CHAPTER 5

2.8K 53 6
                                    


ABOUT time! Sa loob-loob ay nasambit ni Mack nang makita ang sindak na bumakas sa mukha ng dalagang kinukubabawan niya.

Akala niya kakailanganin pa muna niyang ipakita dito ang badge niya o ang baril na nakasuksok sa holster niya bago niya maipaunawa dito kung sino siya. At upang maipaintindi din ditong hindi siya naroon para makipaghuntahan lang dito o para sundin ang anumang paniwala nitong utos sa kanya ni James.

Pero labis siyang pinahanga ng mabilis na pag-iisip at maliksing kilos nito. Kung sakaling regular na magnanakaw lang siya, malamang on the way na siya sa presinto salamat sa pamatay nitong mga pag-atake.

Imbes na magtitili pagkakita sa kanya tulad ng gagawin ng

isang normal na babae sandaling makakita ito ng intruder sa

loob ng bahay nito, walang takot na sinugod pa siya nito. Nalimutan niya ang kwento ni James ukol sa mala-tigreng temper nito. Ang alyas nga na pantawag dito ni James ay Amazon dahil sa tapang at lakas ng loob diumano nito.

Kung hindi siya maagap na nakaiwas dito, malamang wala na siyang malay tao sanhi ng vase na ipupukpok sana nito sa likod ng ulo niya. Pero naiwasan man niya iyon, hindi naman niya naiwasan agad ang pagbato nito sa kanya sa parehong vase. Bagay na iniinda ng dumurugong ilong niya ngayon.

Ngunit gustuhin man niyang patuloy na humanga sa lakas ng loob nito, mas natatabunan na iyon ngayon ng pagkayamot at iritasyon dito. Masyado bang mabigat para dito ang manatiling nahihimbing na lang habang binabawi niya ang kailangan niyang bawiin dito? Just a couple of more minutes and he would've been gone with her not even realizing he was there.

Subalit ngayon, mukhang nakahabol na sa kanya ang grupo nina Smith at Weston kung ang pagbabasehan ay ang mga bala ng baril na umuulan sa kanila mula sa labas. Damn annoying woman! Kung hindi siya nito ginambala, kanina pa siya naka-alis.

"Stay down!" marahas na bulong niya sa tapat ng tainga

nito.

Iniangat niya ang ulo at tinantiya kung saan eksakto nagmumula ang mga bala. Karamihan niyon ay sa sala bumabagsak pero may mangilan-ngilan ding humahaging dito sa

kusina.

Gumapang siya patungo sa counter na pinagpatungan nito ng painting. Nananatiling nakadapa sa sahig na inabot niya ng isang kamay ang painting. Ihinampas niya iyon sa sahig upang mabasag ang frame bago kinuha ang makapal na canvas at nirolyo iyon upang ipasok sa knapsack na dala niya.

Nilingon niya ang dalagang kanina'y sing ingay ng sampung nag-i-stampede na elepante ngunit ngayon ay sing tahimik na ng bangkay habang nakayakap ito sa sahig.

"Dammit!" gigil na mura niya nang maisip na wala siyang ibang mapagpipilian kundi isama ito sa pagtakas niya.

Personally, mas kakayanin siguro ng konsensya niyang ipakipagsapalaran ang kaligtasan nito kung iiwan niya ito doon. Posible kasing hindi naman ito galawin nina Smith oras na makita ng mga ito ang papalayong pigura niya. Maari niyang sadyaing magpakita kina Smith upang siya ang habulin ng mga ito. Pero maari ding magpaiwan ng ilang mga tauhan si Smith dito sa bahay ng babae upang dakpin ito at gamiting hostage para mapilitan siyang ibigay dito ang ebidensya.

Ang problema nga lang niya kung isasama niya si Anna, sigurado ba siyang mananatili ding ligtas sa mga kamay niya ito? Ngayon pa lang kasi'y nahuhulaan na niya kung gaano katinding pagtitimpi at pagpipigil ang kakailanganin niya sa

pakikitungo dito oras na isinama niya ito.

The woman is a walking, talking, breathing menace. Yes, her face alone could probably stop traffic. And with those legs bared by the shorts she's wearing, she could easily make a slave out of a man. But she's also one hell of a spitfire! Ang mas masaklap pa, she was an idealistic spitfire! Iyong tipong ipaglalaban ng patayan ang paniniwala nitong laging may bahaghari pagkatapos ng ulan.

At gaano man siya ka-attracted sa ganda nito, hindi sapat iyon para gayahin niya si James na tinangkang mag-stick to one pero pumalpak din naman. Kaya hayun, hanggang ngayon, nagmamarakulyo ito sa kawalang iniwan ng dalaga sa buhay nito.

Swerte na lamang at hindi siya ang tipo ng lalaking madaling magpadala sa dikta ng emosyon o libido niya. Women have their place in his life when he needs to relieve a basic urge. Ngunit imposible siyang mamanipula ng damdamin o pagnanasa niya para sa isang babae. His work always comes first.

Subalit, natitiyak niyang ha-hunting-in siya ni James oras na malaman nitong pinabayaan niyang mapahamak sa kamay ng mga kalaban nila ang dating nobya nito. Duda niya, kahit nakasaklay pa at may benda sa ulo ang partner niya't matalik na kaibigan, babangon at babangon ito mula sa hospital bed nito upang iligtas ang babae o hunting-in siya't pagbayarin sakaling iwanan niya iyon dito. Kaya sa huli'y wala talaga siyang ibang desisyong maaring gawin kundi isama ito.

"Hey! Hey! Anna, dammit!" marahas na pabulong niyang tawag sa babae.

Hindi ito nag-angat ng ulo bagamat nakita niyang tumutok

sa kanya ang nanlalaki sa sindak nitong mga mata. Shit! Those dark brown eyes were staring at him as if she expected him to catch those flying bullets and eat it so she won't get hit. He really hated the woman!

"Come on! We have to get out of here bago pa nila maisipang ikutan itong bahay ninyo at makitang mas mababa ang pader sa likod bahay ninyo," marahas na aniya dito.

Dali-dali naman itong gumapang palapit sa kanya. Kung may oras lang siya para maaliw, natawa na siya sa animo uod

nitong pag-usad palapit sa kanya.

"Nasa bakanteng lote sa likod nitong bahay ninyo ang motorsiklo ko. Doon tayo lalabas."

"Okay," anito na sunod-sunod na tumango.

Kahit hindi niya masyadong nabibistahan ang kulay ng mukha nito, malakas ang kutob niyang namumutla na ito ngayong parang suka. Animo lobong biglang tinusok ng karayom na nag-deflate ang tapang nito.

Kunsabagay, hindi naman nga biro ang mapaulanan ng bala sa loob mismo ng bahay mo. Pero gayunpaman ay hindi pa rin ito nagwawala o nagpa-panic. Takot man ito, nananatili pa ring malinaw ang pag-iisip nito.

"M-Mack---"

"Explanations later. We have to get out of here first. Bago pa maisipan ng mga gagong iyon na pasukin na tayo dito."

"Ano?! Pero---pero---"

"Do you want to die, lady? Kung iyon ang pangarap mo, sige maiwan ka dito!"

"No! Sasama ako sa iyo!" anitong mahigpit na humawak sa kamay niya.

Sa higpit nga pagkakahawak nito sa kanya, hula niya makikita pa niya hanggang bukas sa kamay niya ang imprint ng

pagkakahawak nito sa kanya. Iiling-iling na niyuko niya ang kamay nito. It looked small and fragile compared to his bigger and rougher hands.

At isang hindi niya gustong pangalanang damdamin ang kumurot sa dibdib niya sa kaalamang nakasalalay ngayon sa kanya ang buhay at kaligtasan nito.

"Let's be clear about this first, lady. Follow my orders, all my orders if you want to stay alive, okay?"

"O-okay!" mabilis na tango nito.

Pinauna niya itong gumapang patungo sa pintong dinaanan niya rin kanina pagpasok dito sa bahay nito. Nasa gawing kanan iyon ng matarik na hagdanan at diretso sa likod-bahay ang tungo. With his big body, he covered her from the stray bullets

flying all over the place.

Walang asinta-asinta ang ginagawang pamamaril nina Smith. Kung nagkataong kanina pa siya naka-alis doon, mapapahamak pa rin pala ang dalaga. Ni hindi na muna kasi tiniyak nina Smith kung naroon pa siya o siya nga ba ang tinatamaan ng mga ito.

Pero kahit na baril na may silencer man ang gamit ng mga

ito, tiyak niyang makaka-agaw pansin pa rin mula sa mga kapitbahay ni Anna ang ingay na nililikha ng mga nababasag na salamin ng bintana nito. Hopefully, isa sa mga ito ay tumawag ng pulis upang kahit paano ay hindi sila agad mahabol nina Smith.

Hindi sila nito makukuhang sundan agad kung ang mga ito man ay umiiwas madakip ng mga alagad ng batas. Huwag nga lang nabayaran na ng contact na Filipino general nina Smith ang mga awtoridad dito sa Tagay-Tagay. Kapag ganoon ang nangyari, tiyak mahihirapan siyang makabalik sa meeting place nila ng mga kasamahan niya.

Hot Intruder-The Gallant IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon