"Boss, wala pong pamilya yong lalaki dito sa maynila at yong kasama naman po nito, may anak po syang dalawang babae at isang lalaki na kasalukuyang nobya ng nasabing nanloob sa mansyon ang panganay nitong anak na babae".
Umarkila ako ng detective para mapabilis ang paghahanap ng impormasyon sa pag patay sa fiance ko.Dahil pakiramdam ko kung hahayaan ko lang ang mga pulisya na gumawa ng paraan para mahanap sila ay matatagalan pa.Maging ang mga magulang ni Roque ay inip nading nag aantay nang impormasyon sa pulis at ayaw ko ng ganoong nag aantay lang.
Masyado nakong inip sa nangyayare.At gusto ko ako mismo ang papatay sa kanila.
Gusto kong iparamdam sa kanila ang sakit nang mawalan ng taong minamahal.Alam kung mali ang nais ko pero wala akong pakialam.Magbabayad sila sa ginawa nila at titiyakin ko yon.Katulad ng pag sunog nila sa bangkay ng fiance ko ay higit pa don ang gagawin ko , higit pa don.
Mag dadalawang linggo nang nakakalipas ng mamatay ang fiance ko. Ngunit hindi pa din nahahanap ang mga pumaslang dito at ang tumangay ng sampung milyong pera sa mansyon.
At hindi ako makakapayag na ganon-ganun nalang.Magaling silang mag tago , ulti mong mga katauhan ng mga ito ay hindi nakilala sa cctv na naroon.Kung hindi pa aksidenting naiwan ang isang damit nang nanloob sa mansyon na lihim kung itanago.Malas lang nya at ang damit na yon ay may name tag pa.
Mabuti nalang at wala ako sa sarili noong panahon nang mangyare ang krimen at na tanging isip ko lang ay pulutin at itabi iyon ng hindi ko malaman.
Hindi ako titigil hanggat hindi sila nahahanap at nanagot sa ginawa nila.Hinding hindi.Tumayo ako sa pagkakaupo.
"Kung ganon , kunin nyo yong babaeng yon.Dalhin nyo sya sakin ngayon din.Tiyakin nyong malinis ang pag kidnap nyo sa kanya.Ayaw ko ng ingay ".
Maawtoridad kung utos."Yes boss ".pagkasabi no'y mabilis itong tumalima na lumabas ng silid.
Ang ganda ng araw ngayon.Maganda kasi day off ko at syempre nakakainis din. Ngayon lang naman ako maglalaba ng sandamakmak kung labahin.
"Ate , wala kanang pasok ".Tanong sakin ng bunso kung kapatid na si Mela na bahagya pang nakanguso.
"Opo, wala pong pasok ang ate.At ipagluluto ko kayo ng paborito nyong ulam.Gusto mo ba yon ?"
Tanong kung nakangiti"Talaga ate !?"balik nitong tanong na nagtatalon pa
"Oo nga , pero kailangan mo munang gisingin si kuya mo ".
"Sige ate !" Pagkasabi no'y mabilis itong nagtungo sa kwarto
"Kamusta na kaya sya ? At ang tatay kaya ".
Dalawang linggo na silang hindi nag paparamdam.Hayst ano kayang nangyare.Saglit akong nakaramdam ng kaba sa dibdib."Ate ! Gising na sya !" Pukaw sakin ng bunso kung kapatid
Napatigil ako sa pag iisip at ngumiting tumingin dito.
"Oh sige , aalis muna si ate ha.Pupunta lang ako sa palengke at bibile ng ulam natin para mamayang tanghalian at syempre para bukas na din."
"Sige ate ".sagot nitong umupo sa mesa
"Kumain na muna kayo ng almusal pagkatapos maligo kayo."
"Sige ate , ingat ka ha ".singit naman ni Tonton na halos nakapikit pang lumabas ng kwarto.
"Oh sige aalis nako, pagkatapos maligo dito lang sa loob Ton ha ? At huwag makulit antayin nyo akong makabalik.Maliwanag ba ?"
Sabi ko pang nag ayos ng sarili sa salamin.
Salamat naman at malalaki na ang mga kapatid ko.Si Tonton na 11 yrs old na at si Mela na 7 yrs old naman."Opo". Sabay na sagot ng mga ito
Mabilis akong lumabas.Medyo may kalayuan ang palengke at kailangan pang sumakay ng jeep papunta roon, mga 30 minutes lang naman pero matagal padin para sakin.
BINABASA MO ANG
Alipin
عاطفية" Kung ang pasakitan ako ay mag papasaya sayo gawin mo at kung ang buhay ko ang kapalit para maibsan ang sakit dyan sa puso mo sabihin mo, dahil ako mismo ang papatay sa sarili ko ". ~ Sensya po sa typo , wala pong edit to.Thanks ! 😘