Year 2004
"Ate Rose! Ate Rose!" Sigaw ng batang babae. Agad namang napalabas si Rose dahil sa pag-tawag sakanya ng bata.
"Bakit ba nagsisi-sigaw ka dyan Fay?" Tanong ni Rose sa batang babae na kaibigan ng anak niya na si Alexandra.
"Si Alex po nakikipag-away, nandun po sya sa plaza" Sumbong ni Fay. Nanlaki naman ang mata ni Rose at dali dali tumakbong papuntang plaza.
Nang makarating na sya sa plaza ay naabutan niya nakikipag-suntukan anak nyang si Alexandra sa isang batang lalaki.
"ALEX! ALEX! ALEX!" Sigaw ng mga bata habang nag-pupustahan kung sino mananalo sa away. Lumapit si Rose at inawat ang anak sa pag-suntok sa batang lalaki na meron ng black eye ngayon sa kanang mata nito.
"Alexandra tama na!" Saway ni Rose sa anak, dahil akmang hahabulin niya pa ng suntok ang batang lalaki
"Umuwi na kayo!" Sigaw ni Rose sa mga batang nasa paligid na nakiki-echoso sa away na naganap.
Tinignan ni Rose ang batang lalaki na nakaawat ng anak, nag lalakad ito pauwi habang umiiyak. Tinignan niya naman ang anak na sabog sabog na ang buhok pero wala itong kahit na anong galos sa mukha.
"At ikaw sa bahay tayo mag-uusap" Galit na tugon ni Rose sa anak at hinili pauwi. "Ano nanamang pumasok sa kukote mo at nakipag-away ka nanaman at sa lalaki pa!" Sermon ni Rose. Kinarga niya naman ang tatlong gulang niyang anak na nagising dahil sa ingay sa pag-sesermon sa anak.
"Eh, kasi naman mama ang duga duga niya. Tapos kinuha niya yung mga jolens ko"
"Para sa jolen na yan nakipag-away ka? Iniwan ko tuloy 'tong kapatid mo na tulog para lang maawat ka sa pakikipag away. Naku talaga Alexandra, lagot kasa papa mo" Sermon ni Rose habang
pinapatahan ang bunsing anak. Hindi nalang umimik ang si Alex at pinag-patuloy niya nalang ang pag suklay sa buhok.Si Alex ay pitong taong gulang at nasa ikalawang baitang na siya. Payat ang pangangatawan ni Alex/Aexandra ngunit kaya nitong ipagtanggol ang sarili at makipag sabayan sa mga batang lalaking kaedaran niya.
Tinignan ni Rose ang anak habang hirap na hirap itong suklayin ang nagka buhol-buhol na buhok kuha sa pakikipag away.
Pinagmasdan niya ang suot ng anak, nakasuot ito ng maluwag na puting t-shirt at naka basketball shorts. Maganda na bata si Alex pero kitang kita sa kilos ni Alex ang pagiging matigasin, halos lahat ng sigang batang lalaki sa lugar nila ay barkada niya.
Imbes makipag-laro si Alex sa mga kapwa niyang batang babae ng chinese garter ay mas pinipili nitong makipag-laro ng basketball, jolens at teks sa mga batang lalaking kaedaran niya.
Sa tuwing bibilhan ni Rose ng manika si Alex ay wala pang dalawang araw ay na agad ang manika. Samantalang tuwang tuwa naman si Alex sa tuwing binibilhan siya ng bola at baril-barilan ng papa Oscar niya.
Kung titignan mo ang mukha ni Alex ay parang ka siyang isang batang anghel dahil sa sobrang amo nitong mukha. Ngunit sa oras na makita mo na ang tindig at kilos ni Alexandra ay mapapansin mo na agad na siya ay.....BEAUTIFUL TIBO
******************
A/N: Yesh naman mga kumare may prologo na si aq hihi.Ipinagdadasal ko na sana matapos ko 'to ng maayos at sana wala na book munang pumasok na ibang plot sa isip ko ng sa ganun matapos ko 'tong story hehe.
Yun nga mga kumare wag kakalimutang mag vote at comment hihi bye mga kumare sana subaybayan niyo to hihi.
PS: LANDI NG AUTHOR
PS:CHAROT LANG HIHI

BINABASA MO ANG
Beautiful Tibo
FanficBata palang si Alexandra ay pansin na ng mga tao ang pagiging matigasin nito. Imbis na makipag laro sa kapwa niya babae ay mas pinipili nitong makipag laro sa mga sigang batang lalaki na ka-edaran nya. Nang mag high school si Alex ay dun na nag si...