TIBO #2

6 0 0
                                    

"Sa kanto lang" Rinig kong sabi ni Fay sa driver. Huminto naman ang jeep sa kanto at bumaba naman agad ako ng makita kong pababa na si Fay.

Napansin ko naman ang lalaking kaaway ko na bumaba din dito sa kanto. Tangina wag niyang sabihin na kabaranggay ko siya? Tumingin naman si Fay sa lalaking kaaway ko at nag salita.

"Teka ikaw yung pinsan ni Arjo diba?" Tanong ni Fay.

"Ay oo, ako nga."

"Ikaw si Lucas diba?

"Oo ako nga, bat mo ako kilala?"

"Narinig ko ang pangalan mo ng sermonan kayo ni Aleng Nita nung isang araw" Napabusangot ako, so ano close na sila? Tangina diba nila alam na o-op ako? Bago pa makasagot yung Lucas ay hinila ko na si Fay at nag simula kaming mag lakad.

"Aray gago masakit" Reklamo niya. 

"Arte tangina" Linapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong "Sino ba yung Arjo na yan?" Tanong ko, bigla naman siyang huminto sa pag lalakad kaya huminto narin ako.

"Gago! Yung binangasan  mo nung syete anyos ka palang" Sagot niya. Teka sino? Madami kasi akong nabangasan nung bata pa ako kaya hindi ko na matandaan haha.

Bigla akong napa-isip saglit. "Ahh, si Jojo duga?" Tanong ko, tumango naman siya habang tumatawa. Tangina mag pinsan nga sila ng Lucas na yun parehas silang bwisit.

Nag patuloy kami sa paglalakad ni Fay, hindi umabot ng minuto ay nakadating na kami sa plaza. Dahil konting lakad nalang ay nasa bahay na nila Fay, ay nauna na siya sakin.

"Lucas!" Sigaw ni jojo, napatingin ako sa likod at nandun pala si gago.

Patakbo namang lumapit si Lucas kay Jojo, bago pa makalapit si Lucas kay jojo ay binato na agad nito ang hawak na bola kay Lucas pero di niya ito nasalo at ako ang nakasalo

"Tss, lampa!" Bulong ko, medjo malayo na si Fay sa plaza kaya tinawag ko siya "Peng salo!" Sigaw ko, bigla namang napatingin si Fay sakin at agad nasalo ang bola. Ngumisi siya sakin at binato ulit ito sa dereksyon ko, agad ko naman tong nasalo at dineritso sa ring.

"3 points" Sabay naming  sigaw ni Fay at tumawa. Nakita ko naman na hinabol ni Jojo ang bola dahil tumalbog ito palayo sa kanila. Nakita ko si Lucas na nakangisi habang tumitingin sakin, kahit na gusto ko siyang bangasan ay nag patuloy nalang ako sa pag lalakad at umalis sa court ng plaza. Samantalang si Fay naman ay nakapasok na sa bahay nila.

Ilang sandali lang ay nakadating na din ako sa bahay namin. "Nandito na ako" Sigaw ko, naabutan ko naman si mama at si Alice na nanunuod ng tv. Lumapit ako kay mama at nag mano

"Nandyan kana pala chanak?"

"Ay hindi nag hahallucinate ka lang"

"Nakss, nag iimprove kana chanak. Parang dati lang 'hi at hello' palang alam mong word sa english, pero ngayon may pa hallucinate, hallucinate ka nang nalalaman haha" Inirapan niya lang ako at hindi na sumagot.

Inis na binalik ni Alice ang atensyon niya sa tv dahil napikon siya bigla sa sinabi ko. Tumawa nalang ako at tumungo sa kwarto ko.

"Shit namiss ko ang kama ko" Pabagsak akong nahiga sa kama, grabe kapagod mag aral.

Napapikit ako dahil sa pagod pero bigla akong napabalikwas. "Tangina ano yun?" Nakita ko sa pagpikit ko ang itsura ng Lucas na yun. Bigla kong naalala yung pagkindat niya sakin.

"Ka urat" Napasigaw nalang ako sa inis. Inabot ko nalang ang cellphone ko dahil bigla itong tumunog hudyat na may nag text.

"Alex! Kakabreak palang natin pero may Amber kana agad?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon