Chapter 8

30 3 0
                                    

"Jul okey na ba make up ko... LOOK!" sabi ni Shaina

"Hay naku Shaina kahit anung lagay mo nang make up d'yan sa muhka mo hindi parin makikita 'yan"

"Ee kung ako ang mapili mamaya ni Carlo at tanggalin yung mask ko at least maganda ako... maglagay ka nalang kahit light lang friend" sabi niya sa akin.

"Okey fine!" naglagay ako nang light make up.

Ready na kami ni Shaina hinihintay nalang namin ang sundo namin.

Nandito na kami ni Shaina sa Grand Entrance. May sakit 'ata ako sa puso ang bilis kase tumibok. Lintik bakit ba naman kase yung epekto sakin kapag naaalala ko si Carlo na nandito siya at may possibility na magkita kami. Ano ang gagawin ko kapag nagkita kami? Makikilala kaya niya ako? What if hindi?

"What if's could made you head ache friend..." sabay sabi ni shaina. Sa lahat nang tao siya 'yung parang manghuhula sa sobrang pagkakilala sa akin.

"Ee natatakot kase ako... what if..." hindi ko natuloy ang sinabi ko kase pinutol niya.

"Don't live with what if's... you'll just confuse yourself" ang mga hirit talaga ni Shaina.

"Okey fine..." sagot ko.

Umupo kami sa isang lamesa sa gilid. Ang dami nang tao pero alam kong mas dadami pa mamayang nandito na si Carlo.

"Good Evening Ladies & Gentlemen" sabi nang lalaki sa gitna nang stage naka suit & tie siya at may mask.

"Tonight someone will be crowned and not just crowned but will win a date with the Carlo Mercant but before that I want to tell you all especially ladies that Carlo himself will be the one that will choose the Woman of the Night where is he well... hmmmmmm... " umikot ikot ang ulo niya na parang may hinahanap. "Nasapaligid lang siya... malay niyo isa siya sa mga nasa table niyo o siya ang kasayaw niyo... ahahahaah... see you in a bit guys..." sabay sigaw "and LET'S PARTY".

"Friend sayaw tayo... bawal KJ kaya let's go!"

Minsan gusto ko talagang sabunutan 'tong kaibigan ko.

Sumayaw kami nang sumayaw hanggang sa nag-iba ang music at slow music na at for couples na 'yun kaya unti-unting nag-aalisan na ang mga tao. Hahatakin ko na paalis sana si Shaina pero may kasayaw na siya kaya hinayaan ko na siya. Nang naglalakad ako papunta sa table namin may humawak sa kamay ko sabay sabing "Can I have this dance?"

Bago pa ako makasagot nasa gitna na kami. Tinitignan ko ang muhka niya parang kilala ko siya. Siguro kaklase ko sa isang subject. Nakablue siya na mask at bagay talaga sa kanya ang damit niya. Sino kaya siya?

"Do I know you?" tanong ko. Pero ngiti lang ang sagot niya sa akin. Muhkang baliw 'tong lalaking 'to.

"Anong pangalan mo?" tanong ko ulit. Ay naku Smile na naman ang sagot. Okey hindi na ako magtatanong.

"UUpo na ako bye" sabi ko sa kanya

"Bye Julie" sagot niya. Wait parang kilala ko ang boses na 'yun. Paglingon sa kanya wala na siya. Bumalik ako sa upuan ko na nag-iisip kung sino ang lalaking 'yun.

Kilala niya 'ko? Sino siya? masyadong pamilyar ang boses niya pero hindi ko maalala kung sino ang may ari nang boses na 'yun.

"Okey please take a sit ladies & gentlemen" sabi ng lalaki na nasa stage "This is the moment that all of you especially the girls are waiting here is Carlo Mercant and He will serenade you all with this song"

May lumabas sa stage pero hindi ko maklaro kase parang anghel na bumaba sa lupa ang effect nang ilaw sa likod niya pero nung naklaro ko ang suot niyang damit at yung mask niya nahulog ang panga ko. Kaya naman pala kilala niya ako at pamilyar ang boses niya. KILALA NIYA AKO! OMG!

Pangarap lang KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon