CHAPTER 3

3.9K 78 0
                                    

TULAD ng inaasahan ni Anna, hindi nakasama sa kanya si Bliss. Ang totoo, ni hindi ito nag-reply sa text niya. Bagay na hindi niya masyadong ipinag-alala dahil alam naman niya na mahirap talaga ang signal sa lungga

nito. Maswerte na lang kung makapag-text ito minsan sa isang

buong araw nang hindi namumroblema sa pagdating ng text nito

sa kinauukulan.

Kaya naman hindi rin siya gaanong nagtagal sa WestMall. Bumili lang siya ng bucket meal sa KFC at ilang supplies na tolietries bago umuwi lulan ng iniregalo sa kanyang kotse ni Lolo Jimmy noong mag-twenty siya.

Habang bumababa ng kotse ay alerto ang B.B. Radar niya.

Baka kasi biglang sumulpot ang lalaki at sirain pa ang natitirang oras sa araw niyang iyon. Nakahinga lang siya ng maluwag nang hindi niya ito namataan hanggang makapasok siya sa loob ng bahay niya.

Habang ihinahanda niya ang gagamiting plato at mga kutsara sa hapunan niya ay binuksan niya ang stereo sa sulok ng kitchen counter. Sa laki ng bahay ay mistula siyang nasa museum kapag walang ingay kaya lagi siyang nagpapatugtog para kahit paano ay may marinig naman siyang ibang boses sa loob ng bahay niya.

Iniisip na nga rin niyang kumuha ng katulong para kahit paano ay hindi siya nag-iisa. Ang kaso lang, ano namang gagawin ng katulong niya? Tutunganga buong araw? Hindi rin kasi niya gustong iniuutos ang mga gawaing-bahay na mas gusto niyang siya ang gumagawa.

Sabi nga ni Bliss sa kanya, sa lahat naman daw ng kakilala nito, siya lang ang nag-i-enjoy at ginagawang hobby ang mga gawaing bahay. Habang si James naman noon ay naaaliw na nanunuya sa kaganahan niyang maglinis, maglaba, mamalantsa etc. Tiyak na magiging mabuting maybahay daw siya. Low maintenance pa. Dahil hindi siya maghahanap ng mamahaling alahas, damit o sapatos. Regaluhan lang daw siya ng washing machine at vacuum cleaner, malamang umawit na siya ng sampung hossana sa pagsamba sa asawa niya.

Salubong ang kilay na pinukol niya ng masamang tingin ang hawak niyang fried chicken.

"Ugh! Bakit ba ilang beses ko nang naaalala ang bwisit na

iyon?!" inis na pagbubusa niya.

Wala sa loob na napasulyap siya sa date na nasa screen ng cellphone niya. Lalong umasim ang ekspresyon ng mukha niya. Kaya pala. Petsa ngayon ng kaarawan nito. Ang mas masaklap pa, petsa din iyon ng unang pagkakakilala nila mahigit sampung taon na ang nakakaraan. Subalit ang pinakamasaklap, iyon din ang petsa ng paghihiwalay nila dalawang taon na ang nakakaraan.

Mahigit isang taon ng relasyon nilang tumagal din naman

ng dalawang taon ay ginugol nila sa pag-uusap lang sa telepono at pag-tsa-chat sa Internet. Nakabase ito sa Washington at isa itong FBI undercover agent kaya natural, ang buhay nito ay nasa States.

Kaya nagkikita lamang sila kapag nakakakuha ito ng mahaba-habang bakasyon o noong binista niya ito ng mahigit dalawang buwan sa States. Pero ni minsan sa durasyon ng relasyon nila ay hindi niya ito pinagdudahan sa katapatan nito sa kanya kahit pa malayo sila sa isa't isa.

Binalak niya itong sorpresahin nang magtungo siya ng

States upang samahan itong i-celebrate ang birthday nito. Pero

mas siya ang labis na nagulat at nanggilalas nang madatnan niya itong may kasamang ibang babae sa bahay nito sa Washington. Ang mas masaklap pa, ni hindi man lang nito sinubukang habulin siya matapos niyang patakbong umalis ng bahay nito.

Katwiran ng lola niya noong malaman iyon, paano naman daw siya mahahabol nung tao kung duguan ang ilong nito matapos niyang pasarguhin gamit ang kanang kamao niya. Ang sa kanya naman, kung talagang nais nitong habulin siya at pagpaliwanagan o hingan ng patawad, kahit pinilayan niya ito at binalian ng magkabilang braso, mahahabol siya nito.

Wala sa loob na lumipad patungo sa painting na nakasabit sa pader sa loob ng dining room ang tingin niya. Iyon ang huling regalo nito sa kanya bago sila maghiwalay. Ibinigay nito para sa kaarawan niya. It was not a beautiful painting.

In fact, hindi niya maunawaan kung ano eksakto iyon. Pero dahil mukhang proud na proud ito at asang-asa na magugustuhan niya ang painting habang ibinibigay sa kanya, nakangiting tinanggap na lamang niya iyon at nangakong isasabit iyon sa lugar na lagi niyang makikita.

Iyon pala, hindi iyon ang totoong regalo nito sa kanya. Sinusubukan lang nito kung ano ang magiging reaksyon niya. Reaksyong nakuha naman nito nang may pasumpa-sumpa pa siya ditong sa dingding sa kwarto niya iyon isasabit.

"Jeez, Anna! You should've seen your face! For a moment there, I thought you were going to throw that painting at me!" humahalakhak na wika nito nang aminin ang totoo at iabot sa kanya ang isang pahabang jewelry case na naglalaman ng diamond studded na wristwatch.

"Haha! Funny!" gusot ang ilong na ingos niya dito habang hinahayaan itong isuot ang wristwatch sa galang niya.

His face was so close to her that she could see the glinting brown flecks in his brown eyes.

"Thank you, James," masuyong kinintalan niya ng halik ang noo nito.

Dismayadong nagusot naman ang mukha nito. "What kind of kiss is that? What am I? Your granddaddy?! Come here, woman, and give me real kiss!" kunway paangil na utos nito bago siya hinapit sa baywang at siniil ng mariing halik ang mga labi niya.

Naghiwalay lang sila nang malakas na tumikhim mula sa likuran nila sina Lola Zsazsa at Lolo Jimmy. Nang mapuna ni Lola Zsazsa ang painting ay kunot-noong nagtanong ito kung gawa ba daw iyon ng five-year old na pamangkin ni James sa nakatatandang kapatid nitong si Reese.

"No, Lola. I bought it for Anna. And she loves it so much she's gonna hang it in her room!" nanunukso ang tingin sa kanyang tugon ni Mack.

"Actually, nagbago na isip ko. Isa iyang tunay na masterpiece kaya mas mabuti, dito na lang natin sa kusina isabit para makita ng lahat," maagap na kabig niya na ikinatawa lang ni Mack.

"Bakit ba hindi pa kita inaalis diyan?! Ang sakit mo lang

naman sa ulo. Bukas, humanda ka, magba-babu ka na sa

kinalalagyan mo," kausap niya sa painting.

Pero sa likod ng isip niya, batid niyang kahit umabot pa ng

susunod na linggo, mananatili pa rin doon ang painting na iyon. At bahala na si Batman sa kung anuman ang ibig sabihin niyon sa subconscious mind niya ukol sa patuloy pa rin niyang pagkapit sa mumunting pag-asang hanggat naroon ang painting ay mananatiling parte ng buhay niya ang lalaking nagbigay niyon.

Hot Intruder-The Gallant IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon