Chapter 12

38 1 0
                                    

1 month since that day sa rooftop. "MU" yun ang meron kami ni Carlo ngayon. Yun lang muna kase gusto naming unti-untiin ang ganitong bagay. Gusto naming makilala muna ang isa't isa. May mga bagay na dapat naming mas bigyang importansya.

Halos magkasama kami araw-araw dahil na din sa ginagawa naming pelikula. Masaya kami palagi pero wala parin kaming pinagsabihan sa kung anong meron sa amin maliban nalang kay ate A.

Text from Carlo: "6pm, same place <3"

Alam ko agad na sa rooftop kami magkikita. Pero anong meron? Kaya tinanong ko na siya.

My reply: "anong meron?"

Hinintay ko ang reply niya ngunit dumating na ang 2 minutes... walang reply... unusual 'yun kase kapag negtetext siya at nagreply ako walang 1 minute may reply na siya o kung hindi man makareply tatawag agad siya.

5 minutes... wala parin

10...

30 minutes na ang nakalipas ngunit wala paring reply nag-aalala na ako kaya nagtext ulit ako sa kanya.

"Bakit walang reply? Are you okey?"

Dumating ang 10 minutes wala paring reply kaya nagtext ulit ako.

"Galit ka ba sakin? Bakit walang reply? May nagawa ba ako? Reply ka naman... "

Bakit kaya hindi siya nagrereply? What if galit siya? Pero ano kaya ang kinagalit niya? Wala naman akong nagawa. Makalipas ang ilan pang minute tinawagan ko na siya pero naka off na ang phone niya kaya kinabahan na ako. What if naaksidente siya? What if nabagok ang ulo niya? Shit! Ano ba 'tong naiisip ko. Sa sobrang kaba ko tinawagan ko na si Ate A.

"Hello ate A... alam mo ba kung nasaan si Carlo? Hindi ko siya macontact kase"

"Hindi ko alam kung nasaan siya... hindi ko pa siya nakikita simula kanina" sagot ni ate A.

"uhh ganun ba? sige ate A... salamat" binaba ko na agad ang cellphone ko.

5 pm na kaya naghanda na akong pumunta sa rooftop. Sana nandun lang siya. Sana okey lang siya. Ang hirap pala kapag masyado mo nang mahal ang isang tao nakakaisip ka ng mga bagay na hindi dapat iniisip. Baka masyado lang talaga akong praning. 5:30 na ako nakaalis sa bahay. Naipit pa ako sa traffic 6:15 na ako nakadating sa building. Nang nakarating ako tinanong ko agad ang guard kung nakapasok sa building si Carlo ang sabi niya sa akin hindi daw niya nakita at 6pm ang shift niya baka daw nakapasok na si Carlo bago pa ang shift niya.

Habang nasa elevator ako kinakabahan ako. Madami na namang what if ang naiisip ko. what if wala siya... what if naaksidente talaga siya... what if nabunggo siya at nagka amnesia siya. Ang praning ko talaga HAAAAAAAAAAYYYY...

Pagbukas ko sa pinto palabas sa rooftop ng building nagulat ako sa nakita ko. Si Carlo nakatayo may bitbit na bulaklak. Parang naalala ko to parang same scene sa rooftop sa school. Ang pinagkaiba lang walang musikero. Napasmile ako at napatakbo papunta sa kanya at niyakap siya. Ang sa utak ko "Ang praning ko din"

"Next time don't off your phone... Muntik na akong tumawag sa pulis kase akala ko kung ano na ang nangyari sayo... pinagalala mo ako ng sobra" bulong ko habang nakayakap sa kanya.

Bumitaw ako sa pagkayakap sa kanya. Nakita ko naka smile siya.

"Ang saya mo pa talaga na nag alala ako ng sobra huh"

"You really like me" sagot niya sabay yakap sa akin

"OO naman... don't do it next time... baka next time tawagan ko na ang general kong ninong"

Tumawa lang talaga siya sa sinabi ko at nakitawa narin ako.

"You know what we should start eating this would be a really long night" sabi niya at tsaka pinaupo ako sa upuan ko.

Pangarap lang KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon