Chapter 3

390 6 0
                                    

Narinig ko ang mahina nitong pag tawa.Tawang may pait.

"Hindi mo alam ?"

Umiling ako bilang tugon.

"Pinatay lang naman ng kasintahan mo ang fiance ko ".halos pabulong nitong sabi sapat lang para marinig ko

"Hindi ! Hindi magagawa ni Jeff ang binibintang mo ".
Naguguluhan kong sagot

"Gaano mo sya kakilala sige nga".

Nanatili akong tikom.Hindi ko man makita ang mukha nya, ramdam ko ang galit nya.

"Impossible na hindi mo alam.Nakinabang ka rin ba sa pera na ninakaw ng ama mo ?"

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo ".umiiyak kong sabi

"At lalong hindi mag nanakaw ang tatay ko !"

Sunod ko pang sabi na halos pasigaw.
Naramdam ko ang pag uga ng malambot na kama at marahas nitong tinanggal ang nakatakip sa aking mukha.

Bahagya itong nahinto at tinitigan ako sa mata.
Mataman ko lang syang tiningnan.
Dahan dahan nitong inilapit ang mukha nya sa mukha ko.
Umiwas ako.

"Huwag kang mag maang-maangan na hindi mo alam kung anong ginawa nila ! At ito lang ang sasabihin ko sayo, kulang pa ang buhay mo kapalit ng ginawa nilang pag patay sa fiance ko.At ang sampung milyong ninakaw nila, kaya mo bang bayaran yon ?"

Tiim bagang nitong sabi sa mukha ko.

Nanatili akong tikom.Halos hindi ako makahinga sa bigat ng nararamdaman ko, gulong gulo ako.

"At bilang kabayaran ng hindi mo pag amin kung nasan ang mahal mong boyfriend at walang puso mong amahin, magiging alipin kita sa ayaw at sa gusto mo.
Oh tamang sabihin nating hanggang sa malagutan ka ng hininga ".

pagkasabi noon ay mabilis itong umalis na pabagsak na isinara ang pinto.

Walang tigil ang pag agos ng luha ko, pakiwaring nag uunahan sila sa pag bagsak.

Luhang ipaghalo ng maraming tanong, paanong nagawa ng taong mahal ko ang pumatay at ang aking ama paanong nagawa nyang magnakaw ng ganoong halaga.

Sa pagod at gutom ay naramdaman ko ang panghihina gabi na't wala pa akong kain.
Muli kong naalala ang aking dalawang kapatid na kanina pa nag aantay saaking pag uwi.
Muli akong napaiyak.Iyak na may halong hagulhol .

Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isa sa mga lalaking kasama sa pag dukot sakin.May dala itong pag kain .
Dahan dahan nitong inilapag ang pinggan sa tabi ko.

"Kung ako sayo sabihin muna kung nasan sila ".panimula nito

Tiningnan ko sya sa mata at nag salita.

"Hindi ko alam, hindi talaga.Nag sasabi ako ng totoo.Kaya pakiusap, pakawalan nyo na ako hinihintay ako ng mga kapatid ko ".umiyak kong sabi

"Wala akong magagawa patungkol dito.Hindi ako ang boss para sundin kita ".yon lang at umalis na ito.

"Anong gagawin ko.Diyos ko please lang po tulungan nyo ko.Okay lang sakin na mamatay ako basta huwag lang po ang mga kapatid ko ".

-
Muli kong pinag masdan ang ayos nya sa screen kung saan nakafocus ang camera sa kanya.

Wala syang tigil sa pag iyak.Gusto kong maawa sa ayos nya pero hindi.Hindi dapat !

Dumako ang tingin ko sa kamay nyang nakatali na may bahid ng dugo.
Tumayo ako sa pagkakaupo.

Binuksan ko ang pinto sa kwarto kung saan naroon sya.

Tumambad saakin ang maamong mukha nyang patuloy sa pag agos ang luha roon.

Lumapit ako, tinanggal ang pagkakatali nya.

"Kumain ka ".sabi ko pa

Tiningnan lang ako nito.

"Kung sino ka man , nakikiusap ako sayo nag mamakaawa na pakawalan muna ako".

"Gagawin ko yan kung sasabihin mo kung asan sila ".

"Hindi ko nga alam kung nasan sila.Kaya sige na pakawalan muna ko.Kailangan ako ng mga kapatid ko ".

"Sana naiisip din nila kayo, bago nila patayin ang fiance ko nang sa ganun wala ka dito ".yon lang at umalis na ako.

AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon