Kabanata I

255 18 10
                                    

George's POV

"Oh bakit yan ang ayos mo?"

Tinignan ko ang sarili ko mula paa.

Rubber shoes, cargo pants, long sleeves na polo na may black sando sa loob, may dog tag, naka-cap at nakatago ang mahaba kong buhok. Ilang beses ko ng binalak gupitinULIT para maikli lang talaga pero ayaw ko ng maulit dati ang punishment ni Daddy. Walang allowance sa isang lingo tapos grounded pa ng one month!

"Maraming biniling dress ang Mommy mo, you should've try them."

"Dad!" Asar eh! Dress daw?

Alam naman nilang ganito talaga ako pinipilit pa din akong magsuot ng mga ganung damit! E halos mangati ako. Yung mga binibili nilang dress hayun, di ko pa rin nagagamit. Kahit man lang isukat ko. NEVER! Yung ibang damit naman na binibili nila  ine-experiment ko. Gupit dito gupit doon. Tastas dito, tastas don. Nakakabuo ako ng damit na may kakaibang design. Wala pang kaparehas!

"Ano ka ba? Party ang pupuntahan natin hindi battle ng flip top"

Alam din naman ni Daddy ang flip top. :-D

Naka-red dress si Mommyand stiletto and nakaformal din si Daddy.

"Go upstairs and change."

"NO WAY!"

"Ina, Sundin mo na ang Daddy mo."

"Comfortable ako dito Mommy"

"GEORGINA!" yan high pitch na si Daddy. Ayoko sa lahat e babanggitin ang buong pangalan kong Georgina. Mas gusto kong tinatawag  akong George.

"Eeeee. Ayoko nga po mag dress! YUCK! Duh!" 

"Let's go." Hinawakan na ni Daddy si Mommy at galit na naglakad palabas. Ok fine! Iwan nyo ang anak nyo besides ayoko naman talagang sumama sa party na yun.

Lalabas na rin sana ako para makapaggalagala, sayang naman ang outfit ko kaso bumalik si Daddy.

"Wag nyo syang palalabasin. >nakaturo saken< She's grounded for one week! UNDERSTAND!?" sabi nya sa mga maid.

"Yes sir."

Argh! Kasasabi ko lang na ayoko na ulit maulit yung punishment na yun e nangyari ulit. Asar naman si Daddy oh! Di bale tatakas ako. Mehehe. Pasaway!

Umupo muna ako sa sofa at nagbukas ng tv.  Nakalayo na naman siguro sina Daddy. Wait muna ako kahit 2 minutes at pupuslit na ko. Sinusulyapan ko ang ginagawa ng mga maid. Yung isa nasa labas. Tsk. Mahihirapan ako nito.

Isip isip.

Tumayo na ko at naglakad palabas.

"Hello" bati ko kay  manang Lira. Nasa 50's na sya and sya ang nag-alaga saken since birth. Ang strict nina Mommy e halos di naman sila ang naga-alaga saken. Di ko maramdaman na anak nila ako. Dinadaan nila sa material things.

"Oh? May kelangan ka ba?" Nagaayos sya ng mga roses.  Nakapamulsa ako at titingin tingin sa paligid.

"Hmm. Manang, gusto ko po ng.......>ano nga ba gusto ko< ..............strawberry shake. Paggawa nyo naman po ako.Namimiss ko na rin po yung gawa nyo e." lumapit ako at niyakap sya.Lambing mode.

"O sige, dyan ka lang ha. Sabi ng Daddy mo  di ka pwedeng umalis."

"Ok. Promise!"

Eto na....sinilip ko sya at nasa may kitchen na sya.

Operation takbo!

Ayos wala si guard.Mabilis ako nakalayo

Save the Last Game for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon