kami doon sa may Vikings at pumili na kami ni Junghwan. Mas nauuna sa akin si Junghwan tapos nasa likuran naman niya ako. Medyo nag-talo pa nga kami kung sino 'yong mauuna sa pili habang hinihintay but in the end, I won.

I look up to his face while he's busy watching those people who's currently shouting at the top of their lungs because of fear. I want to laugh at them but I couldn't.

I was so stunned with Junghwan's side profile.

I bit my lower lip.

Shit. How can someone be this gorgeous at such a young age?

Suddenly, I felt my heart hammering hard against my chest while staring at his side profile.

So Junghwan, you snatcher. You snatched my heart!

Always, i'll careWhere stories live. Discover now