Damn! Late na ako. Baka nagsisimula na ang presentation para sa project namin. Bakit sa dinami-dami ng araw ngayon pa napasarap ang tulog ko. Kanina pa ring ng ring ang cellphone ko,tiyak ang leader namin ang tumatawag. Ayoko namang sagutin, masira pa eardrum ko. Lakas pa naman makasigaw noon. Lagot ako nito kapag hindi ako nakaabot sa tamang oras, na sa akin ngayon nakasalalay ang mga grade ng ka-groupo ko.
Lord, pweeedee po bang pabagalin nyo ang oras kahit ngayon lang? Pleeeeasee..
"Manong! Para na, ho." Halos mabingi na ang mga taong nakasakay sa jeep dahil sa lakas ng boses ko.
Pagbaba ko, tatakbo na sana ako ng tawagin ako ulit ng Mamang driver.
"Miss, nagbayad ka na ba?"
"Nako, sorry ho manong malalate na kasi po ako kaya nakalimutan ko."
Huhu, nakakahiya! Baka isipin ni Manong nagpapalusot ako.
Inabot ko ang sampong piso sa babaeng nakaupo sa hulihan Kong saan malapit sa akin. Bago umalis humingi pa ulit ako ng pasensiya kay kuyang driver. Buti na lang pinaalala niya, ayokong namang manloko ng kapwa. Alam ko kong gaano kahirap magkayod mabuhay lang.
Binigay ko na lahat ng lakas ko sa pagtakbo papunta sa classroom ko. Nasa third floor ang first subject ko na English. Buti na lang may elavator kaya mapapadali ako.
Pagdating ko sa tapat ng elavator, madaming ding estudyante ang naghihintay at nagsisiksikan. Halatang nagmamadali din sila. Napatingin ako sa luma kong relos. Shit! Ten minutes na lang magbebell na.
Mukhang malas ang araw ko ngayon, ah. Huhu! Ayoko talaga ng hagdan kaso no choice na,eh.
Ayan nag-iinarte ka pa!
Nababaliw na ata ako. Pati sa loob ng isip ko may nag aaway na. Bahala na basta bibilisan ko na lang.
"Hoooo!" Napabuga ako ng malalim na hininga. Nakahawak ako sa magkabila kong tuhod regaining my strength ang balance. Medyo nahilo kasi ako kanina habang paakyat dito. Nanginginig din ang tuhod ko sa pagpupumilit na masmapabilis ang pagtakbo ko.
"Miss Gonzales, bakit nasa labas ka pa. The class is about to start."
"Ay palakang nagsasalita!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Ma'am Alice Gomez.
"What did you just call me, Miss?" Tinaasan ako ng kilay ni Ma'am habang nakahawak ang isang kamay niya sa tagiliran na parang naninirmon.
"Ma'am, kakadating mo lang po?" Imbes na sagutin ko ang tanong ng guro ko iba ang lumabas sa bibig ko.
"Yes, may bago kasi tayong student transferees kaya pinatawag ako ng Head Principal. Anyway, pumasok ka na. Cancel muna din ang reporting natin ngayon.
Gusto ko ng pumalahaw sa pag-iyak. Ang effort ko sa pagtakbo na parang si the flash nasayang! This day is indeed not my luck.
YOU ARE READING
She's A Monster
Mystery / ThrillerHe is mine and whoever takes him away from me will going to die. -Serenity I vow to love her unconditionally. She is mine the moment I laid my eyes on her. Those violet enchanted eyes of her that makes me feel like I'm drowning. ...