Chapter 6

15 3 0
                                    

Tumigil ulit kami sa lugar na walang istudyante at hindi Niya padin ako binibitawan.

"Bitawan mo 'ko."

"Ano bang nagawa Kong mali Sayo Kiara?, ang Saya ko nung araw na 'yon Kaso susupresahin nalang ako ng isang mensahe na wala na ko sa trabaho ko bilang isang bodyguard mo!, sabihin mo hindi pa ba ako sapat Sayo para mag hanap kapa ng iba?!." Galit na galit Siya.

"Sabi ko Sayo, simula palang sabihin mo na kailangan mo para umalis kana sa trabaho mo." Seryoso ang tingin ko, pero this time ayokong umiyak.

"Hindi ko kailangan 'yon, pinasok ko ang trabahong iyon dahil Alam ko ang ginagawa ko. Alam Kong mataray ka Pero hindi ako nagpaapekto, dahil Alam Kong may problema ka. Sabi ko sa sarili ko tutulungan kita dahil hindi bagay sayong nag iisa ka, Pero satuwing nakikita Kong nasasaktan ka, naglalaslas ka parang sininasaktan mo narin ako, sinabi ko pa nga na hinding hindi ako mag kakagusto sa katulad mo, pero wala eh. Ito nga ako hulog na hulog Sayo." Galit at lungkot ang nakikita ko sa mga mata Niya.

"Kung ganon dapat pinigilan mo na ang Sarili mo. Nag sasayang kalang ng oras sakin." Sumigaw ako at di ko na mapigilan na umiyak.

"Hindi ako nag hihinayang sa pambabalewala mo sakin, Priority kita at ok lang sakin kahit Option lang ako." Yumuko Siya.

"Sorry ah?, kung pinaasa kita. Makakahanap kadin ng iba." I gave him a fake smile. Napaangat Siya ng tingin at napasabunot sa sarili Niya.

"Sabihin mo ano ba ako Sayo?, kasi putanginang eto Baliw na Baliw kakaalala Sayo tuwing nagkakaganyan ka."

"Ikaw na nag sabi, pampalipas oras lang kita." Aalis na sana ako ng niyakap Niya ako ng mahigpit na parang ayaw Niya akong pakawalan.

"Hanggang Kailan ka magkakaganyan?, wag kanaman magbulagbulagan please kasi hindi ka nag iisa." Narinig Kong pumiyok Siya.

"Hanggang Kailan ka susuko?." I cried. Wag mo akong sukuan please.

"Hinding Hinding hindi ako susuko at hinding hindi kita iiwan."

Paano ko ba to iiwan tong lalaking to, kung Siya ang nagiging dahilan kung bakit ko pang naisipan gumising at mag stay sa mundong to.

"Alam Kong mahal mo ako Kiara, kaya please hinihintay ko ang sagot mo." Napayakap ako sakanya.

"ANO TO KIARA?!, NAPAKA WALANG HIYA MO! HINDI KA MARUNONG SUMUNOD SA USAPAN." napabitaw ako sakanya ng yakap. Kakadating lang nila Zera kasama ang mga kaibigan Niya.

"Anong usapan?." Nag tatakang tanong Niya. Pinunasan ko ang Buong mukha ko.

"Sorry kung hindi kita pinansin, sabi nila Kapag iniwasan kita hindi na nila ako bubulyhin. Oo na ako na ang weak." Napayukong sabi ko. Hinawakan Niya ang kamay ko Kaya Napaangat ako ng tingin.

"Stop bullying her, Wala kayong karapatan pigilan ang kasiyahan Niya." Napataas ang kilay ni Zera,

"Na brainwash mo napala Siya?, ilang potion ang pinainom para gayumahin mo Siya?, Kean I sasave kita." At sinamaan Niya ako ng tingin.

"Stop it Zera, hindi Niya ako ginayuma."

"Once you touch her Makikita niyo ang pagiging demonyo ng isang anghel."

Fuck I'm speechless. Ganito pala yung feeling na may nag mamahal sayo.

Hinila Niya ako paalis ng hindi Niya binibitawan ang kamay ko. Napaaray ako ng nahawakan Niya yung laslas ko na Bago. Kaya napatigil kami.

"Nag laslas ka ulit??!"

Yumuko ako "Sorry." Pinigilan Niya ang sarili Niyang magalit at hinalikan nalamang ang forehead ko. "Wag mo nang uulitin yon." Napatango nalamang ako.

Love you to the galaxy and UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon