Jusko lord traffic pa. Hay nako pilipinas nga naman .Nag pasya akong bumaba ng jeep at nag lakad nalang.Medyo malapit na kaya , tiis ganda muna.Marami din namang nalalakad kaya okay lang.Pagkatapos mabili ang mga kailangang bilhin ay agad akong sumakay ng jeep pauwi.
"Sa wakas nakarating din ".sabi ko pa sa isip ko ng makababa ng jeep.
Pagkababa ay napukaw ng atensyon ko ng itim na van na nakaparada di kalayuan sa binabaan ko.Buhat doon ay may bumabang lalake na nakaitim at naglakad sa gawi ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at di pansin ang pag sunod nito.
"Miss !"narinig ko pang tawag nito
Saglit akong huminto at nag lakad muli.
"Miss sandali !"
Huminto ako at nilingon ito.
Sakto namang nakalapit na ito sa gawi ko."Gusto kayong makausap ng amo ko ".panimula nito.Ako naman ay takang itinuro ang sarili ko
"Aah sandali ,ako po ba talaga ?"takang tanong ko
"Oo, ikaw nga.Diba ikaw si Yreina Tobias ?"
"Aah , opo ako nga po.Bakit po ?"muli kong tanong
"Gusto ka nga makausap ng boss ko.Tungkol don sa tatay mo ".
"Nako , asan sya ?"
"Andon sasakyan.Tara don ".
Ako naman ay parang biglang nag alinlangang sumunod dito na nag lakad na pabalik.
Hanggang sa lumingon ito sa gawi ko."Miss ?"
Parang nahiya naman ako.Napagdesisyonan ko na maglakad narin tungo sa nilandas nito.
Pagkapasok sa van na tinutukoy nito ay bumungad pa sakin ang tatlong lalaking mukhang armado bukod sa kumausap sakin.
Kinabahan ako ng mag sara ang van at mabilis itong pinatakbo ng nagmamaneho.
"Teka sanadali lang ho ". Pukaw ko pa
Ang lalaking kanina ay kumausap sakin ay ngayon ay nakangising tiningnan ako."Pasensya na po, pero kailangan kona pong bumaba ".
Ang tatlong lalake sa likod ko ay nanatiling tikom na may parehong ngiti sa labi ng balingan ko ang mga ito.
"Jez alam muna kung anong gagawin mo ".
Sabi pa ng lalaking kumausap sakin sa isa sa lalaking nasa likod ko.Ako naman ay awtomatik na nilingon mga ito .
Mabilis ang pag galaw ng lalake nang takpan nito ang mukha ko ng malaking panyo.Pumalag ako ngunit animo'y may kakaiba itong amoy na tila nag papahilo sakin at ganun nalang ang naramdaman ko ng unti unti kong maramdaman ang panghihina at pag bigat ng talukap ng mata ko.
Bago tuluyang maipikit ko aking mata ay nakita ko pang nag salita ang lalake na may kausap ito sa kabilang linya."Boss okay na ".
Yon lang at tuluyan nakong nawalan ng malay.
Mabigat na nagising ako sa pagkakahimbing.Tila hirap akong gumalaw at pakiwari ko ay pagod ako.
Dahan dahan kung iminulat ang aking mata.Ngunit wala akong makita.Nakapiring ako.
"Diyos ko nasaan ako ?".
Napaingit ako ng maramdaman ang hapdi ng kamay ko .Naramdaman ko pagkakatali ng kamay habang ang paa ko ganun din.
Mahigpit ang pagkakatali ng mga ito.
Di ko mawari nang maramdam ko pag bigat ng dibdib ko .Namalayan ko nalang ang tuloy tuloy na pag agos ng mga luha ko na pilit kumakawala sa nakatakip roon.
Bigla akong natakot para sa sarili ko.Narinig ko ang pag bukas ng pinto.Mga yabag ng hindi ko mawaring kung ilan ang mga ito.
Nakiramdam ako at saglit kong kinalma ang aking sarili."Ito na ba yon ?"
Narinig ko pang tanong ng isang boses.
"Yes boss.Sya na yon ".
"Good.Iwan nyo muna kami ".
Narinig ko ang muling pag sara ng pinto.
Lumakas nag kabog ng dibdib ko.
Napapaso ako sa pakiramdan na tila may matang nakatingin sa gawi ko."Napaka swerte nya.Meron syang tulad mo at malas mo kasi madadamay ka ".panimula nito
"So tell me , alam mo ba kung san nagtatago ang mahal mo at ang ama mo ?"
"Anong pinagsasabi nya "walang anong naitanong ko sa isip ko
"Papakawalan kita kapag sinabi mo kung nasan sila ".
Napailing ako.
"Hindi kita maintindihan.Anong kailangan mo sa kanila ?"takang tanong ko
BINABASA MO ANG
Alipin
Romance" Kung ang pasakitan ako ay mag papasaya sayo gawin mo at kung ang buhay ko ang kapalit para maibsan ang sakit dyan sa puso mo sabihin mo, dahil ako mismo ang papatay sa sarili ko ". ~ Sensya po sa typo , wala pong edit to.Thanks ! 😘