Nakahinga siya ng maluwag nang makitang ang binatilyong nagde-deliver sa kanya ng dyaryo ang naroon. Sa hapon siya nito dinaraanan dahil tulog pa nga siya sa umaga. Pero araw ng Sabado kung maningil ito. Matapos bayaran ito ay pumasok na ulit siya ng bahay. Tumutunog pa rin ang cellphone niyang nakapatong sa mesita sa sala. Napipilitang sinagot na niya iyon.
"Hi, Anna! Magbihis ka ng maganda, daraanan kita. Pauwi na ako from work. Magdi-date tayo. May bago nang installment 'yung Resident Evil. Manonood tayo," anito. Tiwalang-tiwala ang
tono na hindi niya ito tatanggihan.
Napaangat tuloy ang mga kilay niya. Isa pa iyong kinaiinis niya dito. Kung makapagsalita ito kahit sa ibang tao ay animo may relasyon sila. Ngunit kahit gaano niya kagustong mapanood ang latest installment ng pamosong pelikula ni Milla Jovovich, kung ito rin lang ang kasama, hindi na lang. baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa sinehan.
"Sorry, pero may lakad ako ngayon, Ba---Bernie. Sige na,mali-late na ako, salamat na lang. Bye!'' aniya. Agad na
pinutol na niya ang linya bago pa ito makahirit ulit.
At dahil natitiyak niyang sa kabila ng pagtanggi niya ay magpipilit pa rin ito at daraanan pa rin siya dito sa bahay, mabilis niyang dinampot ang susi at wallet niya mula sa ibabaw ng mesita. Buti na lang at pupwedeng panlabas na ang isinuot niyang light blue V-neck shirt at maong shorts.
Hindi niya alam kung nasaan na si Bernie. Maaring papasok
na ito ng subdivision nila. Wala siyang balak na maabutan pa
nito doon.
Tatawagan na lang niya ang kaibigan at kapwa writer na si Bliss. Yayakagin niya itong magkita na lang sila sa kaisa-isang mall malapit dito sa Tagay-Tagay, ang WestMall. Ngunit hindi siya sigurado kung makakasama si Bliss gayong ora-orada ang pagyayaya niya.
Kung mula kasi dito sa Meadows Village ay isa't kalahati ang biyahe upang marating ang WestMall na nasa katabing bayan pa ng Tagay-Tagay, sa Salin-Salin. Pero dahil taga-High Hills pa si Bliss at halos mas tamang sabihing nakatira na ito sa mismong bundok ng Tagay-Tagay, mahigit tatlong oras ang magiging biyahe nito.
Hindi niya gustong nagagala sa mall ng mag-isa. Naiinggit lang kasi siya kapag may nakikita siyang magkasintahang naka-holding hands at may pa-sway-sway pa habang naglalakad. Pero mas hindi naman niya magugustuhang hintayin ang pagdating ni Bernie kaya naman dire-diretso na siyang lumabas ng kahoy na bakod ng bahay niya.
BINABASA MO ANG
Hot Intruder-The Gallant Intruder
Romance"I can only promise to love you for as long as my heart beats. That's all a man can really promise." Hindi inaasahan ni Anna na malalagay sa panganib ang buhay niya nang mabulabog ang tahimik na buhay niya ng isang intruder na sinusubukang nakawin a...