CHAPTER 4

4.8K 101 19
                                    

HINDI alam ni Anna kung ano eksakto ang gumambala sa mahimbing na pagtulog niya. Wala naman siyang narinig na ingay o kaluskos. Ngunit bigla ay dinaluhong ng kaba ang dibdib niya. Nakatihaya sa gitna ng kama niya, nadidilat ang mga mata at walang kakilos-kilos na pinakinggan niya ang paligid. Pilit hinahanap ang sanhi ng istorbo sa pagtulog niya.

Tahimik naman ang buong kabahayan. But still, there was something telling her that things were not right. Iyong sinasabi siguro nilang sixth sense ang naghuhumiyaw niyon sa kanya.

Dahan-dahan siyang bumangon at lumakad patungo sa pinto.

Maingat at walang ingay na bumaba siya ng hagdan. Sa lakas ng kabog ng dibdib niya, pakiwari niya ay nag-i-echo iyon sa buong kabahayan. Sa kabila ng kawalan ng nakabukas na mga ilaw, maliwanag ang unang palapag dahil sa malalaking

bintanang tinatagusan ng liwanag ng buwan.

Awtomatikong dinampot niya ang unang bagay na nahagip niya pagbaba niya ng hagdan at mamataan ang gumagalaw na anino sa loob ng kusina. Mahigpit na hinawakan niya ang flower vase at patingkayad na lumapit sa nakatalikod na anino.

Ang kapal ng mukha nitong looban siya! At sa dinami-dami ba naman ng guustuhin nitong nakawin, ang painting pa na regalo ni James! Iglap ay naglaho ang takot niya. Pumalit ang makapanginig tuhod na galit. Buong lakas na ihahambalos na sana niya sa ulo nito ang flower vase nang bigla itong umiwas.

Obviously, alam na nitong palapit siya sa likod nito kaya agad nitong naiwasan ang tangkang paghambalos niya dito ng vase. Pero hindi nito napaghandaan ang malakas na pagbato

niya dito ng parehong gamit nang humarap ito sa kanya.

Malakas na napamura ito sa sakit. Sinapo ang mukhang natatakpan ng makapal na balbas at ng cap na suot nito. Napauklo pa ito sa sakit. Bumagsak sa paanan niya ang hawak nito.

"Ang kapal ng mukha mo! At nanakawin mo pa ang painting ko!" gigil na gigil na sigaw niya nang yukuin ang painting na nabitawan nito.

Mahigpit na hawak-hawak iyon ay tumakbo siya patungo sa pinagsasabitan niya ng mga kaldero at kawali. Kinuha niya ang isa matapos ilapag sa kitchen counter ang painting.

"Akala mo ba natatakot ako sa iyong, kriminal ka ha! Porket mag-isa ako dito, akala mo madali mo akong malolooban!" sigaw niya habang papalapit dito upang hampasin

ito ng malaking kawaling hawak. Tignan lang niya kung may

ulirat pa ito sa kapal ng hawak niyang lutuan.

"Jeezus, Anna! Enough! I won't fight!" medyo ngongo ang

boses na wika ng intruder niya kaya hindi niya ito agad

naunawaan.

Malakas na tumama na sa braso nito ang kawaling buong pwersang ihinampas niya dito nang tumimo sa kanyang pamilyar ang boses ng lalaki. At kilala siya nito!

"Dammit!" mura nitong niyakap ang nasaktang braso.

Ilang segundo siyang nanigas sa kinatatayuan. Hindi siya makapaniwalang hindi siya dinadaya lang ng tainga niya at ng bahagyang liwanag ng buwan na tumama sa kalahating bahagi ng mukha ng lalaki. Napasinghap siya sa panggigilalas. Nang umuungol na mapaupo ito sa sahig ay dali-dali niyang tinakbo ang switch ng mga ilaw.

"No, dammit! Turn it off!" marahas na sigaw naman nito.

Bagamat may pagkangongo pa rin ito ng bahagya dahil sa patuloy na nagdurugong ilong na sinusubukang ampatin sa pagpisil doon, puno pa rin ng awtoridad ang boses nito. Kaya awtomatikong sinunod niya ito.

"Sino ka?! At bakit mo ako kilala?!" sa wakas ay naibulalas niya.

Lalakad na sana siya palapit dito nang maisip na bakit niya ito kailangang sundin gayong bahay niya iyon at ito ang walang paalam na nanloob sa kanya! Gigil na binuksan niya ulit ang ilaw. Sino man ang nilalang na ito na ewan niya kung bakit pamilyar ang boses sa kanya, mas siya pa rin ang may karapatan

Hot Intruder-The Gallant IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon