Gusto kong maawa pero hindi pwede .Hindi talaga .
Napabuntong hininga ako saking pagmamaneho sa haba ng traffic at kapag kuway lumuwag din iyon .Pauwi ako ngayon kina mama para sana bumisita pero nauwi sa inuman ng mapadaan ako kina Eurros.Isang matalik kong kaibigan simula nang mag college ako at maka graduate.
Nang tumunog ang phone ko.
May tawag doon galing sa isa sa mga tauhan kong nag babantay roon.
Sinagot ko ito."Hello boss ? "
"Anong problema ?" Iritang tanong ko
"Nakabili na po kami ng pang palit nya.Iniwan po namin kanina noong tulog sya, ang kaso po noong bubuksan namin para maghatid ng pagkain eh ayaw pong mabuksan yong pinto.''
Mahabang pahayag nitong parang batang nagsusumbong."Wala ba sainyo yong duplicate ng susi nun ?"
"Ah-eeh kasi boss naiwan po sa loob ."
"What ! Saang loob ! " halos pasigaw kong tanong
"Don po sa kwarto nya."
"Idiot ! How come, paanong naiwan don ?"
"Nakalimutan ko po."
Mahina nitong sagotKung hindi ako nagkakamali halos lahat ng duplicate ng susi ng bahay kasama nun.
Nang mag green light na sign para mag go ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko."Baka makatakas sya !"wala sa isip na nasabi ko
Halos banggain ko ang madadaan ko para lang makauwi ng mabilis.
Nang makarating ay aligaga ang lahat at inaantay ako sa gate na syang ipagtataka ko."Anong tinatanga - tanga nyo dyan !" Bulyaw kong ng makita ang bakas na takot sa mga mukha nito.
"Boss kasi po --- ".putol ng isa
Hindi ako nag salita at tinitigan sila isa isa.
"Ano wala kayong balak sabihin !"
Sabi kong bahagyang lumapit"Boss kasi po nakatakas po si --"
Mabilis kong binunot ang baril na nakasoksok sa bulsa ng isa at itinutok ito sa nag salita .
"Gusto mo bang mamatay na ?!"halos pasigaw kong tanong
"Ang bobo nyo ! Alam nyo nang nakatakas pero hinihintay nyo parin ako !"
Mabilis na nagtungo kung san san ang mga tauhan ko mayroong pumunta sa likod bahay.
"San nyo sya huling nakita ! At mga ilang oras na syang nawawala ?!"
Tawag ko sa isang dumaan sa likod ko na aligaga na.
"Ah Boss ,sa likod po may tali naman po ang paa nun .Ang ibig ko pong sabihin ay nakapusas po yon kasi nanlaban po sya kanina nong mag dala kami ng susuotin nya. Nag tangka po syang tumakas ".
Napamura ako anim sila at natakasan pa sila ! Bobo talaga .
Mabilis kong tinungo ang likod bahay.
Hanggang sa makarating ako sa bakanting lote na naroon na medyo masukal at madilim.Humiwalay ako sa kanila .Isipin ko palang na natakasan sila ay parang gusto ko na sila na muna ang una kong patayin.
Nakarinig ako ng ilang hikbi na tila pilit na pinipigil.
Sinundan ko yon .Dahan dahan akong nag lakad .
Dahil madilim ay nag pasya akong kunin ang cellphone ko at gamiting ilaw iyon.
Biglang tumigil ang pag iyak.
"Kung ako sayo , titigilan kona ang pagtatago. I'm warning you Ms. Yreina lumabas kana , dahil kapag napagod ako sayo sa kakahanap... itong baril ang hahalugad sayo dito ikaw din ".
Mariing kong sabiNang marinig ang mahinang kaluskos ay mabilis ko itong tinapatan ng cp na hawak ko.
At bangggg ! Huli ka ngayon .Hinabol ko itong pilit na lumalakad gamit ang paang may pusas.
Hinila ko ang buhok nitong nakalugay at itinutok ang baril na dala ko."At san ka naman pupunta aber ?"
Tanong kong marahas itong sinandal sa punong naroon.Halos matumba ito sa lakas nun at napaaray ito.
"Sa tingin mo makakatakas ka ?"

BINABASA MO ANG
Alipin
Romance" Kung ang pasakitan ako ay mag papasaya sayo gawin mo at kung ang buhay ko ang kapalit para maibsan ang sakit dyan sa puso mo sabihin mo, dahil ako mismo ang papatay sa sarili ko ". ~ Sensya po sa typo , wala pong edit to.Thanks ! 😘