Ako'y sayo at ika'y akin lamang.-First cycle
Ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di
magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
'Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang
Kahit anong mangyari ang pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin
Ang mahal, Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita makikiusap ka'y Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin, Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang
**
Anita's P.O.V
"Hi i'm Anita"
"Isang Chicken burger."
"Yun lang po mam?"Tumango naman siya at inasikaso ko na yung order niya.
Inabot ko na yung order niya at pumunta na ako sa may kusina.Sa wakas tapos narin ang shift ko.
Madaling araw na.Maganda't makakauwi na ako.Nagpunta ako ng banyo para magpalit ng damit.Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko at lumabas na ako.
"Halika na.Sabay ka na sakin."
"Wag na ho.Kaya kong maglakad."Ngumiti ako at nagsimula ng maglakad.Pagod na ako.Ayoko na ng makipag argue.
"Alam mo maraming tamabay diyan.Sumabay ka na sakin."Humarap ako dahil nakukulitan na ako sa kanya.
"isang taon na ho ako ng naglalakad dito at awa ng Diyos,wala namang nangyayari sakin."at naglakad nanaman ako.
"Maraming aso diyan."At humarap nanaman ako sa kanya.
"Sabihin mo na kung ano talagang gusto mo."
"Gusto ko lang namang makausap ka."
"Fine."I sighed.Sumakay na ako.
---
"Hindi mo naman ako kailangang iwan.ang pangako mo walang iwanan"at niyakap ko siya mula sa likod.
"Hindi mo maiintindihan."Tapos tinanggal niya yung kamay ko sa pagkakayakap ko sa bewang niya.
"Ano bang hindi ko maiintindihan?!May tenga ako!Handa naman akong makinig sa lahat ng sasabihin mo!sa lahat ng paliwanag mo!"At napaupo ako sa sahig dahil hindi ko na alam yung gagawin ko.Di ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
"Ano?!Na hindi ako gusto ng nanay mo?Dahil mahirap kami?Putcha naman oh!Ang hirap!"
"Sorry."Tapos umalis na siya.Iniwan niya akong lugmok at umiiyak.
Sinundan ko siya hanggang airport.Pinilit ko siyang pigilan pero wala.Kahit anong gawin ko aalis parin siya.NIyakap ko siya sa bewang,Umiyak sa harapan niya, nagmakaawang wag niya akong iwan kahit parang tanga na.
---
"Good Morning everyone!"Lumingon ako at nakita ko ang boss.
"Good mood ka ngayon Leo ah"Bati naman nung isa naming boss.Sinuot ko na yung uniform ko at nagpunta na sa may counter.Pang umaga ako ngayon kasi kulang kami ng isang kahera.