Chapter 7

30 2 0
                                    

Bukas na ang Unmasked at dahil napilit ako ni Shaina nandito kami ngayon sa Mall para bumili nang sapatos at iba pa naming kailangan para bukas.

"Friend parang ayaw mong pumunta bukas uhh..." sabi ni shaina.

"uhh... eehhh.. friend kase..." pautalutal kong sagot. Kase naman natetense ako kapag naaalala ko na makikita ko si Carlo doon.

"Kase ano?" tanong niya. Hindi pa niya alam ang tungkol sa pagkikita namin ni Carlo kaya wala siyang ideya na magkakilala na kami ni Carlo.

"Si Carlo..." sabi ko.

"Sinong Carlo?"

"Mercant"

"Pa'no napasok sa usapan si Carlo dito?"

"Kase friend magkakilala kami"

"HUH! MAGKAKILALA KAYO NI CARLO!" talagang sinigaw niya sa mall kaya pinagtinginan kami.

"Hehehe... sorry.." sabi ko sa mga tumitingin at hinatak siya papalayo.

"Narinig mo ang balita nung pumunta dito si Carlo na may girl siya dito?"

"Don't tell me ikaw 'yun!?"

"Uhhh..eeehhh" hindi ko alam ang sasagot kase ako naman talaga yun.

"Bakit wala ka manlang sinabi sakin about d'un? Diba friends tayo?"

"Sorry friend... Ikwekwento ko nalang sayo..." sabi ko sa kanya.

Kaya ayun nakaupo kami sa isang Restaurant at isinalaysay ko ang mga nangyari habang kumakain kami at umabot kami ng 2 oras sa pag-uusap dahil ang kulit niyang kausap ang daming tanong.

"Friend ang swerte mo" sabi niya sa akin.

"Pa'no naging swerte... ee muhkang magugulo na ang buhay ko"

"Baka crush mo siya... ohhh wait... baka more than crush na 'yan friend"

"Lintik naman 'yan Shaina ! 'wag ganyan ayo'ko..."

"Ayaw mo? o takot ka lang magmahal ulit?"

"uhhhm" napaisip ako sa sinabi niya at tama siya takot ako. Takot akong masaktan.

"Friend don't close your heart just because you've been hurt... hayaan mong magmahal ka ulit at kung masaktan ka man ulit 'wag kang mapagod na magmahal..."

"Ang drama mo friend" sabi ko sabay tawa. Pero napaisip ako sa sinabi niya.

"Hanap na tayo nang materials para sa mask natin for tomorrow" sabi ko pagkatapos kong bayaran ang kinain namin.

"tara" yaya niya.

Pagkatapos naming mamili nang mga gamit dumeretso na kami sa bahay. Napagkasunduan namin na doon na siya matutulog para sabay kaming gagawa nang mask at sabay na kami bukas pumuntang school.

"Friend what if magkita kayo bukas at hindi ka niya makilala?" seryosong tanong niya habang pinapatuyo ang pintura sa mask namin.

"Okey lang..." sabay sagot ko. Syempre masasaktan ako crush ko kaya yun. 

"Alam mu Julie na kaya kitang basahin... maaaring si Kath yung mas nakakakilala sayo pero kilala rin kita... dahil magkaibigan din tayo" 'yun nag emo ang isa kong kaibigan.

"Ai naku ang drama mo shaina!" sagot ko sabay yakap sa kanya. Alam ko kaseng may tampo pa siya kase si Kath ang kasama ko araw araw last moth hindi kase niya alam na aalis si Kath papuntang Paris.

Natapos na namin ang mga mask ngayon nakahiga na kami si Shaina nakatulog na at ako naman hindi dinadalaw nang antok kase naman natatakot ako para bukas. Naalala ko na namna ang mga sinabi sakin ni Shaina kanina sa mall na 'wag akong matakot magmahal. Habang nakahiga ako napalingon ako sa bintana sabay sabi "Lord give me a sign" pumikit ako pagkadilat ko may nakita akong falling star. "Ang bilis mo Lord". Pumikit na ako at tuluyan na akong nakatulog.

 ________________A/N_______________

PLEASE VOTE & COMMENT

THANK YOU FOR READING <3

Pangarap lang KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon