Chapter 5

399 9 2
                                    

"Yen?"

"Aaaaaaah!" bigla akong napamulat ng makarinig ulit ako ng isang nakakarinding sigaw.

Ano na naman ang ginagawa nila?

Ramdam ko ang hirap na nararanasan niya. Sigaw siya ng sigaw ngunit mga nakangiting tao naman ang nasa harapan niya.

Mga demonyo.

Para siyang kaawa-awang manika na pinag ch-chop chop ng mga baliw na bata.

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng silid na kinalalagyan ko. No windows at all just one door.

How can I get out of here?

Sinubukan kong tumayo mula sa aking pagkakahiga ngunit hindi ko magawa. Kumirot bigla ang aking pasa at naramdaman kong muli ang higpit ng kadenang nakatali saakin.

"Gising na pala to" nakangising saad ng taong sumampal saakin kanina.

Sinamaan ko siya ng tingin, pinaparamdam lahat ng galit ko sakanya.

Galit ako ngayon, lalong-lalo na sa aking sarili. Kung hindi ako nagpumilit na pumasok dito malamang at buhay pa aking kaibigan.

I miss my family. Pagod na ako, gusto ko nalang magpahinga unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

"Iharap niyo yan dito!" lumapit ang dalawang naka lab coat na lalaki saakin at tinanggal ang mga nakatali sa katawan ko. Sa ngayon mahina pa ako, para bang may itinarak silang drogang mag bubunga ng paghina ng aking systema. Isang drogang makakapagbagal ng pagbalik ng aking enerhiya.

Iniharap nila ako sa isang malaking salamin kung saan kita ko ang kaawa-awang kalagayan ng aking kabuuan.

Bruises and scratches was all over my body, magulo ang aking buhok at may natitira pang dugo sa aking labi.

*clap clap clap*

Napalingon ako sa babaeng pumasok. Her face was fully covered. Hindi ko man maaninag ang kaniyang mukha pero alam kong kilala ko siya. Pamilyar na pamilyar ang kaniyang kabuuan lalong lalo na ang kaniyang amoy.

Bakit? Gusto ko yang itanong sakanya ngunit hindi ko maigalaw ang aking bibig.

"How are you? Oh gracious look at yourself, kaawa awang bata. Ano nalang sasabihin ng---"

"Shut up!" sigaw ko. Ayokong makinig sakaniya, ayoko nakakarindi siya! Napakatinis ng kaniyang boses masakit sa tenga.

"Shut up? how dare you!" isang malakas na sampal ang aking natanggap. Magang maga na ang aking pisnge kailan ba ito matatapos?

"Patayin mo nalang ako"

"Inuutusan mo ba ako babae?"
mariing sabi niya. Inangat niya ang aking mukha sabay sabunot ng aking buhok. Ubos na ang lakas ko, hindi ko na kaya. napapikit na lamang ako, dahan-dahang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Oh bakit ka umiiyak?" nakangisi niyang saad sabay pahid ng dugong nasa kutsilyo na hawak niya. 

"Ano kayang magiging reaction ng sambayan kapag nalaman nilang umiiyak ka ngayon? ano kayang sasabihin nila kapag nakita nila ang itsura mo" I tried my very best upang hindi marinig ang kaniyang isinasabi ngunit kahit lokohin ko man ang sarili ko ngayon---

"Mama!Papa!" matinis na sigaw ng isang babae. Kaawa awa ang kaniyang itsura ngunit nakangisi ito habang hawak hawak ang isang matulis na kutsilyo sa kaniyang kamay. 

May bahid ng dugo ang kaniyang damit, pati narin ang kaniyang mukha. Punong puno ng kademonyohan ang kaniyang mga mata. Mga ngising kikilabutan ka talaga.

Asylum Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon