Year 2011
"Ateeeeeeeeeeee! Ano ba malalate na ako, tigilan mo na ang pag-titig sa salamin wala ng magbabago sa muka mo panget ka parennn!"Sigaw ni Alice habang kumakatok sa kwarto ko. Isinabit ko na ang backpack ko sa balikat ko at dali daling lumabas sa kwarto."Ang ingay mo naman chanak" Asar ko kay Alice. Sobrang ingay naman talaga, dinaig pa ang ingay ng sirena sa sobrang lakas ng boses. Linapitan ko muna si mama at hinalikan sa pisngi.
"Xandra ano ba yang suot mo? Bat di ka naka uniform?" Taas kilay na tanong ni mama sakin. Nginitian ko na lang si mama at tumakbo palabas. Paano ba naman kasi sobrang ikli ng palda namin, mas komportable ako sa pantalon kesa sa paldang yun. "Bye ma! Malalate na kasi kami eh hehe" Sigaw ko sabay sakay sa motorcycle ni papa.
Bago paandarin ni papa ang motor ay sinuot ko muna ang helmet at kumapit sa balikat ni Alice, nasa hulian kasi ako kaya kailangan kong kumapit at baka mahulog ako.
Unang hinatid ni papa si Alice sa elementary school dahil mas malapit ito kumpara sa skewelahan ko sa high school.
"Bye pa!" Paalam ni Alice sabay abot ng helmet kay papa.
"Aral ng mabuti bunso ahh" Nakangiting tugon ni papa at pinaandar niya na ang motor papuntang skwelahan ko.
Huminto na si papa sa tapat ng gate ng school namin kaya dali-dali na akong bumaba dahil late na talaga ako.
"Una na ako pa ingat" Ginulo naman ni papa ang buhok ko kaya umilag ako. "Pa naman magulo na nga buhok ginugulo mo pa" Reklamo ko, paano ako makakahanap ng chix nyan kung dugyot ako tignan haha.
"Binata na talaga junior namin haha" Biro ni papa, tumawa nalang din ako sa sinabi ni papa. Ganyan talaga si papa, para ko lang siyang barkada kasi halos lahat ng kalokohan ko sinasakyan niya kaya super close talaga kami ni papa feeling bagets kasi siya haha.
"Sige una na ako" Tumango nalang ako at pinaandar niya na ang motor. Nang makaalis na si papa ay patakbo akong pumasok sa gate at kumaripas papuntang room.
Nang makarating ako sa room ay agad akong pumasok ng makita ko sa bintana na wala pa si ma'am.
Hingal na hingal ako na umupo sa tabi ni Yeng. "Hoy bat ka hingal na hingal?" Tanong niya sakin. Tinignan ko naman siya ng masama at sumagot. "Baka naglakad ako ng mabagal kaya hingal na hingal ako" Binatukan niya naman ako dahil sa sagot ko. Binalik niya nalang ang atensyon niya sa hawak niyang cellphone.
Tinignan ko si Fay sa tabi ko kilig na kilig habang hawak niya ang kamay ng girlfriend niya kala niya talaga may lawit.
"Alex pwede ba tayong mag usap?" Napatingin ako kay Rica, namumula ang ilong niya at halatang kakagaling niya lang sa pag iyak.
"Ano pang pag uusapan natin Rica? Break na tayo at malaya ka ng gawin ang lahat ng gusto mo" Sagot ko sakanya. Si Rica ay isa sa mga naging girlfriend ko, oo ex ko siya at oo ulit tibo ako. Subukan niyong umangal babangasan ko kayo.
"Pero Alex hindi ko kaya"
"Wala na tayong dapat pag usapan Rica." Narinig ko naman ang pag hikbi niya. Mag sasalita pa sana siya kaso biglang dumating si Ma'am Ginto kaya bumalik nalang siya sa upuan niya habang umiiyak.
Napatahimik ang lahat dahil sa pag-dating ni Ma'am Ginto.Teacher namin siya sa math, halos lahat kami sa loob ng room ay naiinis sakanya. Bukod sa masungit ay mukang pera din yan si Ma'am Ginto lakas maka private sa mga gastos.
Matapos ng isang oras ay natapos din si Ma'am Ginto sa pagtuturo. Natapos siya ng wala man lang ako natutunan. Nang makalabas na si Ma'am ay lumabas na din kami dahil mamayang 10 pa ang next subject namin.

BINABASA MO ANG
Beautiful Tibo
FanficBata palang si Alexandra ay pansin na ng mga tao ang pagiging matigasin nito. Imbis na makipag laro sa kapwa niya babae ay mas pinipili nitong makipag laro sa mga sigang batang lalaki na ka-edaran nya. Nang mag high school si Alex ay dun na nag si...