"Love laban lang please, lumaban ka alam kong kaya mo yan "
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, iyak lang ako nang iyak dito habang hawak hawak ang kamay ng taong mahal ko.
"Diba sabi mo hindi mo ko iiwan, pero bakit ang daya mo naman, lumaban ako para satin kaya please lumaban ka rin. "
Sobrang sakit na makita yung taong mahal mo na nag-aagaw buhay dahil sayo.
Kung sana hindi ako nagpasundo edi sana wala siya rito, sana masaya kaming nanonood ng paborito naming palabas sa bahay habang kumakain ng paborito kong pagkain.
"Love naman, alam mo namang hindi ko kaya nang wala ka"
"Sayo na lang ako kumukuha ng lakas, pero bakit ganito?"
"Yung lakas ko wala na"
"Paano na iyong mga pangarap natin? Mawawala na lang bigla?"
"Love naman"
"Love nahihirapan na ko"
"Love hindi ko na alam yung gagawin ko"
"Love dalawang taon ka nang nakahiga diyan, kailan mo balak gumising?"
"Love gumising ka na please"
"Namimiss na kita, namimiss ka na namin"
"Love gumising ka na please, sobrang dami kong kwento para sayo"
"Alam mo ba love, daddy ang unang word na natutunan ni Crade, samantalang mommy naman kay Drake "
"Love ang bilis lumaki ng kambal, lagi nilang tinatanong asan daddy nila"
"Naiiyak na lang ako kapag ganito"
"Love Happy Anniversary"
"Love sabi ng Doctor kailangan ka na raw naming bitawan, love alam mo namang hindi ko kaya yun diba"
"Love sobrang nasasaktan ako, pero kailangan ko tong gawin"
"Kahit masakit sa akin, pipilitin ko"
"Labis labis na yung paghihirap mo, siguro tama na itigil na natin ito hindi mo 'to deserve ang mahirapan ng ganito."
"Kahit masakit love tatanggapin ko"
"Alam kong mahirap 'to love pero kakayanin ko"
"Basta promise me love, babantayan mo kami lagi"
"Love, I love you so much"
Time of death 11:11 PM
Goodbye Love
YOU ARE READING
J U S T R E A D I T
Overig"Are you okay?" He asked "You think?" I replied "I miss you love, we miss you" "Can we?" "I hope someday you'll meet someone who deserve your love" "Can you please take a picture of us?" "'Bout yesterday I'm sorry I didn't mean it, its just.. " ...