Chapter 9

31 3 0
                                    

"See you later Julie" sabi ni Carlo nang ihatid niya ako sa bahay at tsaka umalis na ang sasakyan. Pagkatapos nang coronation o kung ano man ang tawag dun ay umalis na kami gaya nang sabi ng event organizer kase daw kailangan pa daw naming magbihis para sa date. Hindi ko alam kung saan yung date na yun pero promise kinakabahan ako kase alam ko namang makakasama ko si Carlo na kaming dalawa lang.

Pumasok agad ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko para makapaligo. Pagkatapos kong maligo dumeretso ako walk in closet ko. Naghanap ako nang damit siguro nakalimang dress ako bago ko napili ang black lacey dress pagkatapos ay pumili ako ng sapatos at pinili ko ang black aviator na flats at naglagay ako ng light make up. Hindi ko namalayang umabot ako ng isang oras sa pag-aayos.

"Nak! andyan na ang sundo mo!" sigaw ni mama

"pababa na po!" sagot ko

Tiningnan ko muna ang ayos ko sa salamin bago ako bumaba sa hagdan. Akala ko nandun si Carlo pero wala siya. Grabe pa naman ang kaba ko akala ko kase si Carlo ang susundo sakin. HHHHHHHHHHHHHHHAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY NNNNNNNNNNNNNaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaKKKKKKKKKKKKKKKKOOOOOOOOOOOOOO! Asa pa talaga ako.

Bakit ba kase ganito ang kaba ko? 'Yung feeling na kadate mo ang crush mo. If this is a fairytale I hope this ends with happily every after. Habang nasa kotse ako na sundo ko nakatunganga lang ako sa bintana. Iniisip ko ang mga pwedeng mangyari. What if mali ang attire ko? what if hindi niya magustuhan ang ayus ko? what if mabulunan ako? what if...

"UUUURRRGGGGGHHHHHHHH" sabi ko sa sarili ko habang pinipilit kong burahin lahat nang iniisp ko.

Makalipas ang 76554432119 years dumating din kami and take note sa rooftop lang pala nang school namin ang date.

Umakyat ako papuntang rooftop at dun ko nakita ang lugar. I was like OoO. Nakaset ang lahat perfectly! from the table to the chairs pati na rin ang mga petals na parang isa isang inilagay para perfect tignan. Yung mga musikerong nakauniform, yung mga lanterns na nakakalat upang bigyan nang liwanag ang paligid at syempre si Carlo na naka formal attire may bitbit pang boquet of roses. HHAAAAAAAAAAAAAYYYY! ANG GWAPO!! Pasimple kong kinurot ang kamay ko para malaman kong isa bang panaginip ang lahat pero...

"This is not a dream" bulong ko sa sarili ko.

"Of course this is not a dream Julie... Bakit parati ba akong naliligaw sa panaginip mo?" tanong ni Carlo.

Natauhan ako sa tinanung niya. Ang haba naman nang tenga niya pa'no nya nadinig 'yun?

"Ay... EWAN!" sagot ko.

Ngumiti lang siya at niyaya akong umupo. Ilang minuto din kaming tahimik hanggang sa nauna siyang magsalita.

"You look amazing" sabi niya habang tinititigan ako sa mata.

Uminit ang pisngi ko at alam kong pulang-pula na ako at nagpasalmat nalang ako sa kanya.

"uhhhm... thank you... so do you" at least nakapagsalita pa ako. gwapo naman talaga siya!

"Thanks Jul... Uhmmm... pwede bang magtanong?"

"Sure."

"Have you been inlove?"

Sa dami nang pwedeng itanong 'yang tanong pa pero sumagot parin ako "Yes, why?"

"wala lang" sagot niya

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"Have you been inlove?" tanong ko sa kanya. Pero alam ko na ang sagot syempre artista siya at sa ayaw at sa gusto niya kaylangang isapubliko ang relasyon niya.

Pangarap lang KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon