Chaste Martin
Here I am, walking alone on the side of the road hoping to find my mom and dad. Me my mom and my dad attended a birthday party and it was held in this exclusive village, but right now I don't know where they are. Pagkatapos naming kumain ay naisipan kong maglaro sa garden ng birthday celebrant who's daddy's business partner. I saw a very big and beautiful butterfly sa garden nila at nang lumipad ito upang dumapo sa ibang bulaklak ay sinundan ko ito, hindi ko naman alam na habang sumusunod ako sa magandang paru-parung iyon ay mapapalayo ako.
Lakad at takbo ang ginawa ko upang mahanap ang lugar kung nasaan ang mga magulang ko pero hindi ko pa rin ito makita, hanggang sa matalisod ako sa isang nakausling bago sa may kalsada na naging dahilan ng pagkadapa ko. Hindi ako makatayo sa sobrang sakit ng tuhod ko ang tanging gusto ko na lang mangyare ay makita ang parents ko. I feel so hopeless, I'm already in the verge of crying when I saw a pair of rubber shoes stopped in front of me. Dahan-dahan kong inangat ang aking mukha at doon ko nakita ang isang batang lalaking may maamo at gwapong mukha na nakatingin sa akin ng may bahid ng pag-aalala sa mukha, kung di ako nagkakamali ay matanda lang siya sa akin ng ilang taon.
"Hey, are you okay" sabi sa akin ng batang may maamong mukha, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa oras na nagsalita siya ay unti-unting nangilid sa aking mga mata ang mga luhang kanina'y aking pinipigilan.
Napansin naman yata ng bata sa aking harapan na naiiyak na ako, "Hey, don't cry. Here let me help you" inabot niya sa akin ang kanyang mga kamay at walang pag-aatubiling tinanggap ko ito.
"Ouch" This time my eyes began to watered, ang sakit kasi ng tuhod ko at nakita ko na may mga sugat pala ito at nahihirapan akong tumayo.
Hinawakan niya ang braso ko para sana doon ako alalayan ngunit mas lalo lamang akong naiyak ng lumapat ang kamay niya sa siko ko na may mumunting galos din pala.
"Oh! I'm sorry, I didn't noticed na may sugat ka rin pala sa braso" he said worriedly
Bigla naman siyang umupo sa may paanan ko, kaya naman binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.
"Common I'm gonna give you a piggyback ride", he said smiling at me
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, Oo masakit ang tuhod ko pero nakakahiya naman kung bigla na lang ako magpapabuhat sa kanya, besides hindi ko naman siya kilala. Ngunit para namang nababasa niya ang nasa isip ko kaya muli na naman niya akong nilingon, "What are you waiting for? Wag ka nang mahiya, I won't bite" then he chuckled
Sa huli ay napilitan din akong sumakay sa likod niya. Walang-imik akong naka-kapit sa leeg niya. "Nakita kita kanina ng nadapa ka, kaya naisip kong lapitan kita" pagbasag niya sa katahimikan.
"Taga-saan ka ba? Sinong kasama mo? I don't think you're living in this village kasi kung dito ka nakatira e di sana hindi ka mukhang naliligaw kanina"
"U-Uhm, I'm with my p-parents. Nandoon ako nanggaling sa b-birthday party, n-naligaw lang ako"
"Ah, dun ba?" sabay turo niya sa bahay na pinanggalingan ko kanina, kung saan may party na nagaganap
"O-Oo, doon nga"
Nang makarating kami malapit sa may bahay na pinagdadausan ng kaarawan na pinanggalingan ko kanina ay natanaw ko ang kotse ni Daddy ay itinuro ko iyon sa kanya, "doon mo na lang ako ibaba" at iyon nga ang ginawa niya, binababa niya ako sa hood ng sasakyan namin.
YOU ARE READING
The Game Called LOVE ❤️
Художественная проза"Love comes in unexpected time, in an unexpected place with the unexpected person" Girls, flocks around Him. While she's one of the boys... He's a player, the great lady killer.... and She was a player as well, but unlike Him, She's a known Athlete...