Chapter 6

329 6 0
                                    

Ipinilig ko ang ulo ko.
"Oo na maganda sya ! Sexy at iyakin !"wala sa anong nasabi ng isip ko
Wala pa ding tatalo kay Roque.

"Kahit ano, kahit anong kapalit gagawin ko ibibigay ko ". Sabi nito ng diretso sa mukha ko.

Ako naman ay napangiti sa narinig ko

"Sigurado ka ?"bahagya kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya.Wala sa anong napaatras ito.
At yumuko nanaman.

"Ulitin mo kung anong sinabi mo.Hindi ko kasi masyadong narinig ". Pagkaila ko

"Kahit anong kapalit ". Ulit nitong hindi nakatingin

"Ayaw ko ng ganyan.Gusto ko sabihin mo sakin ng harapan.Tumingin ka sakin ng diretso at ganito ang gusto kong sabihin mo " Seive kahit anong gusto mong kapalit ibibigay ko ". Utos kung nag paangat sa kanya.

Tumingin ito ng diretso sa mata ko.Hindi agad ito nakapag salita.

"Come on darling, tell it to me straight ". Sabi kong ibinulong pa sa kanya.

Natawa ako sa reaksyon ng mukha nya ng manlaki ang bilog nyang mata.

"Hindi mo kya ? Sayang medyo gumanda pa naman ang mood ko ngayon.Meaning pweding pumayag ako ". Sabi ko pang nakangiti

"Aah -eeh --- ".

Mas lalong naging malawak ang ngiti kong paanong  hindi sya makapagsalita.

Tumalikod ako .

"Sandali naman oh !"

Saglit akong huminto.

"Alam kong pangit ang sasabihin ko at magiging marumi ang tingin mo sakin pero -- ".

Humarap ako sa kanya na inantay ang pinutol nyang salita.

"Wala nakong choice kundi ito lang ".

Ang tagal ha .

"Handa akong ibigay ang sarili ko sayo ".

Sabi nitong sinabayan ng pag agos ng luha nya.

"Ibigay ? Ikaw ?"

Tumawa ako at kapag kuwa'y huminto rin at tumingin sa kanya ng diretso.

"Sorry pero ayaw ko sa napag sawaan na.Hindi ako kumakain ng basura ". Sabi ko pang seryosong nakatingin sa kanya.

Nakita ko pagkadismaya sa mukha nya.Tumalikod itong umupo sa kama.

"Pero dahil naawa ako sa mga kapatid mo , susundin ko ang gusto mong mangyare sa kanila".

Yon lang at lumabas na ako ng silid.

Kinaumagahan ay maaga akong umuwi sa bahay.
Yong bahay na matatawag talaga. Ang ginamit kong hide out para sa bihag ko ay isa lang sa bahay na nabile ko.At wala ng ibang nakakaalam sa ginawa ko ,maliban nalang sa mga tauhan ko.
At hindi ko gustong may makaalam noon.

"Seive, anak andito nga pala si tita mo ". Tinutukoy nito ang ina ni Roque na fiance ko.

Mabilis akong pumasok .
Naabutan ko itong nakaupo kausap ang aking bunsong kapatid na babae.

"Tita ". Tawag ko pang nag palingon sa kanya.

"Hijo kamusta ?"

"Okay naman po. Napadalaw po kayo ".pag iiba ko. Alam kong may pakay lang ito pag naliligaw dito.

"Gusto ko sanang ipa-autopsy ang bangkay ni Roque ".

"Bakit ho ?"

Napaisip ako saglit. Tanging singsing lang ang suot nito at ang ilang gamit nitong naiwan ang naging basehan namin na sya nga yon. Hindi namin itinuloy ang examin para doon dahil na din sa halos maabo na ang bangkay nito.

"Pasensya na pero kasi , pakiramdam ko hindi yon ang anak ko .Ilang gabi din akong nanaginip na buhay pa sya ".

Sabi nyang maluha-luha pa.

Eh sino naman yong inilibing namin kung ganun ?

"Sige po, kayo po ang bahala tita .Balitaan nyo nalang po ako sa resulta ".

"Sige hijo makakaasa ka ".

"Pag may kaialangan po kayo , huwag po kayong mag alangang mag sabi sakin ".

"Salamat hijo napaka buti mo, oh sige tutuloy nako ".

"Sige po ingat po kayo ".

Umalis na ito at nanatili pa din ako sa pag iisip

"Paano nga kung buhay sya ? Pero nasan sya ?"

At kaninong bangkay yon ?

Suot nya ang singsing na binigay ko, kaya imposibling hindi sya yon ".

Napailing ako .

AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon