George's POV
Naiwan ako dito sa ilalim ng puno. Ayoko pang umattend ng klase. BORING lang.
"Hey!"
Pagmulat ko marami ng tao sa harap ko. Puro babae. Galit na galit ang mukha nila. Wala naman akong atraso sa kanila pero kung tingnan nila ako e parang wala ng bukas!
"May problema ba?"
"Oo!" chorus nilang sagot.
"Ha?"
"Marunong din palang lumandi ang gaya mo. Layuan mo si Kevin!"
Siya yung babaeng nakita ko sa mall. Masama pala ang ugali ng isang 'to. Masama ang tabas ng dila.
Di na ko nakapagpigil kaya tumayo na ako. Di ako natatakot kahit marami sila.
"Malandi? Sino bang tinutukoy nyo? Ako or mga sarili nyo?" dinuro ko pa sila isa isa. Nakakapantig ng tenga e.
"HA HA HA!" sarcastic nilang tawa. Mga shunga!
Porke ba magsama landi na agad? Di ba pwedeng friends lang kami nung tao? Makikitid ang utak!!! Asarin ko nga lalo ng umusok ang ilong ng mga ito.
"E ano naman kung nila-LANDI ko si Kevin? May problema ba?"
"Sayo wala pero sa amin MERON!"
Saktong sasampalin na ako pero napigilan ko na ang kamay nya.
"Girlscout yata ako kung hindi natatanong."
Pinulot ko na ang mga gamit ko at sinakbit ang bag. Tinalikuran ko na silang lahat.
"AW!" bigla na lang hinila ang buhok ko! Ayaw patalo ng mga mean girls na 'to.
"San ka pupunta? Kay Kevin?"
"Ano ba? Masakit ha!" pnagtulungan nila ako. Sabunot plus tulak pa! Nakakaganti naman ako kaso marami sila. Wa epek.
------
"Ouch! Dahan-dahan naman Arah!"
"E kasi naman. Bakit mo pa pinatulan?! Yan tuloy inabot mo!"
"Hindi naman pupwedeng palampasin ko lang yung ginawa nila kaya lumaban pa rin ako.Nine siguro sila tapos laban lang saken. E ano bang laban ko sa kanila. E alangan namang magmukha akong action star na kahit di nauubos ang kalaban, panalo pa din!"
Patuloy kong dinadampian ng bulak na may betadine ang sugat sa may baba ko. Napasubsob kasi ako dahil sa mga babaeng feeling na yun. Baka maging peklat pa ang sugat ko! Argh!
Lumabas na kami ng clinic ni Arah at nakasalubong namin sina Kevin at Kris. Kasama nila ang mga babaeng may atraso saken. Tumigil muna kami at hinintay na makalapit sila sa amin.
"Humingi kayo ng sorry! utos ni Kris
"WHAT!?" sigaw naman nung girl na sa tingin ko ay leader nila.
"Hihingi ka ba ng sorry kay George or gusto mong masuspended?" ----> say ni Arah.
"Ok FINE! Sorry! Magtu-tooth brush na lang ako pagkatapos. KADIRI!"
"Hoy!" nakahawak ako sa baba ko dahil medyo masakit pag nagsasalita ako. "Ikaw babae ka! Kapal mo rin no. Gusto ibaon ko sa noo mo yang takong ng sapatos mo?"
"Mag sorry ka ulit!" utos naman ni Kevin.
"But, nagsorry na ko sa kanya Kevs." May pagapa-cute pa syang nalalaman tapos Kevs pa ang tawag nya. Feeling close!
"Say Sorry."
"Ok. Sorry na George."
"Oh, kayo din." sabi pa ni Kris sa ibang babae.
"Sorry George." sabay sabay nilang sabi. Hmmp! Halatang napilitan lang! Mga bwisit na 'to! Mga haliparot!
Nag-nod lang ako. Pinaalis na sila ni Arah. Kami namang apat ay pupunta sa may gym. Nahuhuli kami ni Kris sa paglalakad. Ang bilis naman kasi ni Arah, hinatak pa nya si Kevin. Patay na patay talaga siya kay Kevin kaya mamatay rin kung sino man ang magiging karibal nya rito idagdag pa na anak sya ng mayari ng school.
"Ok ka lang ba?"
"Oo naman Kris! Ano ka ba?! Malayo 'to sa bituka. Galos lang 'to!"
"E pano mo e-explain yan sa parents mo? E ngayon pa na mukhang Ok na kayo."
Yun ang hindi ko naisip! Anong palusot ang sasabihin ko? Nadapa ako? Ang lampa ko naman! Pag sinabi ko naman ang totoo baka magkaron ng world war III sa bahay. Sermon na naman plus baka ma-extend ang pagiging grounded ko! Panira naman sa buhay yung mga babaeng yun! Dahil lang kay Kevin nagkakaganun sila.
"Ano? May naisip ka ng palusot?"
"Nangaasar ka?"
"Hindi naman. Concern lang ako sayo."
"Talaga lang ha?"
"Bakit? Di ba halata?" sabay pisil pa sa pisngi ko. Napasigaw naman ako. Dinali ba naman ang baba ko! Medyo nakirot pa ang sugat.
Di naman ako masyadong pinansin nina Mommy. May appointment sila pareho ni Daddy. Nagtanong lang sila kung ano nangyari, sabi ko napasubsob gawa naglaro ako ng soccer. Di naman sila nagalit. Nagulat pa nga akosa sinabi ni Daddy.
"Sa susunod mag-iingat ka."
BINABASA MO ANG
Save the Last Game for Me
Teen FictionBOYISH. Yan si George. MVP. Yan naman si Kevin. Every girl's dream. and became George's dream, literally. Read on!